"Pag-ibig isang salitang masarap pakinggan tulad ng isang surbetis matamis, nakakatunaw"
Naghihintay ako sa library kay Chicklet dahil ang sabi niya sa akin ay gusto niyang magpaturo sa math pero isang oras na akong naghihintay dito pero wala pa rin ang lukarit kong kaibigan ang sabi niya ay mag-uusap muna sila ng sandili ni Erwan pero bakit parang natagalan?
Itinuon ko na lang ang aking attention sa mga estudyanteng nagbabasa ng libro ng hindi ko inaasahang makikita ko ang lalaking aking pinapangarap.Gusto ko siyang lapitan at kagatin ng dahil sa aking nararamdaman!
Ng bigla akong nagkaroon ng idea natuwa ako sa aking naiisip.
Tumayo ako sa aking inuupoan at lumapit sa kanya upang magpasalamat dahil nakalimutan kong magpasalamat sa kanya nung tinulongan niya ako kahapon.
Bakit naman hindi eh natunaw lang naman ako ng parang surbetis ng dahil sa kanyang nakakatunaw na tingin.
"Hi" sabi ko sa kanya pero parang wala atang na dinig kaya nagsalita akong muli "Hello ako pala si Cami" sabi ko pero hindi pa rin niya ako pinansin
nakatuon pa rin ang kanyang attention
sa kanyang binabasang libro.
"Heyyy bingi ka ba?" sabi ko dahil feeling ko parang pusti lang ako sa kanya.
"Suplado! Kulang sa snow bear!" mahinang sabi ko sa kanya.
"Don't judge a book by its author" sabi niya sa akin mukhang na dinig atah niya ang pagsabi kong suplado.
"Cover" pagtatama ko sa kanyang sinabi.
"Alam ko mas gusto ko lang yung author" sabi niya sa akin
"Okay syaka nga pala salamat kahapon" sabi ko sa kanya habang kinukuha ang cellphone sa bag.
"You're welcome" sabi niya sa akin.
"Nako naman bakit ngayon ka pa na dead batt" sabi ko habang nakatingin sa aking phone naiinis na talaga ako kay Chicklet bakit ba naman kasi ang tagal niya.
Tiningnan ko siyang muli nakatuon na naman ang kanyang attention sa kanyang binabasang libro.Pero bakit ganito? Bakit kahit nagbabasa lang siya ng libro ay parang nakukuha pa rin niya ang iniingatan kong puso.
Ano ba ang meron sa kanya?
Pag-ibig ito na kaya?"Ahm excuse me puwedeng humiram ng phone?" sabi ko sa kanya.
"Sure" sabi niya sa akin habang ibinibigay sa akin ang phone.
Hindi ko agad kinuha ang kanyang phone ng binigyan na lang niya ako ng matamis na ngiti.
Pinigilan ko ang aking sarili dahil baka lumotang na naman ang isip ko sa hangin.
Kinuha ko ang kanyang phone pagkatapos tumalikod para hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi.Sobrang init ba Cami girl?
Nag-text kaagad ako kay Chicklet.
"Asan ka na ba bruha ang tagal mo kanina na ako dito" pagkatapos kung ma i send sa kanya ay nag-reply kaagad ang bruha.
"Sorry girl hindi na ako makakapunta diyan si Erwan na raw ang magtuturo sa akin" pagkatapos kung mabasa ang reply niya sa akin ay ibinalik ko na sa lalaking may matamis na ngiti, kaysa isang surbetis ang kanyang phoneSweet smile!
Kuntinto na ako don!Naglalakad ako patungo sa tinatawag naming wishing fountain dahil ang sabi daw nila magkakatuluyan daw kayo ng taong gusto mo kung hihiling ka sa mismong fountain. Nung una ayaw kong maniwala pero naisipan ko rin na wala rin namang mawawala sa akin kung susubokan ko kaya heto ako
Iniisip ko pa lang na magkakatuluyan kami ay parang talo ko pa ang isang baboy na iniihaw!
At nang makarating na ako sa mismong lugar ay natuwa ako dahil ako lang mag-isa ang nandoon wala pang mga estudyanteng humihiling.
Hihiling na sana ako ng may nakita akong lalaking kumukoha ng mga coins.
"Hoy magnanakaw!" sigaw ko.
Nagulat ito at dali-daling humarap sa akin. "Magpapaliwanag ako" sabi niya sa akin habang tinatanggal ang panyong nakatakip sa kanyang mukha.
"Zanjoe?" sabi ko ng dahil sa hindi ako makapaniwala.
"Hindi ako magnanakaw okay" sabi ni Zanjoe sa akin. "Andito ako dahil uhaw na uhaw na ako nakalimutan kong magdala ng pera kaya dito na ako tumungo para kumuha" dugtong pa niya. "Bakit naman ako maniniwala sa isang manlulukong tulad mo? Kung uhaw na uhaw ka na talaga eh di diyan ka sa fountain uminom ng tubig! Aba kaya naman pala ang sabi nila palaging nawawalan ng coins itong fountain dahil ninanakaw mo! Nako naman!" sabi ko habang nakaturo sa kanya.
"Cami tumigil ka hindi ako magnanakaw at syaka concern lang din naman ako sa environment natin itong ginagawa ko tulong lang toh" sabi ni Zanjoe sa akin habang umuupo sa malaking fountain.
"Talaga lang ha tulong!" sabi ko na lang sa kanya.
"Alam ko naman kung bakit ganyan ka sa akin sorry na kung nasaktan ko ang kaibigan mo alam ko na mali yun na gamitin siya nagawa ko lang naman yun dahil gusto kong bumalik si Myra sa akin" seryosong sabi niya.
"Ginamit? Grabe ka alam mo bang sobra mong nasaktan ang kaibigan ko? At ano ngayon masaya ka na?" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang aking galit.
"Hindi dahil alam kong nasaktan ko siya hihingi naman ako ng tawad sa kanya naghihintay lang ako ng magandang syempo" sabi niya habang nakatingin sa kin.
"Dapat lang! Dapat lang nuh na humingi ka ng tawad kay Gwenn" sabi ko sa kanya pagkatapos tumalikod pabalik.
Napatigil ako ng tinawag niya ako.
"Cami ano magwi-wish ka?" tanong ni Zanjoe sa akin.
"Hindi na!" sabi ko sa kanya pagkatapos ay patuloy'ng naglakad pabalik hindi na ako humiling at sinabi sa aking sarili na?

YOU ARE READING
You Stole My Heart
RomanceHello everyone! This is my very first story. I hope you'll like it💖