A/N
Hello friends,
Here’s the latest UD. I hope you will like this chapter. Nakakatuwa nagawa ko ito ng isang araw lang. Hayz sana laging ganito.
Maraming salamat ulet sa lahat ng aking mga readers. Natutuwa akong may mga nagvovote at nagcocomment sa story ko. Feel free to inform me of your suggestions. Open po ako sa mga ganung bagay para na rin maimprove ko ang pagsusulat ko.
DON’T FORGET TO VOTE COMMENT AND SHOW SOME LOVE.
God bless you all,
Alex Camiller
KASUNDUAN NG De JESUS at ng mga taga Crysteia
Matapos kong masigurong sarado na ang mga bintana’t pintuan sinilip ko naman sila Nanay at Tatay pati na rin ang mga lalaking anak ko bago ako tuluyang magtungo sa aking silid. Dahil hindi ako makatulog sinimulan ko ng buklatin ang mga ibinigay sa akin ni Tatay. Isang Malaki at makapal na sketch book ang una kong tinignan. Si Lola Divine ang nakapirma sa lahat ng mga larawang naririto, ang iba’t ibang klase ng nilalang. Namangha ako sa galling nyang magdrawing at may iba pa na halos ayoko ng tignan sa sobrang bagsik ng itsura. Pagkatapos noon ay nagsimula na akong magbasa ng kanyang journal.
Naihatid naming ng maayos ang magkapatid at si Nelly. Nang makapasok na kami sa Kaharian ng Crysteia ay bigla na lang kaming natahimik at ni isa sa lahat ng engkanto doon ay walang gumalaw. Ganito ang nangyayari kapag may ibig iparating sa amin ang aming reyna, ang kapatid kong si Preia.
Sinimulan na naming lagyang ng uling ang ilalim ng ganggangan matapos ilagay ng maayos ang lahat ng niyog sa sahig na kawayan. Panahon kasi ngayon ng ani ng kopra at inaabot ng isang linggo ang proseso. Ako ang nakatoka para bantayan at siguruhing makukuha agad lahat ng pede ng ibenta mula sa ganggangan. Ang ganggangan ay isang katamtamang laki ng kubo subalit ang dingding nito ay mga dahon ng saging at walang itong bubong. Dito pinapatuyo ang mga niyog bago ibenta sa mga suki naming wholesaler. Hawak ko ang isang notebook at lapis para italo kung ilang sako ng niyog ang handa ng ilagay sa karuwahe nang biglang may naramdaman akong dumating at alam kong nakatayo sa di kalayuan ng kinalalagyan ko.
“Alejandro mamaya pa ako kakain ng hapunan hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.”
Subalit walang sumagot sa akin kaya nama’y tinignan ko ang likuran ko. Walang tao marahil nagkamali lamang ako sa naramdaman ko kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Isang malakas na sunod sunod na kalabog ang narinig mula sa ganggangan. Kaya naman tinungo ko ang bukas na bahagi nito, may mga sulong nakalagay malapit sa ganggangan at may sinag ng buwan kaya naman kitang kita ko paghahagis ng mga niyog mula sa ganggangan patungo sa isang sako na inihanda ko kung saka sakaling makita ko na pwede ng tanggalin ito. Mabilis kong tiningnan ito subalit pagdating ko doon ay natigil na rin ang ingay na narinig ko pero hindi ako pwedeng magkamali dahil may laman na nga ang sako at halos kalahati na ito. Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan pero hindi ako pwedeng magpakita ng takot. Sa halip ay inilagay ko sa lapag ang notebook at lapis ko at sinimulang tignan ang mga niyog.
BINABASA MO ANG
HABAY
ParanormalNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...