Crysteia Castle

4K 131 7
                                    

A/N

Hello Friends,

        Hindi agad ako makapag update dahil ang totoo hindi ko maisip agad kung saan sila pupunta. At sadly walang pumukaw na imagination sa akin kaya ayan ang tagal. Mahirap maging writer, may mga panahon na flowing ang lahat at mayroon din namang wala talaga kahit anong piga ko. Yung mga nakapulang hood sa kwento inspired by wizard yun ng clash of clans. Weird ba? Hayaan nyo na at least may nangyari naman sa kwentong to. Saka isa pa need ko na syang paspasan dahil may isa pang story na nangangailangan ng attention ko.

        Gusto ko nga palang magpasalamat at saw akas binasa din Yuki Maneclang ang story ng Habay. Para sa kanya talaga ang buong story nito dahil sya ang nagrequest ng Horror/Paranormal Story.  Sya ang aking movie buddy pagdating sa mga Horror Film. Panoorin natin yung Woman in Black II kahit hindi natin napanood ang part one nya. Sa online na lang manood ng Woman in Black I. Also to Gen ang aking katabi sa station ko dati thank you for reading.

        Sa lahat ng nagbabasa ng story ko maraming maraming salamat po. Sana kahit papaano may napulot kayo hindi puro takot lang ang naibigay ko. Lahat kyo kasama sa dasal ko pagpalain kayo ng Diyos.

        Please please I need your COMMENTS, VOTES AND KINDLY CLICK THE HEART SHAPE.

Thank you again,

Alex Camiller

Crysteia Castle

        Narinig namin ang pagdating ng dalawang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Mabilis ko silang sinalubong dahil alam kong ito ang hinihintay naming gamit na kakailanganin para sa gagawin namin at umaasang may ilan sa kanila na tutulong sa amin.

“Xander!”

“Kuya Nick! Dala namin lahat ng hiningi ni Kuya Armando at dinagdagan namin ng tig lilima ang bawat isa. Ano bang nangyari kay Nelly?”

“Sa tingin namin dinala sya ng alam mo na.”

“Kagaya ng nangyari sa akin dati Kuya Nick?”

Tumango lamang ako.

“Naku anong pwede kong gawin?”

“Tulungan mo na lang kaming lagyan ang lahat ng sulok ng asin. Wala kayong ititirang espasyo sa bahay na wala nito. Sana lang hindi umulan o humangin ng malakas.”

“Sige po Kuya. Kasama ko halos lahat ng pinsan natin at lahat sila willing tumulong.”

“I’m glad to hear that Xander. May kasama ba asawa mo sa bahay ninyo?”

“Marami naman syang kasama. Naroon ang Biyanan ko at halos lahat ng kapit bahay natin ay kamag anak din natin.”

“Good.”

        Inayos na namin lahat at gumawa na rin kami ng plano sa mga posibleng mangyari sa buong magdamag. Oo inaabot kami ng magdamag o higit pa sa pakikipagsagupa sa kanila. Noong unang ginawa ko ito ang inisip ko lang ay bawiin ang kapatid ko at wala sa isip ko ang posibilidad na pare-pareho kaming mamatay. Kaya nga pagkatapos nang pangyayaring iyon ay ganun na lang ang pagsusumikap ng buong angkan na ituro lahat ng nalalaman nila sa susunod na henerasyon. Naging eye-opener daw yung nangyari sa amin. Kung sabagay kung hindi iyon naagapan apat na buhay ang pwedeng mawala sa isang iglap lang at sigurado akong sisisihin ko ang sarili ko. Magiging isa ako sa pagala-galang kaluluwa sa paligid na magpaparamdam sa mga buhay. Ganun ang nangyari sa maraming kaluluwang nakikita ko lalo na kung walang may gustong tumanggap sa kanila sa iisang lugar. Sa pagpunta ko sa kabilang mundo napatunayan ko na kahit doon nag-eexist ang territorial claim. At kung mahinang kaluluwa ka magiging slave ka ng ibang nilalang. Kung sakaling kaming tatlong magkakapatid ay nawala hindi ako papayag na magkahiwahiwalay kami. Kahit sa kabilang buhay nanaisin kong sama-sama kami at walang sinuman ang pwedeng umapi sa amin. Siguro naman makikita namin ang iba pa naming ninuno at tutulungan kami kung saan kami dapat pumunta. Dahil nasa dugo na namin ang pagtutulungan walang iwanan kahit sa kabilang buhay. Ganito mag-isip ang eksperensyadong taong may third eye. Handa na kami sa lahat ng bagay na kahit ang kamatayan ay hindi na namin kinatatakutan. Natatakot lamang kami para sa ibang miyembro ng pamilya kagaya ng aking asawa’t mga anak. Kaya ganun na lamang ang pagtanggi kong sumama sila sa akin dito sa probinsya. Dahil malaki ang possibility na mabuksan ang third eye ng mga anak ko. Pero hindi ko inaasahan na bukas na pala ang kay Jaime. Sa lugar na ito nakatira ang karamihan sa kanila; mayroon din naman sa Maynila pero hindi sila masyadong makakilos doon dahil kadalasan ay sobrang ingay. Madalas gusto nila sa tahimik na lugar kaya naman kapag nakakita sila ng place na ganun asahan mo makikita at makikita mo sila may third eye ka man o wala.

HABAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon