Chapter 19

76 5 1
                                    

Chapter 19

PAGKARATING nila sa Tagaytay ay sinalubong agad sila nang nakangiti ni Telma. Ngunit nang mapuna nito ang pamamaga ng ilalim ng mga mata niya ay mabilis na nabura ang ngiti nito sa labi.

"Anong nangyari? Hindi ka ba nag-enjoy na kasama si Sir?" Tumingin ito sa amo na nasa likuran niya.

"Telma, samahan mo muna si Fury. Ako na muna ang magluluto ng hapunan," mahinahon nitong utos sa babae at bago ito pumunta sa may kusina ay hinagkan muna siya nito sa ibabaw ng buhok niya.

Nagtatakang tumitig naman ang babae sa kanya. "Mukhang nagkain-love-an naman kayo ni Sir, ah? Pero bakit mukhang 'di ka masaya?"

"Alam na ng pamilya ko ang baho ko," aniya na tila ba hindi narinig ang itinanong nito.

"Ha?!"

Mapait siyang napangiti. "Oo, Telma. Alam na nila lahat."

"Ang sama talaga ng ugali ng boyfriend mo! Saan ba 'yon pinaglihi ng nanay niya? Sa demonyo? Baka naman anak 'yon ni Satanas!" nangagalaiti nitong sabi.

"Telma, parang gusto ko munang magpahinga," aniya saka naglakad papunta sa sofa na naroroon sa salas.

Hindi ito sumagot. Marahil ay wala nang maisip na i-a-advice sa kanya upang gumaan naman ang pakiramdam niya.

"Tulungan mo muna si Sir sa may kusina. Ayos lamang ako rito," nakangiti niya wika rito.

Nginitian siya nito pabalik. "Huwag mong alalahanin si Sir, kaya niya na iyon."

"Pero pagod siya. Halos wala na siyang tigil sa pagda-drive tapos nagluluto pa siya. Kung hindi sana ako naging pabigat sa kanya." Napayuko siya at muli na namang humagulhol.

Hinaplos nito ang likuran niya. "Huy naman, 'wag ka nang umiyak. Malalampasan mo rin ito, lalo pa't nariyan si Sir, na kahit napaka-busy sa buhay ay tinutulungan ka pa rin. Maniwala ka, malalampasan mo 'to."

Hindi siya umimik, bagkus ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Ang lakas mo kaya kay Sir. Ewan ko nga lang ba sa 'yo kung bakit ang manhid m — "

"Dinner is ready. Telma, pakihanda naman ng mga pinggan."

Naputol ang iba pang sasabihin ng babae dahil sa pagdating ni Thunder. Tumango-tango ito bago pumunta sa may dining area.

"You're crying again," anito saka umupo sa puwestong inalisan ni Telma. "I promise to you, ito na ang huling araw na makikita mo si James. Huling araw na masasaktan ka niya."

Mukhang may sariling pag-iisip ang mga kamay niya. Dahil sa sinabi nito ay yumakap agad siya rito saka roon nag-iiyak sa dibdib nito.

"I hate seeing you cry, Fury." Sinuklian nito ang yakap niya kasabay noon ay ang mumunting paghalik nito sa ibabaw ng kaniyang buhok.

"S-salamat, Thunder," sumisinok-sinok pa siya nang sabihin iyon.

Humiwalay ito nang yakap sa kanya. "I'll be gone for a week or a month." Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa kanya. "I want you to take care of yourself while I am not here, okay?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Sa'n ka ba pupunta?"

"Sa trabaho ko. Pero magiging busy ako."

"Sa university ba? Alam mo, namimiss ko nang mag-aral," aniya saka pinahid ang kanyang mukha.

Hinawakan nito ang isang balikat niya at siguro gano'n ka-comfy na talaga siya sa piling nito dahil nagawa niyang humilig sa dibdib nito nang hindi naiilang.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon