Chapter 18 - Uhh-ohh

127K 2.3K 57
                                    

Daphne's POV

"James!" Bigla kong nasabi sa walang hiyang lalaki na nasa harapan namin ngayon na may nakakalokong ngiti at kasabay nun ang iyak ni Kyle. Lumuhod ako at pinatahan ang anak ko. "Kyle, don't cry anak. Bakit ka ba umiyak bigla" Tanong ko dito.

"M-mommy ..iiwan nio na po ba ako?" Tanong ni Kyle habang umiiyak.

"Anak, bakit mo naman nasabi yan, tahan na. Di ka naman iiwan ni mommy ah." Naku ang anak ko talaga.

"Kukunin ka po ni Uncle James sakin." he hugged me. 

"Kyle.." Sumabat si James at hinawakan ang ulo ni Kyle.. Lumuhod din siya at bumaling sa kanya si Kyle. "Kung kukunin ko man ang mommy mo, kasama ka dun sa kukunin ko. Tandaan mo yan ha.." Nakatingin lang si Kyle sa kanya habang nakikinig tumutulo pa rin ang mga luha nito.

Tiningnan ko ng masama si James. "Dahil sa kalukuhan mo, yan umiyak tuloy ang anak ko. Ang aga-aga pinaiyak mo ang bata. Tsk"

"Mommy, don't talk to him.. I don't like him." Nagpakarga ang anak ko kaya kinarga ko na lang papuntang kusina. Nakasunod lang si James.

"James, kakausapin ko muna ang anak ko, ok?" Pinalakihan ko siya ng mata para sabihin dito na mali ang ginawa niya kanina at bawas points yun sa anak ko. 

"Sabihin mo na agad sa kanya, Daph." Pahabol pa nito. Anu siya siniswerte?

"Anak, don't be mad at uncle James. He's not bad naman ah.." Sabi ko dito ng paupuin ko siya sa isang silya at pinainum siya ng gatas.

"He kissed you,mom. Ako lang po yung mag-kiss sayo kasi love kita." Lagot na.. pano ba to? napakamot ako ng kanang kilay ko.

"Ahh.. anak, pagbati lang yun ni Uncle James. Don't mind that little thing he did. Wala naman yun. Lam mo naman na love na love kita diba." Di na ito umiiyak pero masama parin ang mukha nito. "Papagalitan ko si Uncle James at hindi na yun mauulit kanina..Smile na anak." Tumango naman ito at ngumiti ng pilit. 

Tinawag ko ang katiwala namin at hinabilin muna si Kyle na pakainin para makausap si James sa labas.

"Walang hiya ka talaga, James." Binatukan ko siya. 

"Bakit ka namamatok?" Napakamot siya sa parte ng ulo niya na binatukan ko.

"Eh pinaiyak mo ang anak mo! Bakit mo naman kasi ginawa yun? at sa harap pa ng bata. Ang bastos mo talaga, alam mo yun."

Nguimisi lang siya. "Mabuti nga yun para nang masanay na. Matalino ang anak natin kaya wag mo nang beybehin pa. Maging mamas boy pa yan paglaki kung palagi mo ginaganyan." 

"Ahh,, at kinukwesyon mo pa talaga sakin the way ng pagpapalaki ko sa anak ko? Ha?" Pinameywangan ko siya.

"Ayan ka na naman, huwag ka nang magalit, babe." Hinawakan niya ang baba ko. Winaglet ko naman ang kamay niya

"Alam mong masyado kang touchy and one more thing, I'm not your babe. Tandaan mo yan."  Sinabi ko sa kanya sabay diin ng hintuturo ko sa dibdib niya. Di ko na hinintay pa ang sagot niya.  "Kumain ka na ba? Kung hindi pa, sumabay kana samin." pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ako pabalik sa kung saan si Kyle. "Wait" binalikan ko siya at walang pasubaling humalik sa labi niya. "Binalik ko lang, ayaw ng anak ko e" sabi ko na hindi tumitingin sa kanya din mabilis na ang lakad ko paalis.

Narinig ko pa ang malakas na tawa nito sa sala. Grabe ang tawa naman abot hanggang kusina. Napangiti ako.

Di naman sumunod si James at lumabas lang siya ng bahay, tinanong ko kasi ang katulong kung anung ginagawa ni James.

Nagring ang iPhone ko and it's Renz. Kasalukuyan kaming nag-aayos ni Kyle sa kwarto niya. Hinihintay na lang namin si Renz para makaalis.

"Hello, Renz..." Bati ko dito.

"Morning, Kate. Ready na ba kayo?"

"Yup"

"Ok, malapit na ako. See you"

"Ok, bye,"

"Sasabay kayo sakin." Sabi ni James ng makalabas na kami ng bahay para sana abangan si Renz.

"Hindi sasabay kami kay Renz." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Ok." Sabi nito at nagkibit balikat lang ako.

Bumaba si Renz ng sasakyan ng dumating ito at binati kami.

"So, tara na." Kukunin sana ni Renz ang bitbit kong maliit na bag kung saan ang mga extrang damit at ibang gamit ni Kyle. Pero naunahan siya ni James ng pagkuha nito.

"Ako na pinsan." kasabay ng paglakad nito sa sasakyan ni Renz. "Tara na Clarence! Sasabay ako sa inyo"

"Uy pinsan, akala ko ba hindi ka sasabay sakin papunta dun bakit nag-iba yata ang isip mo?" Nakakunot noo na nakangiting tanong ni Renz. Nagkibit balikat lang ito at sinabing..

"Para makatipid sa gas" nakangiting sabi ni James.

Wala namang reklamo si Renz sa pinsan kaya sinama na niya. Nasa backseat kami ni Kyle at sa front seat naman si James.

"Kyle, gusto mo ng chocolate?" May binigay si James kay Kyle chocolate na malapad at malaki. Tiningnan lang nito and shook his head. "Wag nang mahiya kunin mo na." pilit nito. Peace offering? Hindi yan madadaan sa mga ganyan. Tsk tsk..

Tiningnan ako ni James at nagkibit balikat lang ako. "Ayaw niya James, wag mo nang ipilit." mahina kong sabi.

"Baby Kyle, ano problema mo, big boy? tahimik mo ngayon ah.." Sabat naman ni Renz.

"Uncle Renz...." tawag ni Kyle kay Renz. 

"Yes, Kyle?"

Tiningnan muna ni Kyle si James at sakin then tumingin sa nagdadrive na si Renz. Ano kaya ang sasabihin nito? Hindi niya naman minsan kinakausap si Renz ah. Di kaya isusumbong nito ang kanina? Huwag naman po sana,, naku!

"Kelan po tayo pupuntang amusement park at beach?"  Napahinga naman ako ng marinig ko ang sabi niya.

Tumawa lang si Renz. "Excited ka na ba? Sige bukas at pupunta tayo sa star city ." 

"Kasama po ba si Mommy?" tanong ni Kyle.

"Siyempre naman!" Masayang sabi ni Renz.

"Yehey! Mommy gusto ko pong sumakay sa malaking barko dun.. I saw it on tv and it would be fun."Sabi nito at kung anu-ano pa ang pinagsasabi. Excited para bukas, nakikinig lang naman kaming tatlo hanggang sa nakatulog na siya ng makarating kami sa location.

Hindi naman kami nagtagal pa sa lugar kung saan balak ni James magpatayo ng bahay. Kaya nung nagtanghalian ay pumunta kami sa isang resort na malapit. Walang masyadong tao ngayon, kumain kami sa restaurant ng resort at nag-usap na tatlo regarding sa pagpapatayo ng bahay. Professional naman at business like kung mag-usap ang magpinsan minsan nao-op pa ako sa kanilang topic.

Nag-excuse ako para pumunta ng banyo habang hinihintay ang bill. Iniwan k muna kay Renz si Kyle. Binuksan ko na ang pinto at papalabas na sana ako ng banyo ng makita ko si James sa labas ng tinulak ako papasok ulit.

"James anu ba?!" Galit kong sabi dito. Baka kasi may makakita at anu pa ang sabihin.

"Sa susunod, huwag mong maiwan-iwan sa pinsan ko si Kyle." Seryoso ang mukha niya ng pagkakasabi nun at bigla akong natameme. Nakatingn lang ako sa kanya na walang emosyon.  "Ako ang ama niya kaya dapat sakin mo siya inihahabilin ang anak ko,Daph. Nagkakaintindihan ba tayo?" Patuloy pa nito.

Tumango lang ako habang tinitingnan siya. Kinakabahan ako. 

"Ahh.. one more thing. Hindi kayo matutuloy bukas."

"Ha? Bakit hindi?" Nakakunot noong tanong ko.

"Kasi ayaw ko. Tapos" Madiing sabi ni James at lumabas na ng banyo.

Uhh ohhh..

~~~

:)

A Night With...? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon