"Paano kung ang lahat ng meron saiyo ay magliliparan na lang bigla ng dahil sa kaibig-ibig na kamay ng isang anghel"
"Bakit hindi mo isinama si Zanjoe?" Tanong ni Chicket kay Gwenn habang nag-aayos
"Wala na kami" sabi ni Gwenn na nagpipigil sa pag-iyak
"Huh? Pero,pero bakit anyari? Bakit kayo naghiwalay?" sabi ko na nanginginig sa pagsasalita dahil nakita ko sa mata ng aking kaibigan ang lungkot.
"Nakita ko sila ni Myra na naglalandian gusto ko silang sabunotan,sampalin at hampasin pero wala akong magawa dahil hinang-hina ako kaya ako na lang ang lumayo" sabi ni Gwenn na halatang iwas ang pagtingin sa amin ng dahil sa lungkot.
"Kung ayaw niya sayo wag mo na siyang isipin may mahahanap ka pang mas matino sa kanya" sabi ko sa aking kaibigan para mawala ang kanyang lungkot.
"At alam niyo ha nung una kong nakita ang Zanjoe na yan ayaw ko na talaga sa kanya akala mo kung sinong gwapo eh hitsurang unggoy naman" biro ni Chicklet para mawala ang lungkot ni Gwenn.
"Pero ikaw Cami kailan mo ba hahanapin ang mister right mo? tanong ni Chicklet sa akin
"It's better to wait than to find tandaan mo yan at syaka ang gusto ko sa lalaki eh yung perfect mula ulo hanggang paa." sabi ko kay Chicklet na halatang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Talaga lang ha ang isang Cami Del Lara ay naghihintay lang sa isang lalaking perfect mula ulo hanggang paa?" tanong ni Chicklet.
"What if your mister right is not mister right and what if your mister perfect is not perfect what would you do?" hamong tanong ni Gwenn sa akin.
"Bes always remember that there is no mister right only mister right now Na! Na! Na! and there is no mister perfect only mister perfect for now Ha! Ha! Ha!" dinaan ko na lang sa biro ang aking sagot dahil wala na akong naisip.
"Wow talaga lang Cami ha pero kanikanina lang ang sabi mo naghihintay ka sa iyong mister perfect pero ngayon parang nag-iba litolitohan ka rin eh nuh ikaw talaga" sabi na lang
ni Chicklet sa akin habang nakakunot ang noo ng dahil sa lito.
"Maiba nga pala tayo saan niyo ba balak mag kolehiyo?" tanong ko sa dalawa kong kaibigan.
"Alam mo na friendship goals kung saan ka magkokolehiyo doon din kami" sabay'ng sabi ng aking mga kaibigan.
"Talaga naman" sabi ko na lang habang nakangiti.Pagkatapos mag-ayos ng mga gamit ay lumabas muna ako sandali bumalik ako sa dalampasigan kung saan ko unang nakita ang lalaking siyang nagnakaw ng aking puso naglalakad ako at sinabi ko sa aking puso at isipan
Na sana makita ko siyang muli.
"Cami" napalingon ako sa aking likod nakita ko si Noa na nakangiti sa akin habang may tinatago sa kanyang likoran.
"Kanina ka pa ba dito? tanong ko kay Noa
"Oo kanina pa para atang may hinahanap tayo ah. May hinahanap ba? tanong ni Noa sa akin.
"Ah wala naman" sabi ko na lang kay Noa dahil sa ayaw kong malaman niya ang isang katutuhanan.
"Para kasing meron" sabi ni Noa sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.
"Tika nga Noa ang saya ata natin ngayon".sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya inilabas niya ang pulang rosas na kanikanina pa niya tinatago sa kanyang likoran.
"Oo masaya ako dahil kasama kita" seryosong sabi niya sa akin.
"Ano ba tong rose mo amoy butt mo! Hahaha!" biro ko na lang sa kanyang sinabi napatawa siya sa aking sinabi pagkatapos ay inilagay niya ang aking isang kamay sa kanyang malaking dibdib pagkatapos humalik sa aking pisngi .
"Cute mo" sabi niya sa akin nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagmamahal niya sa akin.
"Kung sino man ang hinahanap mo sana ako na lang" dugtong ni Noa pagkatapos niyakap ako ng mahigpit.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin.
"Sorry" sabi ko na lang kay Noa pagkatapos tumalikod at naglakad pabalik hindi ko na hinintay si Noa na makapagsalita dahil ayaw kong marinig
ang lungkot sa kanyang tinig."Oh Cami okay ka lang saan ka galing?" tanong ni Erwan sa akin.
"Ah okay lang" sagot ko kay Erwan
"Nakapag-ayos ka na ba? uuwi na tayo mamaya" sabi ni Erwan habang kinukuha ang nahulog na susi.
"Oo sige Erwan magpapahinga muna ako" sabi ko na lang kay Erwan dahil medyo nawalan ako ng gana dahil alam ko sa sarili ko na nasaktan ko si Noa.
"Syaka nga pala heto kwentas mo nakita ko kanina habang naglalakad ako" sabi ni Erwan sa akin habang ibinibigay ang kwentas sa akin.
"Hindi ko ata namalayan na nahulog ko toh sa kung saan salamat Erwan" sabi ko habang nakangiti.
"You're welcome" sabi ni Erwan sa akin pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto at deritsyong humiga sa kama at natulog.
YOU ARE READING
You Stole My Heart
RomanceHello everyone! This is my very first story. I hope you'll like it💖