ᴅᴇᴅɪᴄᴀᴛᴇᴅ ᴛᴏ thlstpgn
SOMEONE's POV
Mataman kong tinignan si Tito Harry. Gusto ko syang sigawan, duruin at bastusin pero hindi pwede.
"Kailan ko sya makikilala kung ganon?" walang buhay na usal ko.
Tiningnan nya ako at nginitian. Hindi 'yon nakaka-insulto pero pakiramdam ko ay nainsulto ako.
"You'll be transferred to Villa University downtown. I'm sure na makikilala mo s'ya roon." he answered with assurance.
I disrespectfully nodded to him bago ako nag-paalam na aalis na.
He's annoying.
Umuwi ako sa bahay at saka inasikaso ang mga gamit ko para next week. Nauna ng pumasok ang nakababatang-kapatid ko. Sa pagkaka-alam ko ay doon na nga sa Villa University pumasok ang kapatid ko. Akala ko ay sya lang malilipat pero kasama rin pala ako.
THALIYAH's POV
Wala si Mama dahil may inasikaso sya sa company namin sa Spain. Walang pasok kaya wala rin akong magawa sa bahay. Nag-out of town ang family ni Amor for the whole weekend to spend her Lolo's 90ᵗʰ Birthday.
I'm busy scrolling on my phone ng biglang pumasok si Papa. I stared at him blankly and get my attention back to my phone.
"Thaliyah." tawag nito. Tinignan ko sya ng may pagtataka. "Go to your room. Your moms' amigas will be here any moment." nakaramdam ako ng kurot sa puso ko.
'Ikinahihiya nya pa rin ako..'
Mariin akong napapikit bago tumayo mula sa pagkaka-upo ko sa single couch doon. Pumasok ako sa guestroom dahil hindi ako pwedeng umakyat sa kwarto ko.
"I said to your room! Why are you entering that room?" napairap ako bago sya harapin.
"Just to remind you, sir. My room's under renovation. I will look stupid if I go up stairs and lay down on my bed while the workers are renovating the whole freaking room of mine." usal ko. Bahagya namang nanlambot ang mukha nya sa pagkapahiya ngunit dahil nga sya si Thiemes Villa Hardouin hindi nya ipinahalatang napahiya sya.
He nodded and turn his back. Pumasok na ako at ni-lock ang pinto non. Nahiga lang ako sa kama at tumingin sa kisame.
'What's wrong with me? Bakit nya ako kinakahiya?'
Kunsabagay, ano bang bago don?
I found myself crying, again. Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa mata ko at saka muling kinuha ang cellphone ko. Nahiga ako ng maayos sa kama at saka nag-patuloy sa pag i scroll sa instagram.
Ganon lang ang ginawa ko hanggang sa marinig ko ang mga pamilyar na boses. Nanggagaling iyon sa receiving room namin. Tapat lang kasi ng receiving room ang guestroom kung nasaan ako. Narinig ko ang mga pinag-uusapan nila dahil nga nasa tapat lang nila ako. Pinag-usapan nila ang business collaboration sa company namin. Our family owned THREE big and famous companies in the country and less than 50 branches around the world.
My mom owned her own beauty company. The 'Beauty of Vyschie'. She named it after her surname before she got married to Thiemes.