Sorry guys for the long wait! I'd been busy last week. Anyways happy reading!
Chapter 11
"BAKIT ka pupuntang Tagaytay?"
Hindi niya naiwasan na makaramdam ng takot dahil sa uri nang pagkakatitig sa kanya ni James. Pakiramdam niya kasi'y hindi nito gusto ang ideyang magtatrabaho siya sa ibang lugar. . . ang mapalayo siya rito.
"Kuya, may trabaho raw kasing maganda na naghihintay kay ate sa Tagaytay," sabat ng kapatid niya.
Nanatili lamang siyang nakatingin sa boyfriend niya dahil hinihintay niya ang magiging reaksyon nito.
"Alam mo naman, kailangan ng anak namin ng trabaho kasi hindi naman malaki ang kita ko sa paglalabada at pagbebenta ng kung anu-ano," wika naman ng kanyang ina.
Humingang malalim siya. "M-malaki ang magiging sahod ko roon kaya kahit malayo ay tinanggap ko," sabi naman niya.
"Ah, tita, puwede po bang mamasyal muna kami ni Fury?" tanong nito sa nanay niya at nagulat siya nang mag-iba bigla ang ekspresyon ng mukha nito. . . bigla itong ngumiti.
Sign ba 'yon na tanggap na niyang pupunta akong Tagaytay?
Nginitian ito ng kanyang ina. "Sige, tutal ay bukas na rin naman ang alis niyang anak ko, papayagan ko na kayong mamasyal."
"Woah! Himala nanay at pinayagan mo si ate na mamasyal," natatawang sabi ng kapatid niya.
Hinampas ito ng kanyang ina. "Minsan lang naman kasi gumala 'yang ate mo, hindi tulad mong araw-araw na palaging wala rito sa bahay. 'Di tulad mong umuuwi lang kapag nagugutom at maliligo!" pabiro nitong sabi.
Tumingin si Pietro sa kanya. "Ate, umalis na nga kayo ni kuya. Grabe na kasing mang-realtalk si nanay, eh."
Nginitian niya ito. "Oo na, aalis na kami, pero bago sumapit ang gabi uuwi na rin ka—"
"Kung iniisip mo anak ay ang pag-aayos ng mga gamit na dadalahin mo sa Tagaytay, 'wag mo nang isipin iyon, ako na ang bahala. Basta mag-enjoy ka lamang ngayong araw. Pero 'wag ninyong sisirain ang tiwala ko sa inyong dalawa ha?"
Patawad nanay, pero mayroon na akong bagay na nagawa na ikasisira ng tiwala ninyo. . . .
"Aalis na po kami ni Fury," sabi ng boyfriend niya na dahilan para bumalik ang isipan niya sa realidad.
Nagmano lamang siya sa kanyang ina at ama pagkatapos ay magkasabay silang naglakad ng boyfriend niya papalabas sa kanilang bahay.
"Kailan mo balak sabihin sa 'kin na aalis ka?" tanong nito sa kanya at 'di niya naiwasang kabahan dahil sa lamig ng tinig nito.
"S-sasabihin ko naman sa 'yo. Kanina ko lamang kasi nalaman na magkakatrabaho ako roon."
Tumigil ito sa paghakbang at nanlilisik ang mga mata nito nang tingnan siya. "Baka naman lalaki ang pupuntahan mo roon at hindi trabaho."
Umiling-iling siya. "Hindi gano'n, James. Trabaho talaga ang pupu—"
"Tell me, paano ka nakakuha ng trabaho roon? Wala ka namang kakilalang tiga-Tagaytay, ah?"
"May tinulungan kasi akong bata kanina, tapos mayaman 'yung magulang at inalok akong magtrabaho."
"And you said yes? Hindi mo man lamang ba naisip ang mararamdaman ko pag umalis ka? You're selfish, Fury. Ang pókpok mo talaga."
"Kailangan ng pamilya ko na—"
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...