❤️ 20 🦁

170 3 0
                                    

Veatrice's POV







Andito kami ngayon sa isang room na kami lang dalawa ni Lance. Kanina pa kami walang kibo at parehong tulala. Hindi parin nag sisink-in sa utak ko ang mga nalaman ko tungkol kay Lance.

"Vea"

"Ikaw yun diba?" Tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Ang alin?"

"Ang pumunta doon at tinulungan ako." Nag iwas naman siya ng tingin.

"Gusto ko kasi. Kahit nasa malayo at pasekreto lang. Natulungan man lang kita at naprotekhan na siyang hindi ko nagawa dati." Malungkot na sabi ni Lance.

"Tauhan ng Dad mo ang mga iyon?" Umiling naman siya.

"Tauhan ni Leesha." Sabi niya.

"Ano nga ba siya ulit?"

"Anak siya ng Mafia boss na naghahari sa Germany. Pero may sariling ring clan si Leesha dahil ayaw niya daw na maging tagapagmana and gusto niya ay bumuo ng sariling clan niya. Malaking clan ang binuo ni Leesha sa Germany, pero siya lang kasi ang anak kaya kahit ayaw niya sa kanya parin mapupunta ng clan ng Dad niya. So, magiging doubleng makapangyarihan si Leesha kaya iyon ang gustong makuha ni Dad pero sa pamamagitan sa akin. Gusto niya na magkagusto si Leesha sa akin and magiging patay sa akin para ma under and si Dad ang magbenefit pagkatapis." sabi niya. Bumuntong hininga naman ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang irereact.

"Alam mo bang pangalawang beses ko na siyang kinasusuklaman iyang babae na iyan?" Tinignan ko siya ng nagtaka siya.  "Una, nung muntikan ng mawala si Vince sa sinapupunan ko. Pangalawa, yung tinulak niya si Vince at na untog ang ulo sa pader na akala ko mawawala na si Vince sa akin."

"Muntik ko rin siyang mapatay dahil doon." Sabi niya habang umigting ang panga sa galit. Alam niya kaya na anak niya si Vince? I doubt kung sinabi ni Hance sa kanya.

"Ikaw rin yun diba?" Tanong ko ulit. Nagtaka naman siya.

"Yung donor ng dugo para kay Vince. Pareho kayo ng blood type."

"Doon ko rin nalaman na anak ko siya. Sabi ng DNA result, match rin kami. Pasensya na kung nagpaDNA test ako without asking your permission." Alam na pala niya. Sabagay, iyan naman ang ugali ni Lance. Naghahanap siya ng sagot sa mga katanungan niya and nakukuha naman niya.

Umiling naman ako. "Kahit walang DNA. Anak mo rin naman talaga si Vince, kahit ano pang pag deny ko. Mukha palang niya at ugali niya, alam mo na anak mo siya." Napangiti naman ako ng bahagya.

"Kailan ka pala nabuntis?"

"Diba may nangyari sa atin noong pumunta tayo sa London. Mukhang doon nabuo si Vince. Iyon lang naman ang hiling pagsasama natin." Sabi ko. Ngumiti siya pero tumulo ang luha niya. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil parang pinipiga rin ang puso ko.

"Ang laki ng kasalanan ko sa inyo ni Vince." Nakayukong siya. Bumuntong hininga ako at pinunasan rin ang luha ko.

"Alam mo yung araw na tinalikuran mo ako?" Tumingin siya sa akin. " Galit na galit ako sa iyo non. As my revenge, hindi ko pinaalam sa anak ko kung sino ang Daddy niya." Tumango naman siya and he mouthed that it's okay, kaya mas tumulo ang luha ko.

" I keep on denying na anak mo siya. Pero ngayon na nalaman ko ang buong katotohanan. Nagpapasalamat naman ako sa ginawa mo pero kung hindi man ako buntis non, sana, sana ako ang pinili mo kahit mamatay pa ako." Sabi ko. Nag smirk siya at umiling sabay tulo ulit ng luha niya.

"Hindi nga ako proud sa ginawa ko sa iyo noon. Sinaktan kita, hindi pinili. Pinabayaan rin kita na mawala sa akin. " Umiling naman ako.

"Hindi, Pinili mo ako." Tumingin siya sa mga mata ko." Pinili mo akong buhayin pati na ang anak natin kahit na walang may alam na buntis ako. Kahit nasaktan tayo pareho, ayos na rin." Tumulo ulit ang luha ko kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon