❤️1🦁

324 15 34
                                    

Lance POV

I'm now driving, patungo ako ngayon sa Lions Bar. Nagtext ako kay Marco na pupuntahan ko siya ngayon and ang gago, sobrang saya.

Pagkarating ko sa Lions Bar.  Nagpark na ako at bumaba na ng kotse ko.

I looked at it.

Nag iba ang design at ang color nito. It's a bar with elegant vibes.

Asenso na si Marco.

Nakakaproud.

Naglakad na ako papasok. Pagpasok ko, kung gano ka elegante tignan sa labas, mas sa loob. Kung titignan mo, mukha siyang hindi isang Bar. Para lang siyang eleganteng tambayan.

"Sir Lance good to see you again po" sabi ng  empleyado ni Marco—si Benj. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya.

"Good to see you too."

"Kamusta po kayo?"

Tumango naman ako. "I'm fine, Si Marco?"

"Nasa office po si Boss, Sir Lance. Hintay nalang po kayo sa Lions VIP room po." Napangiti ako ng palihim. May VIP room na ang Lions ngayon?

"Okay lead  the way" sumunod lang ako sa kanya. Mas lumaki ngayon ang space sa loob. Di na mukhang crowded tignan kung maraming tao. Nag improve lahat ng amenities niya rito sa Bar.

"Good evening Sir" bati ng mga empleyado ni Marco sa akin. Tumango lang ako sa kanila. Halos lahat naman sila ay mga dating empleyado ni Marco at wala naman akong nakikitang bago.

Pagkarating namin sa itaas ( second floor ) ay bubuksan na sana niya ang pinto ng mapatingin ako sa isang pinto na kasunod nito.

"Is that his office?" Tanong ko kay Benj.

"Opo. Nasa loob po si Boss."

"Go back to work Benj. Puntahan ko lang siya." Tumango naman siya.

"Sige po Sir Lance." at umalis na siya.

Naglakad ako patungo sa may pinto ng office ni Marco. Walang  katok-katok at binuksan ko na agad ito.

"Jusko! Putek! CAPTAIN!" Sigaw niya dahil sa gulat na gulat na siya ng makita ako.

"Are you shouting at me now Marco?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Nagpeace sign naman siya.

"Hindi Captain. Ikaw ba naman magulat. Ba't ba kasi di ka kumatok?" Pumasok na ako sa loob at tinignan ang buong paligid. It looks like a house, may pa kama pa siya sa isang sulok.

"I just came in without knocking coz I know this office of yours is public to Lions." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"As always naman eh. Twenty-four seven na nga itong open ang office ko eh sa inyu." Napangiti naman ako. Lumapit siya sa akin na sobrang laki ang ngiti.

"Welcome back Captain" at nagfistbump kami at nagbrother hug.

"The Lions?" Tanong ko. Tumingin siya sa relo niya at tumingin sa akin na nakangiti.

"Narinig mo yun Captain?" Sabay smirk.

"Di ako bingi Marco" sabi ko. Nakarinig lang naman kami ng mga footsteps sa labas.

"Sabi ko nga Captain. Tara na, andoon na ang mga ugok sa LVR." Sabi niya at lumabas na agad. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya. Ang ingay nila dahil naririnig ko sa labas ang mga boses. Nagkukulitan na naman.

"Mauna kana." Sabi ko kay Marco at nauna na siyang pumasok.

"Your the best Marco. Pinabongga mo na talaga ang hangout area ng Lions" sabi ni Anderson sa kanya habang ako ay nakatingin lang sa kanila. Hindi naman kasi fully open ang pinto kaya kita ko sila rito sa labas.

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon