Chapter 16

91 5 2
                                    

Chapter 16

NAGALIT ba siya? hindi naiwasan ni Fury na isipin ang naging reaksyon ng amo niya sa ginawa niyang pagyakap dito kahapon. Mukha kasing hindi nito iyon nagustuhan. Pero hindi naman niya intensyon na gawin talaga iyon, sadya lamang nadala siya sa kaniyang emosyon kaya nayakap niya ito.

"Saan kayo nagkakilala ni sir?" usisa ni Telma sa kanya na siyang nakapagpabalik sa isipan niya sa realidad.

"Ha? Sa university, professor ko siya roon."

"Bakit mukhang close kayo?" puno nang kyuryusidad ang tinig nito.

Napahinga siya nang malalim. "A-alam niya rin kasi ang tungkol sa amin ng boyfriend ko," pag-amin niya rito. Wala naman kasing dahilan upang ilihim niya ang tungkol doon.

"Tapos?"

"Tapos palagi niya akong sinasabihan na iwanan na si James, na mahalin ko raw ang sarili ko."

"Bakit nga ba hindi mo siya maiwan, Fury?" may inis na siya sa tinig nito.

Mapait niya itong nginitian. "Mahal ko e."

"E, ikaw? Mahal ka ba? Kasi kung pagmamahal ang nararamdaman niya sa 'yo, hindi ka niya sasaktan," pangsosopla nito sa kaniya.

Hindi siya nakaimik. Tama naman kasi ang sinabi nito. Siya lang itong tanga na hindi kayang iwanan ang lalaki at ang sarili naman ang mahalin niya.

"Mukhang may tumatawag sa cellphone mo. Kanina pang nagba-vibrate," untag nito at napatingin siya sa cabinet na nasa likuran niya.

Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya at nang makita na unregistered number ang tumatawag ay sinagot niya agad iyon sa pag-aakalang importanteng bagay ang sasabihin nang nasa kabilang linya.

"Lakas ng loob ah? 'pag number ko ang ginagamit ko pantawag sa 'yo hindi mo sinasagot tapos kapag iba, isang tawag lang sagot agad? Maghintay ka lang, hindi lang bugbog ang aabutin mo sa 'kin. . . ."

Nanlamig ang mga kamay niya nang mapagsino ang tumawag at sa takot niya'y naibagsak niya sa sahig ang cellphone na hawak niya.

"Fury? Anong nangyari sa 'yo?" Alalang-alala si Telma sa kaniya.

Hindi siya sumagot. Para siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan habang paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang sinabi ng kaniyang kasintahan.

"Fury! 'Wag mo akong pag-alalahanin ng ganito, pakiusap magsalita ka." Inaalog-alog siya nito sa kaniyang balikat kaya sandali siyang nahimasmasan.

Pasalampak siyang napaupo sa may carpet sa sahig. Hindi niya akalain na mararamdaman niya muli ang ganoong takot. Ang akala niya kasi, 'pag lumayo na siya ay lalayuan na rin siya nito. Pero hindi pala. . . dahil mas lalo itong lumala.

"Si J-james. . . sasaktan niya raw ako," nanginginig ang kaniyang boses habang sinasabi iyon at kahit malamig sa loob ng bahay ay nagbutil-butil ang pawis niya.

Namilog ang mga mata ni Telma. "Ano?! Magsumbong na tayo sa mga pulis! Makinig ka sa 'kin, kailangan nating magsu — "

"H-hindi puwede. . . may hawak siyang isang bagay na ikasisira ng buong pagkatao ko."

"Kahit na! Kailangang — "

"May video scandal ako Telma! Naiintindihan mo ba ako?! Masisira ang buong pagkatao ko at hindi ko kakayanin iyon! Hindi 'yon kakayanin ng pamilya ko!" hindi sinasadyang napagtaasan niya ito ng tinig.

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon