❤️ 18 🦁

135 4 0
                                    

Veatrice's POV



Nagmamaneho ako ngayon ng biglang pinagbabaril nila ang kotse ko. Lagi akong super gabi na bumababa sa company. Dahil ayaw ko na magdala ng trabaho sa bahay para nay oras pa ako kay Vince.

Iniilag ko ito. Buwisit! Wala pa naman akong dalang baril. Pagbaril nila sa may gulong ito natamaan kaya naman pagiwang giwang na ang kotse. Shit! Di ko na macocontrol kaya nasa lampa ako sa isang poste. Nasira naman ang ilaw ng poste na iyon. Napansin kong malapit na sila kaya mabilis akong bumaba sa kotse ko.

Tatakbo na sana ako ng may ilaw ng kotse na naaninag ko. Huminto ito at dahil madilim rito. Shadow lang nila ang nakikita ko. Marami sila at wala akong armas na dala. Shit!

Naramdaman ko na may tao sa gilid ko kaya agad akong umilag. Makikiramdam nalang ako nito dahil wala akong makita dahil sa dilim. Sana naman kaya ko pang lumaban. Wala pa naman akong training na.

Nagsusuntukan kami. Ang iba pinagsisipa ko. Pero buwisit dahil natatamaan parin nila ako. Kailangan ko na talagang mag training ulit. Napaatras ako at may humawak sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at tinuwist ito. May napansin akong palapit sa akin kaya agad ko siyang sinipa.

Sino ba ang mga ito? Nakikipaglaban ako sa kanila ng pagsipa ng kalaban ay napaatras ako. Pero hindi ako natumba dahil may yumakap sa akin sa likod. Inupo niya ako sa gilid at nawala nalang siya.

Ilang minuto lang ay wala na akong ingay na naririnig. Hanggang sa may narinig nalang akong mga kotseng umalis. Nagring naman ang phone ko. Si Hance tumatawag.

"What!?"

[Nasan ka? Kasama ko si Vince ngayon. Gabing gabi na ah.]

Sinabi ko sa kanya kung nasan ako ngayon dahil hindi na naman ako makapagdrive dahil sira ang kotse. Maya maya ay dumating na siya. Nasilawan ako sa ilaw ng kotse niya. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa akin.

"What happen to you?" Napangiwi ako dahil may daplis pala ako sa may braso ko. Napatingin ako sa kotse sa di kalayuan ng umalis ito. Kumunot ang noo ko. Sino naman iyon?

"Veatrice" napiglat ako at napatingin kay Hance.

"Si Vi-vince pala?"

"I'll take you to him." Sabi niya. Sumakay na kami sa kotse niya.

"Here." Sabay bigay niya ng panyo sa akin. Kinuha ko ito at tinali sa sugat ko. Kumunot naman ang noo ko ng mapansin na hindi ito patungo sa mansion.

"Saan mo ba dinala ang anak ko?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa lugar kung saan hindi siya makikita ng gustong manakit sa kanya."

"What? Sinong gustong manakit sa anak ko?"

He glanced at me. "You'll know later" sabi niya.





---






Huminto kami sa may baybayin. Nagtaka naman ako pero bumaba na kami ng kotse.

"Teka! Nasan ba ang anak ko?"

"Sa ilalim niyan" sabi niya. Sabay turo sa tubig. Tinignan ko siya ng masama.

"Hance, hindi ako nagbibiro. Nasan si Vince?" Iritang tanong ko.

"Nandiyan nga." Sabi niya. Ano?

"A minute." May tinawagan siya pagtapos ay tumingin siya sa akin.

"Look" sabay turo sa isang boat na patungo sa gawi namin. Huminto ito at nauna na siyang sumakay.

"Trust me, dadalhin kita kay Vince." Sabi niya. Sumakay na ako and nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko siya gaano kakilala pero pagmay nangyaring masama kay Vince. I know, kasalanan ko kasi nagtiwala ako sa lalaking ito.

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon