A/N
Hello Friends,
Second to the last chapter na po ito at buong puso akong nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagbasa sa aking baby. Ito ang tawag ng karamihan ng mga writer sa unang story, ang Habay po ay ang una ko pong horror/paranormal story. Again nagpapasalamat ulet ako kay yukimaneclang na nagpush sa akin na magsulat ng nakakatakot na story. Isa ring pasasalamat sa aking BFF na si Katnisseverdeen (wattpad name ito at hindi yung sa hunger games pero pwede na rin since favorite nya yung character ni Katniss) na nanghikayat sa aking sumali sa wattpad upang magsulat.
Again Thank you at sana po magustuhan ninyo ito.
God bless us all,
Alex_Camiller
Paglalahad ng Katotohanan
Antonio De Gracia POV
Malayo-layo ang lugar namin sa tahanan nila Delfin. Mas pinili ko kasing lumayo sa kanila para hindi sila madamay sa nangyayari sa aking buhay. Pero kung saka-sakaling kailanganin nila ako makakita lang ako ng matinding liwanag mula sa kinaroroonan nila at agad akong pupunta. Matagal na ring hindi ko sila nakikita lalo na ang nag-iisa kong anak na si Nick.
Flashback
Mabilis akong napatakbo ng makita kong lumiliyab ang aming bahay.Wala pang isang minuto akong lumabas para labanan ang ilang grupo ng mga aswang na gusto akong patayin dahil sa hindi ko pagpayag na gawing aswang ang aking asawa. Isang desisyon na pinanindigan ko sapagkat ayokong danasin ng asawa at magiging anak ko ang dinaas ko noong maliit pa ako. Ang pagiging aswang ko ay sumpa mula pa sa pinaka-ninuno ko kung saan mas ninais na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan kapalit ang hindi mapigilang pagkitil ng tao at gawing pagkain. Hanggat maaari kapwa aswang dapat ang mapangasawa ng tulad namin subalit kung saka-sakaling umibig ka sa isang tao mahigpit na batas na gawing aswang din ang taong ito. Mahal na mahal ko si Antonette na mas kilala bilang Tonyang sa lugar nila. At ipinangako ko sa kanya na kahit anong mangyari hindi magiging full pledge na aswang ang magiging anak namin.
Napaluhod ako at napaiyak ng mapagtanto ko na halos tupok na ang bahay namin kung saan ko iniwan ang aking mag-ina kasama ng tatlo nyang bantay. Habang ang buong paligid ay kasalukuyan pa ring nagkakagulo. Ang mga aswang na mga kaibigan ko ay napilitan ding makipaglaban para ipagtanggol ang isa’t – isa. Nagpalinga-linga ako ng marinig ko ang hikbi ng aking anak at agad itong hinanap. Natagpuan ko ang anak ko sa likod ng kamalig kung saan inilalagay namin ang mga inaning mais. Ang pobre kong anak ay nakakubli sa malalagong halaman ng mga mais. Halos mangiyak-ngiyak ako ng kunin ko sya doon at niyakap upang aking mapatahan. Nasaan si Tonyang? Napansin ko ang ilang mga nahawing halaman kaya naman sinundan ko lamang ito at nagbakasakaling matatagpuan ko sya. Itinali ko ang anak ko sa akin sa pamamagitan ng telang nakabalot sa kanya para kung saka-sakaling mapalaban ako ay hindi sya malalayo sa akin. Nasa bandang gitna na ako ng marinig ko ang hininga ng kapwa ko aswang. Nakita ko syang hinihiwa na ang gitnang parte ng katawan ng asawa ko. At mabilis ko syang hinagisan ng double bladed knife na gawa sa silver. Isang sandata laban sa kapwa ko aswang. Mabilis itong tumarak sa kanyang kaliwang dibdib.
“Hindi ako makapaniwalang mas gugustuhin mong mamatay ang kapatid mo kaysa sa babaeng iyan!” sigaw ni Julio.
BINABASA MO ANG
HABAY
ÜbernatürlichesNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...