Chapter 23

73 7 3
                                    

Chapter 23

IT'S been three years since James gone from her life and gradually, the trauma and pain he brought to her is healing. 'Yun nga lamang, may panibagong sugat na nabuo sa pagkatao niya na kailanman ay hindi na mabubura sa kanya.

Iyon ay ang biglang pagkawala ni Thunder sa buhay niya. Napakatagal ng panahon ng huli niya itong makasama at makausap. 'Yun ay noong ihatid siya nito sa bahay nila upang makipag-ayos sa kaniyang ina.

"Anak, hindi ba ngayon ang graduation ninyo?"

Nagising ang diwa niya sa sinabi ng ina. Sa wakas, makatatapos na rin siya sa kolehiyo and it was all because of Thunder.

Kahit hindi na ito nagpakita sa kaniya ay patuloy pa rin itong nagpadala ng tulong pinansyal sa kanya. At nakapagtataka na sa t'wing malapit na siyang magipit ay bigla na lamang magkakaroon ng laman ang ATM card niya.

Sinubukan niyang magtanong sa co-teacher nito sa university kung bakit ito biglang nawala. Ngunit ni isa'y walang nakapagbigay sa kaniya ng sagot.

"Nanay, sa tingin mo ba deserve ko lahat ang tulong niya?"

Hinawakan nito ang kaniyang magkabilang balikat. "Syempre naman, anak. Alam mo, kung nakilala ko lang agad ang batang iyon, sana'y matagal nang nabuksan ang isipan ko tungkol sa ugali ni James." Huminga ito nang malalim. "Sana ay hindi ka nasaktan, sana'y mas naunawaan kita," puno ng kalungkutan ang tinig nito.

"Nanay, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Dahil ako naman ang nagkamali. Nagpadala ako sa takot at saka wala na iyon, kalilimutan ko iyon nang pilit upang tuluyan na akong maging masaya."

"Ate, okay na ba kayo? Tapos na ba ang drama?"

Kapwa silang tumingin sa kaniyang kapatid na sumabat sa kanilang usapan at sa ama niyang nakangiti habang nakatingin sa kanila.

"Kung ang inaatupag mo ay ang pag-aaral! Tumulad ka kay — "

"Nanay," putol niya sa balak nitong pagkumpara sa kapatid sa ibang tao.

Kumumpas ito sa hangin. "Hay, naku! Tara na nga at baka ma-late na tayo sa graduation ng ate mo. Tara na," pag-imbita nito at nauna pa itong maglakad papunta sa inarkila nitong jeep na sasakyan nilang pamilya at iba niyang kamag-anak papunta sa university.

"Congrats, Fury! Sa waka ay magkakaroon na kami ng maestra."

Nginitian niya ang babae na nakaupo sa upuan malapit sa pintuan ng jeep. "Salamat po, Tita Vicky."

"Huwag ka muna mag-aasawa ha? Tulungan mo muna ang iyong ina at ama," paalala ng isa pa niyang tiyahin na si Sonia.

Nginitian niya ito. "Syempre po naman." Pumasok na siya sa loob saka naupo. Tumabi naman ang nanay niya sa tabi niya.

"Pero alam mo, Ate Sonia. Ayos lang sa 'min ng tatay niya kung mag-aasawa siya. Lalo pa't isang mabuting lalaki, ay naku! Kahit ako pa ang bumili ng traje de boda!"

Tumingin siya rito. "Nanay!"

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "Totoo ang sinasabi ko anak. Wala namang masama sa pag-aasawa e, basta ba handa na, bakit hindi?"

"Kuya Rod, paandarin ninyo na nga po itong jeep. Baka sa simbahan pa po tayo matuloy at hindi sa graduation ni ate," sabat ng kapatid niyang lalaki at kinurot ito ng ina nila sa may tagiliran. 

Napailing-iling na lamang siya sa sinabing iyon ng ina. Mabuti na lamang at umusad na rin ang jeep na sinasakyan nila dahil kung hindi, baka late na siya at hindi pa makatuntong sa entablado upang kuhanin ang diploma niya.

Pagkarating nila sa may venue ay nagmamadali siyang bumaba sa may jeep. Nagsisimula na halos ang program kaya patakbo siyang nagpunta sa may gymnasium. 

Hear Me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon