Chapter 9

80 5 0
                                    

Merry Christmas everyone 🥰
Warning: Not for children. Read at your own risks.

Chapter 9

"AYOS ka lang ba rito? Sigurado ka bang kaya mo ang mga gawain dito?" usisa sa kanya ng owner ng karinderya.

"Opo! Marami na po akong karanasanan sa pagtatatrabaho, kaya nasisiguro ko pa sa inyo na magagawa ko ang mga trabaho rito," nakangiti niyang tugon sa babae.

"Sige, kung gano'n ay magsimula ka na rito bukas bilang dishwasher. Dalawang-daan ang sahod mo everyday pero kung magaling ka sa gawain mo, dadagdagan ko 'yun ng singkwenta."

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Salamat po!"

"Sige, hija. Agahan mo na lamang ang punta mo rito bukas," pagkawika nito'y bumalik na ito sa kusina ng karinderya.

Yes! Piping nagdiwang ang kalooban niya dahil mayroon na ulit siyang trabaho. Sa loob ng apat na taon ay ito pa lang ang masasabi niyang pinakamaganda niyang trabaho. Dahil dito alam niyang may kikitain siya ng permanente araw-araw. Hindi tulad sa mga nauna niyang trabaho na hindi sigurado ang kita.

Mapait siyang napangiti nang maalala niya ang lumipas na apat na taon. Naisip niya kung paano kung hindi siya natigil sa pag-aaral? Siguro graduate na siya at nag-re-ready na para sa pagkuha ng board exam. Kaso hindi nangyari, dahil nawalan ng trabaho ang tatay niya tapos nitong nakaraang taon lamang ay bigla naman itong na-stroke kaya hindi na talaga ito nakapagtrabaho.

Nang mapansin niya ang pagkulimlim ng kalangitan ay umalis na siya roon. Mahirap na, baka maambunan pa siya, magkasakit at hindi matuloy sa trabaho niya bukas. Pero hindi pa siya uuwi sa kanila, dadaan muna siya sa may palengke upang bumili ng repack na gulay, 'yung tig-sampung piso isang balot. Ganoon kasi ang madalas nilang ulam dahil iyon lang ang afford ng kanyang budget saka masustansya rin iyon.

"Ate, dalawang balot nga po ng chopsuey-in," ika niya sa babaeng tindera sa gulayan.

"Bente pesos lang ito, hija." Iniabot nito ang binili niya pagkatapos ay binayaran niya lang iyon saka siya naglakad papunta sa may sakayan ng jeep. Pero hindi pa siya nakararating doon ay kumunot ang noo niya nang may mapansing isang pamilyar na mukha sa isang salon.

"Janine?" anas niya habang naglalakad papalapit sa may salon kung saan nakita niya ang highschool bestfriend niya.

"Janine!" sigaw niya pagtapak ng mga paa niya sa harapan ng salon.

Lumingon ito sa dako niya. "Fury?"

Nginitian niya ito at akma niya sana itong lalapitan nang iharang nito ang dalawang kamay sa harapan niya.

"Balita ko poor ka pa rin daw? Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay dahil sa nahimigan niyang pangmamaliit sa tinig nito. "Ha? Ano kasi, 'di ko natapos ang kolehiyo. Mas pinili kong magtrabaho muna."

"Dapat kasi tinularan mo ako." Umiikot-ikot ito sa harapan niya. "Look at me now, I'm rich. May pera ka ba? Baka kailangan mo ng pera galing sa bestfriend mo."

Nginitian niya ito nang pilit. "Hindi na, salamat na lang," aniya sabay alis doon at ipinagpatuloy na ang paglalakad papunta sa may sakayan.

Ang laki talaga nang nagagawa ng pera sa isang tao. Mayroong mabuti at masama. At masama ang naging epekto niyon sa kaibigan niya. Ang tagal-tagal nilang hindi nagkita, tapos pag-uwi nito para na lamang siyang basahan na kaya nitong tapak-tapakan.

Totoo nga pala, na ang tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago. Nalungkot siya nang maisip ang bagay na iyon. Bestfriend niya kasi si Janine kaya hindi niya naisip na magiging ganoon ito sa kanya.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon