Chapter 21

72 5 0
                                    

It's been months, darlings! Sorry it took so long 😘 this will be a short update only. Happy post valentines everyone!

Chapter 21

NAALIMPUNGATAN siya nang maramdaman ang paglundo ng kama sa bandang paanan niya. Marahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at sa pagmulat niya'y si Thunder ang nakita niyang nakaupo roon.

"Good Afternoon, sleepy head," nakangiti nitong bati sa kaniya.

Sa halip na ngitian ito ay kumunot pa ang kaniyang noo. Naalala niya ang naging usapan nila noong nakaraan, na sinabi nitong single pa ito at wala pang asawa.

"Fury?"

Tipid niya itong nginitian. "Pasensya na po. Nabablangko lang ang isipan ko."

"Why? Is it about James?"

About you. . . "Hindi. antok lang po siguro," palusot niya.

Mukhang hindi ito naniwala sa sinabi niya. "You just woke up." Lumapit ito sa kaniya. "I'll be back at Manila later. . . and I don't know when will I go back here."

Tinitigan niya ito nang may halong pagtataka. "Bakit? Akala ko, week lang o months?"

Huminga ito nang malalim. "There's something I need to clarify, and I think it will take months."

"Ano ba 'yon?" bigla namang pumasok sa isipan niya ang bata na kausap nito kanina. "Tungkol ba ito sa anak mo? Doon sa tumatawag sa 'yo ng daddy kanina?"

Bahagyang kumunot ang noo nito saka tumawa. "He's not my son, Fury."

Hindi siya umimik, hinintay lamang niya ang kasunod nitong sasabihin.

"He's the son of my brother. That kid just loves to call me daddy," anito pagkatapos ay umalis na mula sa pagkakaupo sa kama.

Nakahinga siya nang maluwag sa narinig mula rito. "Kung gano'n, ano ang aasikasuhin mo sa pag-alis mo?"

Sumandal ang lalaki sa pader. "It's something you don't have to know."

Bumangon siya mula sa kama. "Bakit?"

"Hindi ba gusto mo ulit mag-aral? Everything is settled, Fury. All you have to do is to go back at university," ika nito kaya ang pagtataka sa isipan niya ay napalitan ng excitement.

"T-talaga? pero paano ang trabaho ko rito?"

Mukhang napaisip ang lalaki dahil hindi agad ito nakapagsalita. "Hmm, paperworks na lang ang ipagagawa ko sa 'yo since mahihirapan kang mag-uwian from Manila to Tagaytay."

"Salamat nang sobra," aniya saka ito nginitian. "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin kung wala ka - ah, ang ibig kong sabihin kung wala ang tulong mo." Umiwas siya nang tingin dito.

He patted her head. "Take care of yourself, Fury. I need to go."

Nagulat siya sa sinabi nito. "Ngayon ka na aalis? akala ko later pa?"

He smirked. "Why? ma-mi-miss mo ako?"

Sa halip na sumagot ay yumuko na lamang siya.

"Wait for me, Fury." huling salita ng lalaki at hinalikan nito ang ibabaw ng kan'yang buhok saka ito lumabas mula sa kubo.

Naiwan siyang nakatingin sa nilabasan nitong pintuan. Nang wala na ito roon ay lumabas na siya mula sa kubo upang bumalik na sa mansiyon. Eksakto namang paglabas niya'y nakasalubong niya roon si Mang Agosto at sa tingin niya ay naroroon ito upang sunduin siya.

"Maayos na sa loob, ineng. Tayo na sa mansiyon," nakangiti nitong sabi sa kaniya.

"K-kumusta na po si Telma?"

"Mabuti na kahit papaano ang lagay niya. Naroon siya sa kuwarto niya at hinihintay ka niya."

Napangiti siya sa sinabi ng matanda. "Mang Agosto, pasensya na po. Nadamay po si Telma sa magulo kong buhay."

Tinapik ng matanda ang kabilang balikat niya. "Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Kaya wala ka dapat ihingi ng tawad, anak."

Hindi niya naiwasan ang lumuha sa tinuran nito. Napakalambot ng puso ng matanda at tahimik niyang hiniling sa Panginoon na sana ganoon din sana ang magulang niya.

"Ngayon, malaya ka na at makapag-aaral ka na muli. Tuparin mo anak ang mga naudlot mong pangarap."

Pinalis niya ang luha sa kan'yang mga mata. "P-pero nag-aalinlangan po ako. . . paano po kung kumalat na ang mga malalaswa kong larawan sa university?"

"Kung gano'n man ang nangyari, 'wag mo na lamang intindihin at kung may bumastos man sa iyo, isumbong mo lang kay Sir Thunder. Natitiyak kong diretsyo agad sa kulungan ang babastos sa 'yo."

Napangiti muli siya. "Salamat po. Kahit papaano po ay lumalakas ang loob ko para pumasok na ulit."

"Pangarap mo, anak, ang iyong panghawakan. Malalampasan mo lahat ng masasamang nangyari sa iyo." Humakbang ito paabante. "Oh siya, tara na at kailangan mo ng kumain at mag-eempake ka pa ng gamit mo."

Kumunot ang kan'yang noo. "P-po? Saan po ako pupunta?"

"Ang sabi sa 'kin, ngayon daw ang alis mo? Hindi ba umpisa na yata ng pasukan ninyo sa susunod na linggo?" nagugulumihan ding tanong ng matanda sa kaniya.

Umiling-iling siya. "Hindi ko po alam."

Napabuntong-hininga ang matanda. "Halika na, para magkakuwentuhan pa rin kayo ni Telma bago ka umalis."

Tumango-tango lamang siya saka ito sinundan sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa mansiyon.

Pagpasok niya roon ay linis na ang kabuuan niyon at animo'y wala roong nangyari na kaguluhan noong nagdaang araw. Nilinga-linga niya ang paligid at sa pagtutok ng mga mata niya sa isang sulok ay nakita niyang naroroon pa ang kanyang amo.

Akala ko ba umalis na siya?

"Thun - Sir, akala ko po ba aalis na kayo?" kunot noo niyang tanong dito.

Napakamot ito sa batok. "Sabay na tayo papuntang Manila. I want you to be safe, so I will take you there." 

Napangiti na lamang siya sa tinuran nito.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon