Una sa lahat Happy 18th to me :)) at eto birthday gift ko.. Okay walang may pake. Hahaha. Enjoy harthart <3
------------
Unang tingin ko pa lang sa kanya iba na ang nararamdaman ko, kinakabahan, natutuwa, naeexcite halo-halo 'yung nararamdaman ko, bakit ganito? Inlove na ba ko? Hay! Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa bagay na 'to. Nakatulala lang ako sa kanya at pinagmamasdan siya ang gwapo niya talaga...
"Hoy ano bang itsura 'yan? Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan, nakakapraning ka na!" Hampas naman sakin ng babaeng katabi ko, panira naman ng moment 'to! Ang sarap sarap kaya titigan ng lalaking nasa harap ko.. Plus, he's so hot.
"Nakikita mo naman siguro ang nakikita ko? Sinong hindi mapapatitig sa kanya. Magkaron lang ako ng ganyang lalaki na makikita ko araw-araw solve na solve na ko" sambit ko naman sa kanya.
"Sinong di mapapatitig? Ako! Actually, hindi lang ako.. madami kami!" Sagot naman niya. Teka, ano bang gusto niyang iparating? Bakit ang init ng dugo niya sa lalaking 'yun.
"Bakit ba ang bitter mo?" I asked her. "Basta ako, i will do everything to get that man to be with me" Dagdag ko pa.. Napatawa naman siya, Argh! Bakit ba!?
"Sige, goodluck na lang sayo 'te" She said. Teka naco-confused ako, ano ba meron?
"Bakit ba? Parang ilag na ilag kayo sa kanya?" I asked her. Baka naging ex niya kasi ang lalaking 'yon kaya ganyan siya..
"You'll find out soon.. Basta ako binalaan na kita.. Sige na, I have to go." Lalabas na siya ng may bigla siyang sabihin.. "Kapag nag-approach siya sayo, wag mong seryosohin ang mga sinasabi niya. Okay? Bye" Wala talaga kong ma-gets! Bahala nga siya sa buhay niya. Nakita kong paalis ang lalaking tinitignan ko kanina pa, kaya sinundan ko siya...
Nagpunta siya papunta sa school canteen at sinusulyapan pa din siya tumabi siya sa isang gilid at nakatayo lang doon. Ano kayang ginagawa niya? Pinagmamasdan ko lang siya, at kahit likod pa lang ang tignan, sobrang hot na! Ang tagal niya ng nakatayo sa isang gilid, kaya nilapitan ko siya. Kaso, i don't know what do. Wala naman akong alam when it comes to things like this. Ako pa ba? Sus, porma ko pa lang wala na! Kung 'di lang siguro dahil sa taas ng confidence ko lalong walang wala na ko.. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang magandang tindig ng lalaking 'to, ng bigla siyang humarap...
"Ah-a-raaay!" Naapakan niya 'yung paa ko, Bwisit naman kasi, wag mo kasing titigan Alyssa, napapahamak ka e..
"God! I'm sorry. What am i gonna do? Naku!" Kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala, kaya naman mas lalo akong napangiti! Shet. I'm so overly attached to this man! Teka, inlove na agad? Sino bang hindi maiinlove sa lalaking kasing hot ng mga artistang gustong gusto ko. OMG! Natulala na naman ako. Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko tuloy maiwasan mag isip ng kung anu-ano lalo pa't nandito siya ngayon.. Sa harap ko mismo at tinitignan ang mata ng bawat isa. I blink my eyes and say "Hi" to him. Then he smiled. Napangiti din naman ako.
"Hello... I'm Ceej" Iniabot niya ang kamay niya sa akin.
"Alyssa" iniabot ko din ang kamay ko "nice meeting you" pakiramdam ko pinanlalamigan ako, hindi lang pala siya gwapo ang bait niya pa.
"I'm sorry pala.. Babawi na lang ako"
"It's okay. Wala namang masakit sa akin e" i answered.
"Are you sure? Let's walk?" Aya niya naman sa akin. Mas lalo naman akong nagulat.
"New student?" He asked me.
"Ah- No! 3rd year na ko. Hindi lang talaga ako narerecognize ng tao because of my looks" I answered then he laugh. "What's funny?" Medyo nakakainsulto ha, alam ko naman kung bakit e.
BINABASA MO ANG
Getting Wild at Night
General FictionSi Ceej matalino, gwapo at mayaman sikat sa school nila. Kaya sino bang hindi maiinlove sa lalaking 'to. Halos lahat ng tanungin ay gusto siya. Until one day may babaeng gustong pasukin ang mundo niya.. Si Alyssa. Alyssa likes him so much. That's wh...