❤️ 3 🦁

179 14 18
                                    

Lance's POV






Nakaupo kami ngayon. Si Marco naman pinapakalma ngayon si Vedaclee. I don't know but kahit si Vedaclee hindi ko matignan ng diretso. Di ko alam kung si Vea kaya ang andito, ano kaya ang gagawin ko?

"I trusted you." Shit! Ang sakit ng word na iyan. Yumuko lang ako ng bahagya.

"I trusted you Lance. Pinagkatiwala ko ang kapatid ko sa iyo. I really do trust you, na... that your the one who will make her happy pero nagkamali ako. Ikaw pala ang mas makakapanakit sa kanya" napayuko lang ako habang nakinig sa kanya. Alam kong hindi lang tiwala ni Vea ang nasira ko pati rin kay Vedaclee.

"Hindi ko inexpect na gagawin mo yun sa kapatid ko. You were the last person on earth na naisip ko na makakapanakit sa kanya pero ikaw pala ang----."

"Bhe" saway ni Marco sa kanya.

"ANO BA DON'T INTERRUPT ME! HOY! LANCE. Alam mong kahit sino 'di ko kinakatakutan. Lalo kana, wala akong pakialam kung sino ka pang Captain ka ng Lions o ano. Kapatid ko ng pinag uusapan natin dito kaya pasensyahan na."

"Bhe tama na." saway ulit ni Marco sa kanya.

"ANO BA JUDE! Wag mo nga akong pagsabihan ng tama na. Bakit? eh andiyan na yang mabuting kaibigan mo baka umalis na naman iyan at hindi magpakita. Lubusin ko na 'to diba? Na pagsabihan siya ng masasakit na salita o baka naman---." Malditang sabi ni Vedaclee.

"Go ahead" sabi ko habang nakayuko.

"Captain---"

"Wawarningan kita Lance. Wag na wag mong mapapakita sa akin yang PISTENG ASAWA MO NA IYAN. Kundi, baka mapatay ko yan." Banta niya.

"BHE!"

"ANO BA MANAHIMIK KA NGA DIYAN!" Saway niya kay Marco. Tinignan ko siya.

"Kilala mo na naman rin ako. Kahit na makulong pa ako at makasuhan, ULIT. Mapaghigante ko lang ang kapatid ko. Oo gagawin ko yun. WALANG HIYA KAYO! Ang dami niyo at nag iisa lang ang kapatid ko that time. Pinagtulungan niyong saktan. IKAW! Andoon ka nga pero mas pinaburan mo yung PISTENG ASAWA MO! Samantalang andoon ang kapatid ko sa mismong harapan mo. Pero ano ang ginawa mo? harap harapan mo siyang sinaktan. GAGO KA!" Napapikit lang ako habang nakayuko ng masagi sa isip ko iyong panahon na iyon. I deserve this kind of words.

"Kung ako tatanungin mo? Para sa akin hindi totoong buntis ang PISTENG ASAWA MO. Am I right?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"Kasi, kayang mong saktan ang kapatid ko ng ganun,oo no doubt nagawa mo nga eh. Siguro wala kang choice, sige sabihin na natin na ganun nga. Pero alam kong hindi mo siya kayang saktan sa ganung paraan na maghahanap ka ng iba. Hindi mo siya kayang lokohin ng ganun Lance, alam ko rin naman iyan na hindi mo ugali iyan."

"Tama bhe, hindi ganyan si Captain namin."

"Wag kang magsalita, pwede ba." Inis na sabi ni Vedaclee sa kanya at nanahimik nalang si Marco.

"Totoong walang nangyari sa amin ni Leesha" mahinang sabi ko at tinignan si Vedaclee sa mata. Tumango naman siya.

"Naniniwala naman ako pero hindi si V. She really does convince na buntis nga ang PISTENG ASAWA mo raw, dahil diba may dugo pa raw? Oo pala, nakunan ba siya?" Nakangising sabi ni Vedaclee in a sarcastic way.

"Bhe cut it out" di niya pinansin si Marco at tanging nakatingin lang sa akin.

"Vedaclee, 'di ko gusto ang ginawa ko sa kapatid mo. But I had to. Para ma protektahan si Vea and---" nagsmirk siya.

"Really?" Sabay smirk niya. " Paano kita paniniwalaan niyan? Kung sasabihin mong walang nangyari sa inyo nung babaeng iyon. Well, doon maniniwala ako. Kasi di ka ganun eh. Di ka titikim ng ibang babae dahil di mo ugali iyon. Pero kung sasabihin mong di mo ginustong saktan ang kapatid ko? Ito ang sagot ko..." ulit, sinampal na naman niya ako. Agad na pumagitna si Marco sa amin. Nakaupo lang ako habang silang dalawa ni Marco ay nakatayo.

"BHE, ANO BA! SABING TAMA NA EH!" Bulyaw ni Marco sa kanya. Ngunit, di ito pinansin ni Vedaclee. Masamang nakatingin si Vedaclee sa akin.

"Alam mo na alam ko na hindi ka kayang saktan ng kapatid ko physically pero ako kaya ko, kasi hindi naman kita ka ano-ano eh. Kahit sino pa walang akong kinikilala, pagkapatid ko na ang pinag uusapan, iba ako."

"Bhe labas ka na muna please. Sige na, ako na rito. Kumalma kana." sabi ni Marco habang hinimas himas ang balikat ni Vedaclee. Matalim na nakatingin lang si Vedaclee sa akin.

"I'm sorry" hinging tawad ko kay Vedaclee.

Umiling siya. "Di ako dapat ang tatanggap sa sorry mo kaya wag ka sa aking magsorry." Napayuko  ako ulit.

"Oo pala. Uuwi si V pero wala siyang sinabing exact time and date." Napatingin ako sa kanya ulit..

"Hindi ko ito sinasabi sa iyo dahil para malaman mo na darating siya, No. Sinasabi ko lang ito sa iyo dahil baka magkita kayo at ma shock ka nalang. Ibang iba na siya."

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"Marami kang hindi alam Lance. I think, this will be your regretful year." Kumunot ang noo ko. She said and smirk. Lumabas na siya ng office. Lumapit naman si Marco sa akin.

"Captain"

"I'm okay"

Nagkamot naman siya sa ulo niya. "Pasensya na talaga Captain. Kilala mo naman si Vedaclee diba? Kahit ganun yun. Mahal na mahal lang talaga niya ang kapatid niya." tumango lang ako.

"I know, alam ko na kahit si Vea ang nasaktan ko pati si Vedaclee nasaktan ko rin. Kaya sorry rin." Tinapik niya ang balikat ko.

Bumuntong hininga si Marco. "Sa pag uwi pala ni Veatrice, Captain. Do you think you can face her?" Mabilis akong umiling.

"Alam mo Captain. Wala akong mapapayo sa iyo tungkol kay Veatrice eh. Kasi di ko naman siya nakikita." nagtaka naman ako.

"Diba, binibisita mo si Vedaclee sa London."

"Oo pero wala akong Veatrice na nakikita doon eh. Nagtatanong ako kay Vedaclee. Sasabihin lang niya sa akin na busy sa business si Veatrice yun lang."

"Ewan ko, may part sa akin na gusto siyang makita pero may part rin sa akin na wag siyang makita."

"Kahit anong part pa yan Captain hehe. Kung destined kayo ni Veatrice na magkita. Magkikita talaga kayo kahit anong mangyari. You just have to face her and apologize." Umiling naman ako at bumuntong hininga.

"I can't. Kahit hindi ko siya nakikita. Di ma alis sa isip ko ang araw na nasaktan ko siya. Ewan ko nalang pagnakaharap ko na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Goodluck Captain. Just call Lions for back up pag kailangan mo."

"I gotta go" tumango naman siya. Tumayo na ako at lumabas na ng Lions Bar.

Pagkalabas ko andoon si Vedaclee. Nakacrossed arm na nakatingin sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.

"Yes, I do deserve your slap" sabi ko. She smirk.

"Yan lang ang makakaya kong gawin para sa iyo Lance. The rest si V na." Nagtaka naman ako. May pinapahiwatig ang mga sinasabi niya eh.

"What do you mean?" Lumapit siya sa akin. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Di ka niya sasaktan physically. Pero siguro, sasaktan ka niya. Mentally and emotionally. Kaya maghanda ka." Makahulugang sabi niya sabay tapik sa balikat ko at nilampasan na ako. Tinignan ko siya habang naglalakad papasok ulit sa Lions Bar.

"What does she mean?" Curious kung tanong sa sarili ko. Ewan, pero nung sinabi ni Vedaclee sa akin yun. Ba't ako natakot?

Heart of a Lion ll -Between Love and Responsibility Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon