A/N
Hello reader.
Sana po magustuhan ninyo ang chapter na ito.
Start ng di inaasahan at di mapaliwanag na experience ng buong pamilya ni Nick.
Enjoy reading.
Don't forget to COMMENT AND VOTE.
Thanks and God bless.
THIRD EYE
"Amulawing ang narinig ninyo kagabi," bungad ni Lolo.
Pagkatapos naming nagdasal at kumain ng agahan lahat kami pinapunta sa living room para mag-usap-usap. Importante daw ang pag-uusap na ito para daw sa ikabubuti naming dalawa ni Teresa.
"Ito ang mga kaluluwang nanghihingi ng dasal. O di kaya hinahanap ang pamilya nila," dagdag ni Lolo.
Patuloy ang pakikinig ng lahat.
"Bago ko pinakasalan si Beatrice ininform ko na sya na nakakakita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Namana ko ito sa aking Ina na namana naman nya sa aking Lolo. Lahat kaming magkakapatid ay may ganitong kakayahan. At dahil sa napalaki kami sa pagdadasal madalas na may nagpaparamdaman sa aming kaluluwa na nanghihingi ng tulong na ipagdasal sila."
"Hindi po kayo natakot?" tanong ko kay Lolo.
"Noong una natakot ako. Pero habang tumatagal halos naging ordinaryo na lamang lahat. Kung hindi mo alam kung papaano gagamitin ang biyaya ng Diyos kagaya nito malamang lahat kami nasa mental hospital na. Mayroon ka rin bang kakayahan kagaya ng sa kapatid mo apo?"
"Opo."
Nakita ko ang pagkagulat ni Mommy.
"Kaya mo bang ikwento?"
"Opo."
Nagsimula ang kwento ko nang minsan umattend ako ng birthday ng kaklase ko na si Ken sa Paranaque. Sa clubhouse ginanap ang birthday celebration at maraming tao ang dumalo. Kasama ko si Mommy, Daddy and Teresa sa part na yun. Star wars ang motif nito at halos lahat ng batang bisita ay nakacostume. Pero nanood lamang ako sa games and program in short hindi ako interesadong sumali sa ganitong pagtitipon. Pero dahil family friend ang pamilya ng classmate ko kaya umattend kami. Hindi pa tapos ang party nang magpaalam ako na pupunta lang ng CR. Ako lamang mag-isa sa CR at lahat ng pintuan sa dalawang cubicle ay nakabukas. Habang naghuhugas ako ng kamay at tinitignan ko ang sarili ko sa mirror may dumaan sa likuran ko. Hindi ko sya nakita sa mirror ng CR subalit nakita ko ang aninag sa eyeglasses na suot ko. Impossible na magkakaroon ng reflection dahil ang nasa likuran ko ay walang bintana kundi wall. Dali dali akong umalis at bumalik sa party. That was the time na tinanong ako ni Mommy kung ok lang ba ako dahil sobrang putla ko raw. Pinilit kong kalimutan ang experience na ito.
Pero sa pangalawang pagkakataon sa library ng school namin dito ko medyo natakot. May hinahanap ko ang isang libro para sa report ko. Busy ako sa paghahanap ng libro napansin ko na sa may dulo si Abby ang isa kong classmate.
"Abby pumasok ka na pala? Kamusta ang Hong Kong Disneyland? Buti pa kayo nakapunta na dun."
But Abigail did not responded nakatayo lang sya sa tapat ng isang shelf at parang tinitignan ang isang libro.
"Binigyan ka na rin ba ng report? Ako kasi meron na. Iprepresent ko nga sa Tuesday."
Hindi pa rin sya natitinag. Inisip ko nab aka ayaw lang ako nitong pansinin. Pero wala naman akong ginawang masama sa kanya para di kumibo sa mga pinagsasabi ko. Kaya naman nanahimik na lamang ako at tumalikod sa kanya para sa kabila naman maghanap. Dahil sa nahihirapan ako sa paghahanap ng libro naisip kong magpatulong na lang sa kanya pero pagharap ko kung saan sya nakatayo ay wala na sya. Sabi ko sa sarili ko anong problema nun. Pagkatapos kong magresearch ay bumalik na ko sa room namin. Lunch break kasi nung nagpasya akong magresearch. Pero wala pa man ako sa loob narinig ko na ang iyakan ng mga classmates kong babae.
BINABASA MO ANG
HABAY
ParanormalNicolas de Jesus, a medical physician who was not able to come back to his hometown for two reason : 1st his duty as a doctor and he already have his own family. When his wife received a call from his Kuya Armando that his Nanay was greatly ill for...