A/N
Hello Friends,
Huling kabanata na po ito sana nagustuhan ninyo ang story ng HABAY.
Maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta sa akin. Para kay glenmarvillar7 thank you sa inputs and advices I really appreciate it. Sana po patuloy nyo akong suportahan hanggang sa susunod na libro nito.
At higit sa lahat ay nagpapasalamat ako kay PAPA GOD for giving me and letting me share my talent. Patuloy kop o kayong isasama sa mga dasal ko mga kaibigan kong nagbabasa at nagbasa ng mga stories ko.
God bless you all!
Alex_Camiller
Ang pagpapakilala
Nick POV
Kinaumagahan narinig ko na ang tinig ng aking bunsong anak kausap si Ella.
"Sigurado ka bang wala ka ng nararamdaman, walang masakit syo anak?"
"Mommy ano po bang nangyari? Wala naman po akong sakit."
Niyakap ng mahigpit ni Ella ang anak namin, "Tinakot mo akong bata ka. Sa susunod huwag basta basta tumanggap ng kahit ano lalo na kung hindi mo kilala."
"Ano po?" nagtataka nyang tanong.
"Anak anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.
"Tempura!"
"Sige bibili kami ng ingredients para dyan," sabi ni Xander na ngayo'y nasa bukana ng pintuan.
"Ako ang magluluto," sabi naman ni Rosing.
"Mama sarapan mo ha. Tito Xander sama ako," sabi ni Charlie.
"Oo ba," sagot ni Xander.
"Ano pang gusto mo apo?" tanong ni Nanay.
"Tinola or Sinigang. Lulutuin nyo talaga ang mga paborito ko?" namamangha nyang tanong.
"Oo naman apo," sagot ni Tatay.
"Ang galing naman. Pero bakit po? Hindi ko naman birthday," sabi nya.
"Wala ka bang naaalala Teresa?" tanong ni Jaime.
"Ha? Ano yun Kuya?"
Napatingin sa akin si Jaime at ang asawa ko, "Anak muntik ka ng mawala sa amin. Naalala mo yung bulaklak na binigay syo?"
"Opo Dad. Natinik pa nga ako nun."
"May lason ang bulaklak."
Namutla sya sa sinabi ko.
"Pero ok na yun Teresa hinding hindi ka namin papabayaan," bigla sabi ni Kuya Armando.
"Oo nga Ate Teresa huwag mo ng isipin yun," sabi ni Nelly.
"Niligtas ka ni Lolo," sabi ni Jaime.
Tumingin sya kay Tatay, "Salamat po," sabay takbo nya kay Tatay at niyakap ito.
"Saka ng isa pa nating Lolo," dagdag ni Jaime.
"Ano Kuya?"
Ngumiti si Tatay, "Labas muna ang lahat kailangan nilang mag-usap."
Sumunod naman silang lahat kay Tatay at naiwan kaming apat sa loob ng silid.
"Pakinggan nyo akong mabuti ha," panimula ko.
BINABASA MO ANG
HABAY
ParanormalNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...