When Love Walks In

26 4 0
                                    

"Sa gitna ng malakas na ulan isang pag-ibig ang papalapit  na siyang dahilan ng pagkatunaw ng puso"

8 Years later...

I woke up early in the morning. This is it! Excited na ako sa bakasyon kasama ang aking mga  kaibigan .
I headed into the bathroom. Ang sarap sa pakiramdam ng lukewarm water. Pagkatapos kong maligo hinahanda ko na ang aking mga gamit kinuha ko ang ang aking malita at inilagay ko ang aking mga gamit na kailangang dalhin para sa aming bakasyon nagsuot ako ng puting mabubulaklaking damit. I look at myself in the mirror with a pretty smile and said .
"Hello Atmosphere Hotel and Resort. I'm coming" pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto dala dala ang aking malita. Pagkababa ko nang hagdanan tinawag ako ni daddy "Good morning my princess you look excited in your vacation." sabi ng aking mapagmahal na ama feeling ko na lang may planong sumama si daddy sa bakasyon ko kasama ang aking mga kaibigan "Oo pa excited na po talaga ako ngayon. Ahm dad asan pala si mommy?" sabi ko habang nakatingin sa isang malita na hawak ng aking ama "Sorry Cami nakalimutan naming sabihin ng mommy mo na pupunta pala kami ngayon sa San Francisco para bumisita kay lola Carmina mo miss na kasi ng mommy ang lola mo and the second reason is because of business" sabi ng daddy ko habang na katingin sa oras " So kailan po kayo babalik?" tanong ko kay daddy "Hindi pa kami segurado kung kailan seguro matatagalan dahil sa business natin doon pero tatawag din naman kami sayo e hahatid ka na lang namin kina Gwenn" sabi ng daddy sa akin. "Ahm wag na dad may susundo na po kasi sa akin" sabi ko kay daddy na halata ang saya sa kanyang mukha. Para atang alam na ni daddy kung sino ang susundo sa akin. "Si Noa ba?" sabi ni daddy habang nakangiti. Alam ko naman kung bakit gusto ng mga magulang ko si Noa dahil except sa mayaman may hitsura pa. "Oo dad bakit ba kasi parati niyo na lang akong nahuhulaan ni mommy ?" Sabi ko habang tawang tawa ang aking ama sa aking reaksyon "Sige hindi na ako magtatanong mag enjoy ka na lang sa bakasyon mo sige bye mag-ingat ka" pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan nakita ko ang kotse namin at nakita ko si mommy na masaya excited na talaga ang aking ina na makita si lola Carmina binuksan ni mama ang bintana ng kotse para magpaalam bago sila  umalis  " Mag enjoy ka sa bakasyon nyo anak at sana sagutin mo na si Noa bagay kayong dalawa. Sige i love you my princess bye"  sabi ng aking ina "Ikaw talaga ma e siningit mo pa si Noa sige ma mag-ingat din kayo mag-enjoy kayo sa San Francisco " pagkatapos kong magsalita pinaandar na ni daddy ang sasakyan hanggang sa nakalabas na sila ng gate habang ako ay naghihintay kay Noa na siyang susundo sa akin.

Hindi nagtagal may kumatok sa aming pintuan binuksan ni ate Fe ang pinto at nakita ko si Noa na kararating lang. Lumapit ako kay Noa at nagsalita "Salamat pala sa pagsundo mo sa akin Noa" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa malaabo nitong mata "Walang ano man basta ikaw Cami" sabi niya pagkatapos binigyan ako ng isang matamis na ngiti "Ready ka na?" tanong niya sa kin "Oo handa na" sabi ko naman habang hawak ang aking malita "Tara " pagkatapos ay lumabas na kami ng pintuan .
Binuksan ni Noa ang pintuan ng kanyang kotse pumasok ako pagkatapos pumasok na rin siya at ng dahil nakalimutan kong mag seat belt siya na ang nagsuot sa akin bigla akong na kuryenti ng dumikit ang malaki niyang braso sa kin. Pagkatapos niyang e suot sa akin ang seat belt pinaandar niya ang kotse "Sasama pala ako sa bakasyon niyo Cami" sabi ni Noa sa akin. Pero bakit naman siya sasama eh bakasyon namin tong magkakaibigan "Noa sorry pero hindi sa hindi kita gustong sumama pero bakasyon kasi namin tong magkakaibigan" sabi ko na lang sa kanya "Bakit hindi mo ba ako kaibigan?"  sabi niya na para bang may naiisip na iba "Hindi sa ganun kaibigan naman kita pero iba lang talaga" sabi ko na lang. Minsan nalilito ako kung ano ako kay Noa alam kung kaibigan pero sa e pinapakita niya sa akin parang may gusto pa siyang makuha sa akin na mas higit pa kaysa isang kaibigan pero binaliwala ko na lang ang kung ano man ang na sa aking isip "Anong iba? Ano para ba sayo para mo akong boyfriend?" sabi niya habang nagmamaneho "Wag ka ngang ganyan Noa Ikaw magiging boyfriend ko? Never!" taas kila'ng sabi ko sa kanya dahil kahit kailan ayoko talaga kuntinto na ako kung ano kami ngayon. "Magkaibigan lang pero kung gusto mong sumama sige sumama ka" dugtong ko. "Syaka nga pala sasama si Erwan sa atin"
"Talaga sasama siya bakit hindi man lang sinabi ni Chicklet sa akin na isasama niya ang modelo niyang boyfriend"
"Ewan ko baka nakalimutan lang niyang sabihin sayo pero sa totoo lang sa inyong tatlo ikaw pa yung wala pang boyfriend"
"Tumahimik ka nga ang mabuti pa magdrive ka na lang matutulog muna ako gisingin mo na lang ako pagnakarating na tayo" kinuha ko ang isang unan sa likod at natulog.

"Wow" sabi ni Chicklet na hangang-hanga sa kanyang mga nakikita. "I love this place" dugtong pa niya "Para atang sa reaksyon mo Chicklet gusto mong magpagawa ng bahay dito sa resort at tumira" sabi ni Gwenn na tawang tawa sa reaksyon ni Chicklet. "Guys ang mabuti pa tingnan muna natin yung kwarto natin" sabi ni Noa na siyang nagdala ng aking malita "Okay" sabi ni Erwan sa amin. Pumasok na kami ni Gwenn at Chicklet sa kwarto namin ang ganda talaga all purple with a white curtain na ang bintana ay nakaharap sa isang malawak na karagatan ang presko tingnan and the bed was big ang sarap tumalon talon sa ganito ka laking kama.
Pagkatapos ay inayos na namin ang aming mga gamit naglabas ng sexy night dress si Chicklet at nagbiro "Wala ba kayong dalang pampaakit para ngayong gabi kasi kung wala pahihiramin ko na lang kayo mga sisi" biro ni Chicklet sa amin "Kulang ka lang sa kain sis e kain mo yan" sabi ko na lang sa biro niya pero parang hindi pa nakuntinto ang baliw kong kaibigan "Oo naman kakainin ko si Erwan mamayang gabi" dugtong na biro niya "Ano ka bampira?" birong tanong ni Gwenn kay Chicklet. "Oo bampira ako pero kay Erwan lang" sagot niya sa birong tanong ni Gwenn .
Nagpahinga muna kaming saglit pagkatapos naming mag-ayos ng gamit para mamaya.

Naligo na sina Gwenn, Chicklet at Noa sa dagat habang kumakain lang si Erwan ng mansanas sa isang tabi at ako nagbabasa ng isang pocket book kinikilig ako habang nagbabasa hanggang sa nabasa ko ang salitang You are the one
Iniisip ko kung anong pakiramdam na masabihan ng ganoong salita kung ako yung nasa posisyon ano kayang feeling?
Pero sino naman ang magsasabi si Noa?
Wag na lang!
"Ano yang binabasa mo Cami?" tanong ni Erwan sa akin. "Ah wala" sabi ko kay Erwan. Pero kinuha parin niya ang pocket book na nasa kin at binasa ang pamagat. "The One" basa niya sa pamagat "Mahilig ka palang magbasa ng ganito ?" he said with a smile "Oo pag walang ginagawa oh di kaya pagod nagbabasa ako ng pocket book para hindi ako ma bored at mawala yung pagod" sabi ko sa kanya "Ako rin" nabigla ako sa sinabi ni Erwan hindi ako makapaniwala.
Ang isang Erwan Paterson nagbabasa din ng pocket book?
No comment!
"Alam ba ni Chicklet na nagbabasa ka rin ng ganito?" tanong ko sa kanya "Hindi,Sssshh! Secret lang natin toh. Ikaw lang ang nakakaalam." sabi niya sa akin habang nakatingin na wag kong sabihin sa kaibigan.
Pero ang tanong ano naman ang meron kung malaman ni Chicklet na nagbabasa si Erwan ng pocket book? eh sa totoo nga ang isang lalaking mahilig mag basa ng pocket books ay cute tingnan at yun din ang isa sa mga gusto ko.
"Okay secret" sabi ko habang naka thumbs up.
Pagkatapos maligo nina Gwenn ay kumain na kaming lahat tingningnan ko ang paligid at naisipan kong sa susunod na bakasyon ay babalik ako dito.
Sana nga lang sa susunod na pagbalik ko rito makakasama ko na ang matatawag kong
The one.

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog kaya naisipan kong lumabas muna binuksan ko ang pintuan pagkatapos lumabas.
Naglalakad ako sa buhanginan habang tinitingnan ang mapayapang dagat ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin nakakawala ng pagod tahimik ang gabi at halos wala ng masyadong tao ng bigla na lang umulan ramdam ko ang lamig. 
Hanggang sa may nakita akong papalapit sa akin tumigil ang mundo ko ng nakita ko siya para bang tinatawag siya ng aking puso hindi ko na nararamdaman ang pagpatak ng ulan dahil sa nararamdaman kong kakaiba.
Sino siya? At ano tong sinasabi ng aking puso? Hindi ko maintindihan para bang huminto ang oras habang siyay papalapit nakapagtanong ako sa aking isipan.
Isa bang tunay na pag-ibig ang aking nararamdaman?
Pero ngayon ko lang siya nakita bakit ako nagkakaganito?
Ano bang meron sa kanya?
Bakit natutunaw ang puso ko?
Tiningnan ko siyang mabuti meron siyang magiginaw na mata maputi, good looking, mataas, may pangmodelong katawan .
Nasa kanya na ang lahat.
He give me a handsome smile!
Na blanko na ako para akong tanga! 
Para akong sinimento! Tumigas ako ng dahil sa kanya na para bang may nagliliparang paro-paro sa aking stomach!
Pero isa lang ang segurado.

He stole my heart.

Sana makapagsalita ako sa sitwasyong toh at masabi sa kanyang?

You stole my heart.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now