"Pagtingin, isang salitang
tulad ng isang libro
na kailangan mong
basahin."Worth it bang lumapit ako sa apoy kahit alam kung ikamamatay ko ito?
Oo alam kung mahirap at nakakatakot ang pinili kung daan pero gusto kung sumaya kasama siya.
And even if it's not permanent na kahit kasinungalingan lang ang lahat ay ibubuhos ko pa rin ang lahat para lamang sa kanya kahit na wala ng matira sa akin basta kasama ko lang siya kuntinto na ako don.
Handa kung tiisin ang lahat saktan man ako ng iba wala akong pakialam dahil alam kung ito ang pag-ibig handang magtiis."Cami segurado ka ba?." seryosong tanong ni Austin sa akin.
"Oo Austin segurado at seryoso ako wala na akong pakialam sa kung anong sabihin ng iba." sabi ko sa kanya pagkatapos niyakap siya ng mahigpit.
"Cami pero baka." putol na sabi nito
Lumayo ako sa pagkakayakap ko sa kanya at nagsalita.
"Austin alam kong nakakatakot pero alam ko rin naman na andyan ka." seryosong sabi ko sa kanya.
"Cami salamat." sabi ni Austin sa akin na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata sa akin na siya namang di ko mabasa.
"You're welcome Austin pero dapat ilibre mo ako ngayon." nakangising sabi ko sa kanya.
"Oo naman ikaw pa kahit kailan ililibre talaga kita anong gusto mo?." tanong niya sa akin.
"Puwedeng spicy chicken?." sabi ko kay Austin habang nakahawak sa kanyang kamay.
"Paborito mo talaga yang spicy chicken nuh?." nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos pinisil ang aking ilong.
"Aw! Ang sakit non Austin ha." kunot-noong sabi ko sa kanya.
"Ang taas naman atah ng ilong natin ah." birong sabi niya pagkatapos tumawa ng malakas.
"Austin tumigil ka makakatikim ka talaga sa akin." pagbabanta ko.
"Oo na. Syaka nga pala kung wala kang gagawin sa sunday baka gusto mong sumama sa akin."
"Ah wala naman akong gagawin pero saan naman?."
"Sa lumang bahay namin noon matagal na rin kasi akong hindi nakabalik don."
"Tayong dalawa lang ba?." tanong ko.
"Ah hindi sasama rin sa akin yung kaibigan ko kilala mo si Hansel Zapanta? Siya." sabi ni Austin ng bigla ko na lang naisip si Gwenn.
"Puwedeng magsama ako ng kaibigan feeling ko kasi parang napaka-awkward kung wala akong isasama."
"Sige Cami mas masaya nga kung marami tayo." pagkatapos niyang magsalita ay pinisil na naman niya muli
ang aking ilong.I love the way he pinch my nose!
I'm holding a pitcher while I'm approaching the room dahil kay Richmund it was eight thirty in the morning pero hindi pa rin siya gumigising so I make a plan para siya magising
At ng makalapit na ako sa kanya ay kinalabit ko siya at nagsalita.
"Wake up my bumps." sabi ko sa kanya.
"Puwedeng bigyan mo muna ako ng ilang oras gusto ko pang matulog." nakapikit na sabi nito.
"Hoy eight thirty na oh tumingin ka nga muna sa oras para malaman mo." sabi ko habang nakatingin sa oras.
"Gusto ko pang matulog my bumps umalis ka muna." seryosong sabi nito habang nakapikit.
"Ah ganun ayaw mo talagang gumising segurado ka?." tanong ko.
"Oo segurado ako." sabi nito.
"Talaga?." sabi ko habang nakatingin sa pitcher na hawak ko.
"Ang kulit mo." mahinang sabi nito.
"The sunshine love cold water." I said and splash the water in his face.
At napabalikwas naman ito ng dahil sa ginaw ng tubig pagkatapos nagsalita.
"Cami naman ano ba yang pumasok sa isip mo at binuhos mo sa akin yang tubig na nasa pitcher?." reklamo nito.
"Storbo ka naman sa tulog ko eh." dugtong na reklamo nito.
"Naghihintay na si ate Fe sa atin okay kanina pa nakahanda ang pagkain. At kanina ka pa natutulog diyan kahit anong gawin ko kanina eh hindi ka pa rin magising kaya naisip kong magdala ng pitcher na may lamang tubig para ka magising." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oo na ang sarap pa sana ng tulog ko." sabi niya pagkatapos tumayo.
Nasa kusina na kami habang kumukuha si ate Fe ng dalawang plato para sa amin pagkatapos nagsalita.
"Umupo na kayo dahil kanina pa kayo hinihintay ng pagkain." sabi ni ate Fe.
"Thanks ate Fe." nakangiting sabi ko.
"Welcome kumain lang kayo diyan, kumain ka ng mabuti Richmund linuto ko talaga yang paborito mo." nakangiting sabi ni ate Fe.
"Salamat ate Fe." sabi ni Richmund kay ate Fe.
"Syaka nga pala Richmund bakit hindi ka sumama sa akin kahapon? Ipapakilala sana kita sa mga kaibigan ko." sabi ko kay Richmund.
"Napagod na kasi ako kahapon." sabi nito sabay kuha ng chicken.
"My bumps uuwi ka ngayon diba? Kung gusto mo sumabay ka na lang sa akin. May pupuntahan rin kasi ako." sabi ko pagkatapos uminom ng pineapple juice.
"Sige pero saan ka naman pupunta?." tanong niya.
"Basta hindi mo na kailangang malaman yun." nakangiting sabi ko.
"Sa ipinapakita mo sa akin ngayon my bumps alam ko one hundred percent may sekreto kang hindi sinasabi sa akin." sabi ni Richmund sa akin sabay tapon ng tissue.
"Grabe toh tinaponan ba naman ako ng tissue oo na may sekreto na akong hindi sinasabi sayo." kunot-noong sabi ko.
"Anong secret mo?." sabi niya sa akin habang binibigyan ako ng namimilit na tingin.
"Kaya nga sacret diba?." sabi ko sabay kagat ng chicken.
Naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon ni Richmund sa akin dahil kahit noon pa man ay hindi na kami nagtatago ng sekreto sa isat-isa tulad din ng mga magulang namin noon mag-best friend ang mga magulang namin best friend ni daddy si Tito Gilbert at best friend naman ni mommy si Tita Richen at mas lalong pinagtibay pa ito ng dumating kami sa buhay nila. At masaya akong naging kaibigan ko siya.
YOU ARE READING
You Stole My Heart
RomanceHello everyone! This is my very first story. I hope you'll like it💖