Chapter 1

694 8 1
                                    

AN: Lalagyan ko sana ng prologue kaso... Kaso, di ko alam kung pano. Kailangan kasi magkaron ng twist haha! Nantitrip lang kasi ako. :)) Okay ang epal ko mwa :*

-----
"Ilang months na lang anak, gagraduate ka na anong balak mo!?" Magkausap kami ng mommy ko ngayon. Ngayon lang kami nagkaroon ng time with each other, since she is so busy doing something! Hay! Pag tumatanda na talaga, kung ano ano na lang trip. Kilala na yata sa casino 'tong nanay ko e.

"Uh- wala pa po ma, siguro magpapahinga muna ko after ko gumraduate, para naman po makapaglibang libang" i answered.

"How about... Magpatakbo ng business? Ayaw mo?" She asked me. Si Mommy talaga sinabi ko na ngang baka magpahinga muna ko ang dami niya pang inooffer. At tsaka isa pa, wala akong interes humawak ng negosyo! Hindi naman business administration kinuha ko. Multimedia arts, malayo sa gusto niyang ipagawa sa akin.

"Ma, pag-iisipan ko pa. Wala pa kasi talaga akong plano e. I know it's weird na parang hindi ko pinaghahandaan ang future ko, pero hindi naman po sa ganun..."

"Why don't you transform yourself into something?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Anak, hindi mo ba tinitignan ang sarili mo sa salamin? Hindi sa minamaliit ko kung anong meron sa pagkatao mo, pero anak kailangan din ng pagbabago.." May kaunting iritasyon sa boses niya "Look at yourself and look at me, ayokong isipin ng mga tao na pinapabayaan kita! Hindi naman tayo mga hampaslupa para ganyan ka manamit, hindi naman--"

"Ma masaya po ako sa kung ano ako ngayon" putol ko

"Gusto ko lang naman maging maayos ka, hindi naman siguro masama 'yun diba?" Tanong niya sa akin. " Alyssa, malaki ka na alam mo na dapat kung paano mo dadalhin ang sarili mo" Tama naman si mommy, iba ang way niya sa way ko parang hindi ako anak ng isang negosyante! Dito ko masaya ang there's a story behind these kind of s-hits! Masisisi ba nila ko? Kailangan ko gumamit ng maskara para mapagtakpan lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Naiintindihan naman kita" hinawakan ni mommy ang kamay ko. "Mag move on ka na anak, para sa'yo din naman 'yang gagawin mo" Naalala ko na naman ang lahat. Naiinis lang ako kapag naiisip ko pa 'yun bakit pa niya kasi pinapaalala sakin? Wala naman kaming mapapala kung pag-uusapan pa namin 'yung dati!

"Ma, wag na nating pag-usapan 'yung mga ganun muna. Dapat nga masasayang bagay pag-usapan natin kasi ngayon na lang tayo nagkaron ng time sa isa't-isa" Tumango lang siya at alam na niya ang ibig kong sabihin at bigla na siyang nagyaya na bumili ng kung ano-ano. Thankful pa din ako, kasi nandiyan si mommy sa tabi ko, hindi niya ako pinapabayaan. Tanggap niya ang mga pagkukulang ko although lahat naman ng magulang siguro pero hindi pa din e. Iba si mommy, parang barkada lang kami pero malaki ang respeto ko sa kanya kasi alam ko kung gaano niya ko kamahal at sasamahan ako sa hirap at saya na pagdadaanan ko.

----

"Alyssaaaaaaa" may naririnig akong sigaw ng sigaw ng pangalan ko. At umaga na alam ko na kung sino, pero inaantok pa ko.

"Alyssaaaa" sigaw niya ulit. Bahala ka magsisigaw diyan

"Huy Alyssa ano ba tumayo ka na diyan" Hays! Pinasok na tuloy ako sa kwarto.
"Alyssa" she used her warning tone para mapilit ako.

"Inaantok pa ko ma" Sagot ko. Tinitigan niya lang ako na parang inis na inis na

"Sabi ko nga e, tatayo na po eto na" umupo ako sa kama ko bago tumayo at tinititigan lang ako ng magaling kong ina.

"Bilisan mo na diyan.. Naku! Naku talaga!" Irita na siya.

"Eto na nga po e. Love you mommy" at hinalikan ko siya pisngi.

Getting Wild at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon