Hello Friends,
Again nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta sa aking story – Habay. Nawa’y pagpalain po kayong lahat ng Diyos.
God bless you all,
Alex Camiller
Ang Huling Rebelasyon
Habang nakikipag-usap ako sa grupo ng mga kalalakihan – trese silang lahat na nasa bente pataas ang edad – ay may nalaglag na isang bagay sa aking harapan. Naging automatiko ang aking pagkilos kaya naman yumuko ako agad at kinuha ito. Buntot pagi. Ito ay nakasabit sa wall malapit sa hagdan ng bahay ng bunso kong anak. At bago pa man ako nakalingon sa itaas narinig ko na ang boses ni Armando.
“Charlie bakit mo ginawa yun?”
“Papa delikado po si Lolo sa mga iyon.”
“Delikado? Paano mo naman nasabi?”
“Papa hindi nyo po ba narinig ang tunog? (Nakatingin lamang si Armando sa kanyang anak) Minsan ko ng marinig yun at si Lolo mismo ang nagsabi na maghanda tyo. Remember that Papa? Sa Ilaya noong sinugod tayo ng mga aswang?”
“Charlie anak natutuwa akong nagiging sensitibo ka na sa mga nangyayari sa paligid.”
Pumasok na ako sa loob ng bahay at marahang isinara ang pinto. Umaakyat ako sa taas at narinig ko ang patuloy nilang pag-uusap.
“Anong sinugod ng mga aswang?” sabi ni Ella na ngayo’y nakatayo sa pintuan ng silid nila.
“Opo Tita sinugod po kami ng mga aswang sa Ilaya pero nakalaban naman po kami saka may mga tumulong din sa amin,” sagot ni Charlie.
“Charlie! Tama na,” suway ni Armando.
“Kung mga aswang yun malamang nanganganib ang buhay ngayon ni Teresa,” biglang sabi ni Xander.
“Ano!” sigaw ni Ella.
Kaya naman kaming lahat ay napatakbo papunta sa silid pero nakita na namin na nagsimula na palang kumilos si Nick.
“Nick anong ginagawa mo?” tanong ni Ella.
“May mga nakuha na akong lason sa braso, tulungan nyo ako habang hindi pa naapektuhan ang puso ni Teresa,” nanginginig na sabi ni Nick.
“Daddy anong gagawin?” takot na boses ni Jaime.
“Ihanda mo ang mga syringe.”
“Nick anong klaseng syringe ito? Saan mo ito nakuha?” sabi ni Ella.
“Ako lang ang gumawa nyan noon para magawan kaagad ng solusyon ang mga ganitong pangyayari. Nang sa ganon ay hindi na kami masyadong aasa sa tulong nya.”
“Ano?” tanong ulet ni Ella.
“Ang dami mong tanong Ella manahamik ka nga muna at nasa panganib si Teresa! O kaya tulungan mo na lang ako” bulyaw ni Nick sabay bigay ng mga kailangang gawin ni Ella.
Pinalabas nila Xander and Armando kaming lahat at sinarado ang silid. Sila Nick, Jaime at Ella lamang ang nasa loob ng silid.
BINABASA MO ANG
HABAY
ParanormalNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...