The Aftermath

3.5K 119 4
                                    

A/N

Hello friends,

Isang kababalaghan nanaman ang masasaksihan ninyo sa chapter na ito. Ang hirap kalaban ng mga unknown or unseen lalo na kung ang titirahin nila ay mahal mo at sa pamamagitan ng sakit. Kaya man ng science tignan ang posibleng pagkakasakit pero hindi pa rin masasagot ang ilang bagay na pinagmulan ng sakit.

Walang sawa akong magpapasalamat sa lahat ng nagbabasa ng aking story. Medyo malayo-layo na rin ang nilakbay nito. At aaminin kong nagugustuhan ko ang pamilyang gawa ng imagination ko.

Don’t forget to Comment, Vote or Show me some love.

God bless you all.

The Aftermath

        Marahan kong inimulat ang aking mata at halos masilaw sa liwanag mula sa bintana. Napakunot ang noo ko nang makitang gulagulanit ang capiz namin bintana. Kinusot ko muna ang mga mata bago ako naupo. Nakita kong mahimbing na natutulog sa tabi ang aking panganay na anak na si Jaime. Maingat akong tumayo at nagpasyang bumaba para hanapin ang aking bunsong anak at asawa. Naririnig ko ang agik-ik ng hagdan habang ako’y bumababa at napakapit ako ng may isang baiting na halos bumigay na.

“Daddy dahan dahan po,” sabi ni Teresa.

Napatingin lamang ako sa kanya.

“Mommy si Daddy gising na po.”

Narinig ko ang pagtakbo ni Ella mula sa kusina.

“Huwag mo masyadong ilagay ang weight mo sa mga paa mo kundi tuluyang masisira ang hagdan,” sabi ni Ella.

Tumango lamang ako sa kanya.

“Halika na Hon. Kamusta ka? May masakit ba syo?”

“Wala naman Hon,” sagot ko sabay hila sa kanya at niyakap ko sya.

“Si Jaime tulog pa ba?”

“Oo.”

“Gisingin ko na kaya Mommy.”

“Sige anak. Pero dahan dahan ka ha.”

“Ok po.”

        Tinignan akong mabuti ni Ella bago ngumiti.

“Sure ka ha walang masakit syo?”

“Yes Hon.”

        Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay halat ng bintana ay wasak pati na ang main door namin. Naroroon sila Rosing at ang kanyang mga anak na naglilinis ng kalat. Mistulang dinaanan ng bagyo ang bahay namin. Dinala ako ng asawa ko sa kusina para makakain ng agahan. Saglit kong tinignan ang orasan mag aalas onse pala ng umaga.

“Anak gising ka na pala?”

“Nanay,” tawag ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi.

“O sha kumain ka na. Sigurado akong gutom na gutom ka.”

“Salamat po.”

        Pinaghainan ako ng pagkain ni Ella at sinamahan habang kumakain ako.

“Nasaan po sila Tatay at Kuya?”

HABAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon