❤️ 10 🦁

180 7 2
                                    

Lance's POV







Tapos na ako sa meeting ko ngayong umaga. Lumabas na ako ng meeting room at naglakad patungo sa office ko ng sumunod si Neil sa akin.

"Sir, andiyan po pala ang kaibigan niyo." sabi ni Neil. Kaibigan ko? Sino naman? Bumukas naman ang pinto at si Marco pala. Nag bow si Neil sa akin at lumabas ng office ko.

"What brings you here?" Takang tanong ko. Ang aga pa eh.

"Captain naman. Ayaw mo ba akong makita"

"Marco ano nga yun?"

"Sorry Captain pero kasi--" Problemado ang mukha niya.

"Spill it?"

"Si Samson kasi."

"What happened?"

"Kailangan niya ng tulong mo Captain." Sabi niya. Bumuntong hininga ako at lumabas ng office. Kasunod ko si Marco. Pupuntahan namin ngayon si Samson sa bahay nito. Diba sabi ko, babawi ako kaya if they need me anytime. Agad agad akong tutulong sa kanila kahit anong oras pa iyan.

















-------














Nagmamaneho pala ako ngayon ng napahinto naman ako ng makita ko ang building ng company ni Vea. Nagpark ako sa di kalayuan. Bababa na sana ako ng makita ko siyang kakasakay lang sa kotse niya. Masundan nga. Sinusundan ko lang siya ng pasimple dahil alam ko marunong si Vea makasense kung may sumusunod ba sa kanya o wala. Huminto siya sa isang resto. Nakita ko siyang bumaba at pumasok sa loob. May lalaki na sumalubong sa kanya at nagbeso silang dalawa.

Yan ba ang asawa niya? Hindi naman siguro. Walang siyang asawa sabi ni Marco. Tsaka, mas matanda ang lalaki at may edad na para maging asawa na. I mean, age doesn't pero---hays nevermind. Kung business meet up ito. Bakit hindi na siya nakamask gaya ng dati? She is not like before na takot makita ang identity nila.

Hinintay kong makaalis roon ang lalaki tsaka ako mabilis na bumaba at nagmadaling pumasok sa loob. Patayo na siya ng lumapit ako ng mabilis sa kanya.

Standing and facing her this close again ay grabe ang kabog ng puso ko. Can I hug her? Just this time? But iniyukom ko lang ang kamao ko.

"Vea" napatingin siya sa akin. And again, wala paring emosyon and ang mga mata niya.

"Long time no see" sabi ko. Di niya ako pinansin.

"How are you doing here?" Tinaasan niya ko ng kilay.

"You don't hide your identity anymore?" Tanong ko. Kasi dati, basta onduty siya as CEO ay nakamask siya every meeting, or meet up sa mga clients niya. Ngayon wala na eh. Pinapakita na niya ang mukha niya. Mukhang niyang kasing ganda.

She smirked. "I'm not afraid anymore." Sabi niya at nilampasan na ako.

"You look different now." sabi ko pero binalewala lang niya alo. Lumabas na kami sa resto.

"Vea"

"Don't call me that anymore. Okay?" Malditang asta niya sa akin. Dati, maldita rin ang asta niya sa akin nung una pero iba ngayon.

Napayuko ako ng bahagya. "Can we talk? Let's talk." Tumingin siya sa relo niya.

"Naghihintay ang anak ko." Sabi niya.

"Sino ang ama niya?" Hinarap niya ako.

"Wala na sa buhay namin. Dahil gaya mo, gago rin ang ama niya." Sabi niya at sumakay na sa kotse at umalis.

Napatingin naman ako sa paligid at ng maclear ko na wala naman palang umaaligid sa akin ay bumalik na ako at sumakay sa kotse ko.

Napailing ako. Ang hirap nito, iyong tipong kailangan mong mag iingat lagi dahil baka may mga umaaligid na pa sekreto sa iyo o may mga matang nagmamasid sa bawat kilos ko at nagbabantay.

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon