The Moth And The Fire

20 3 0
                                    

"Ang apoy raw parang trap
na ginawa ng mga
tao, nakakatakot."

Pretend hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula kay Austin. Akala ko ito na pero pretend girlfriend lang pala hindi ko alam kung anong isasagut sa kanya dahil sa mga oras na toh ay para na akong tanga.

Para atang talo ko pa ang babaeng kumakain ng chilly!

Ang anghang ng bawat salitang binitawan niya!

Give me some water please!

"Cami." sabi niya sa akin sabay hawak sa aking kamay.
"Wag mo akong hawakan" bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin.
"Sorry Cami kung nabigla kita pero please help me" seryosong sabi nito.
"Austin hindi kita maintindihan bakit sa lahat pa ng puwede mong hilingin sa akin ay yan pa? Anong rason mo?" seryosong tanong ko kay Austin.
"Kahapon nakipag-usap sa akin si Yi Puli ang sabi niya gusto niyang makipagbalikan sa akin. Pero ayaw ko ng makipagbalikan sa kanya ang sabi ko sa kanya kuntinto na ako kung ano kami ngayon. Pero kahit sinabi ko na sa kanyang ayaw ko na ay hindi pa rin siya nakinig sa akin at gagawin daw niya ang lahat para lang bumalik ako sa kanya. Isa pa siya rin ang gusto ng aking mga magulang" seryosong paliwanag niya.
"Yun naman pala gusto siya ng iyong mga magulang kung ako saiyo balikan mo na siya at syaka alam mo bang isang star ang ex girlfriend mo? Kung iisipin mo nga napakaswerte mo dahil wala ka nang mahahanap na isang tulad niya. Kaya wala akong nakikitang mali" sabi ko sa kanya.

Pero puso ko naman ang siyang kumukontra!

"Pero masisisi mo ba ako kung ayaw na ng puso ko sa kanya?" seryosong sabi niya sa akin.

Sa sinabi ni Austin sa akin ay nakikita ko ang sitwasyon namin ni Noa.

Oo hindi ko siya masisisi dahil alam ko sa sarili kung pareho lang kami ng nararamdaman

Na si Yi Puli at Noa sa amin ay kaibigan lamang.

"Austin I'm sorry" sabi ko sa kanya pagkatapos tumalikod at mabilis na naglakad papalayo.

I can't say a yes in a lie.

Ilang araw na rin ang lumipas pero nararamdaman ko pa rin ang mga salitang narinig ko kay Austin may takot akong nararamdaman takot mula sa aking decision.
Hindi ko alam kung tama ba o hindi ang isang decision na aking binitawan.
At takot na baka ng dahil sa aking decision ay malalayo siya sa akin.
Nagbabasa ako ng libro sa loob ng silid-aralan namin ng biglang may kumatok at pumasok habang nakataas ang kaliwang kilay na papalapit sa akin. Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.
Kilala ko ang babae dahil nakita ko na siya nong nakaraan.
Si Kelsey
"Hoy ikaw Cami ang pangalan mo diba?" tanong niya sa akin.
"Oo bakit mo pala nalaman?" sagot at tanong ko sa kanya.
"Sinabi sa akin ni Noa." sabi niya habang nakapamiwang.
"So magkaibigan rin pala kayo ni Noa?." tanong ko.
"Oo magkaibigan kami by the way I'm Kelsey Zapanta the ice princess of the campus." taas kilayng sabi niya pagkatapos inilahad niya ang kanyang kamay para makipag-shake hands tinanggap ko ito at nagsalita.
"I'm Cami Del Lara the heart princess of the campus." palabang sabi ko sa kanya.
"Sorry pero wala akong naririnig na heart princess sa campus i think gawa-gawa mo lang ang bagay na yan." kunot-noong sabi niya sa akin dahil sa lito.
"Excuse me dear I don't know how to lie." pagsisinungaling ko habang nakatingin sa binabasa kong libro.

Na paka-obvious ko atah.

Hindi talaga ako puwedeng maging artista!

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now