Happy reading angielarochamarfil 🧡
Chapter 5
HE was in shocked after she left the room silently and didn't answer his question. Obviously, he's just mocking her. But after he saw her reaction, everything has changed. From mockery to pity.
The first time he saw her with that dimwit, he knew that there's something wrong. Because he knew James Cameron. His father was his business partner, his friend, two years ago. Pero nagbago ang lahat nang malaman niyang ninanakawan pala nito ng pera ang kanilang Pharmaceutical Company.
Nagkahinanakit tuloy siya sa lalaki lalo pa nang aminin nito na nakipag-partnership lang talaga ito para sa pera, na sinamantala lang nito ang kabaitan niya. At dahil sa inis na nararamdaman niya noon, ipina-background check niya ang pamilya nito at nalaman niyang may lahi pala ang mga ito nang pagiging sadista.
Pero hindi niya iyon sinabi sa kahit kanino, nanatili 'yung lihim at mabubunyag lamang kung sakaling guluhin muli nito ang kanyang negosyo.
Ang kanyang buhay.
And that's the reason why he mocked Fury. because she's a part of Cameron's family and also he wants to know what will be her reaction. Baka kasi tama siya sa iniisip niyang sinasaktan ito ni James...
Napasentido siya nang maalala na naman niya ang pagdispalko sa pera ng kompanya ni Diego, ang ama ni James. At dahil sa nangyaring iyon, may nagawa siyang paglabag sa etiko niya bilang isang attorney.
Gumawa siya ng parallel company upang maisalba ang kompanya na matagal niyang iningatan. Naisalba niya nga iyon, pero ang pride niya, hindi na. At ngayon tinalikuran na niya ang pagiging abogado dahil sa ginawa niyang iyon.
Pinili niya munang maging isang professor at ipinagpatuloy ang kanyang pagiging negosyante.
"Bro, may klase ka pa sa kabilang building, mamaya ka na mag-daydream." Napakislot siya nang marinig ang nang-aasar na boses ng co-professor niyang si Rico habang nakatayo sa gilid ng table niya.
Nginisian niya ito bago siya tumayo. "You have class too, moron."
"That's a bad word, be professional motherfvcker." Nakangisi nitong sabi bago naupo sa gilid ng mesa niya.
Napailing-iling na lamang siya bago tumayo saka ito binatukan. "Wow! Coming from a tattooed man and a womanizer huh?" He sarcastically said.
Kumibit-balikat ito saka ngumisi. "I'm an exception." Nagde-quatro ito sa mesa. "Puntahan mo na ang klase mo, baka nababaliw na kahihintay sa 'yo ang kababaihan sa engineering department."
Kinunotan niya ito ng noo saka muling binatukan bago siya tuluyang lumabas sa pintuan ng faculty room.
Habang naglalakad sa may pasilyo papunta sa susunod niyang klase ay nakasalubong niya roon ang kasintahan ni James kasama kaibigan nitong si Rina. Babatiin niya sana ito ngunit hindi naman ito tumitingin sa kanya. Parang——iniiwasan siya nito. Kaya nagdire-diretsyo na lamang siya sa paglalakad para makarating agad siya sa klase niya.
As usual, kanya-kanyang pa-charming ang mga babaeng estudyante niya sa kanya pagpasok niya sa room. Nagkunwari na lamang siyang hindi napapansin ang mga ginagawa ng mga ito, agad na niyang sinimulan ang klase.
Mabilis na tumakbo ang oras. Natapos na ang pang-umaga at pang-hapon niyang klase. Kaya ngayon, prente siyang nakaupo kanyang swivel chair, nakaharap sa mesa habang binubuklat ang folder ng financial report na ibinigay sa kanya ng Executive Secretary niya.
"Sama ka mamaya? Pupunta ako sa bar,"
Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa folder. "I have no time for that, Rico."
BINABASA MO ANG
Hear Me Cry
RomanceFury Elise was a bubbly girl who wanted to make the most of her life. But everything changed when she met a hottie named James Cameron. He piqued her curiosity. They were a happy couple at first. However, nothing in this world is truly eternal. Jame...