❤️ 26 🦁

167 5 0
                                    

Third Person's POV







Higit dalawang buwan na since nung nangyari sa Germany. Wala na sa ICU si Lance, na ilipat na siya sa room niya. Ngunit, hindi pa rin ito nagkakamalay.

"Hubby? I know you can hear me. Sana naman gumising kana. Marami kaming naghihintay sa paggising mo." Bumuntong hininga si Veatrice habang nakatingin kay Lance.

"Alam ko na gigising ka rin. Alam ko na hindi mo ako iiwan basta basta. Pagaling ka lang at maghihintay lang ako, maghihintay kami sa paggising mo. I love you Hubby." Sabay halik ni Veatrice sa noo ni Lance.

"Knock knock" napatingin si Veatrice sa pumasok.

"Mommy!" masayang sigaw sabay yumakap si Vince kay Veatrice.

"Hi V. Ito may dala kaming pagkain. Baka hindi kapa kumakain eh." Sabi ni Vedaclee.

"Thanks" nilagay naman ni Jude ang pagkain sa table. Tumingin siya kay Lance.

"Wala pa rin bang malay si Captain?" Tanong ni Jude.

"Wala pa eh pero ayos naman daw ang mga vital signs niya." Sabi ni Veatrice.

"Daddy, I'm here." Sabi ni Vince sabay halik sa cheeks ni Lance. Ngumiti naman si Veatrice.

"Hi" pumasok si Max kasama si Zander.

"Auntie Max, Uncle Zander." Yumakap si Vince sa dalawa.

"Kamusta si Captain?" Tanong ni Zander.

"Wala pa rin eh." Malungkot na sabi ni Veatrice. Niyakap siya ni Max.

"Oh! Andito na kayo." Sabi ni Drake na kasama si Keith.

"Veatrice" yumakap si Keith kay Veatrice. "Wala ka rin bang tulog?" Nakasimangot na tanong ni Keith habang nakatingin sa mukha ni Veatrice.

Ngumiti si Drake. "Love, yung mukha mo nagugusot" sabi ni Drake at hinalamos ang palad niya sa mukha ni Keith. Ngumiti naman si Veatrice.

"Ayos lang ako Keith. Thank you." Tumango naman si Keith pero nag alala siya kay Veatrice.

"Tito Drake" nagfistbump si Drake at si Vince.

"Hello guyses" masayang pagpasok ni Shidley na hilahila si Jdex.

"Hello Tita Shid and Tito Jdex."

"Hello Vince. Ito prutas." Sabay bigay ni Shidley sa dala nila.

"Salamat po" nilagay naman ni Vince ang prutas sa ibabaw ng lamesa.

"Hello Veatrice" yumakap si Shid kay Veatrice.

"Hi" pumasok sina Alex at Axel kasama si Alexandro.

"Oy! Anak niyo?" Tanong ng mga Lions.

"Hi po. Ako si Alexandro. Brother ni Ate Alex."

"Aaahhhh! Akala namin may anak na kayo eh." Sabi ng mga Lions.

"Papunta kami diyan. Kasal muna." Sabi ni Axel sabay halik sa gilid ng noo ni Alex.

"Ako naman ang bestman" sabay pasok ni Jasper.

"Tito Jasper." Yakap ni Vince sa kanya.

"Hi kuya Alexandro"  bati rin ni Vince kay Xandro.

"Hello" nag apir naman sina Vince at Alexandro. Lumapit si Alex kay Veatrice.

"Ayos ka lang?" Pag alala nito kay Veatrice.

"Oo naman Alex. Ikaw ayos kana?"

"Medyo ayos na rin."

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon