Sino papadedicate comment lang or sa message board :)Alyssa
Kinaumagahan, sabay kaming gumising ni Ivan. As in sobrang aga tumayo agad ako pinulot ang mga damit ko, of course para suotin ulit. Tinitigan naman ako ni Ivan. I rolled my eyes.
"What are you looking at?" I asked him. Then he smiled na nakakaloko.
"Wala. Nerd!" I just rolled my eyes. Pumasok naman ako sa CR para maghilamos paglabas ko nakakunot ang noo nito, He's looking for something in the bedsheet. "Ano hinahanap mo?" Tanong ko naman. Napalingon naman siya sa direksyon ko. "Ah wala naman"
"Magbihis ka na, uuwi na ko" I said. Hinatid ako ni Ivan pero sinabi ko sa kabilang street na lang namin niya ako ibaba. Pumayag naman siya, ayoko kasi na may makakita sa amin you know baka kung ano isipin.
"Are you sure you gonna be okay" He asked me
"Yes, of course" I confidently answered. But the truth is, I don't know what to explain to my Mom. This is the first time na umaga na ko umuwi. Usually kasi sa bahay sila natutulog. Wait, Did I just say sila? I don't have bunch of friends pala, I remembered.
Tumingin naman sa akin si Ivan "Say the truth" He said.
Ano? Eh di nagwala na 'yung nanay ko kung sasabihin ko 'yung totoo at ginawa namin. "Are you nuts? Baka napalayas ako nun" I said. Hindi rin nag-iisip 'tong katabi ko eh.
He laughed. "No, not that! Of course. I mean, say the truth. You're with me" I mentally rolled my eyes.
"Ivan, if you have a line up suggestions pa, please keep it to yourself na lang. Nakakadagdag lang lalo ng aalalahanin" Eh kasi naman, yeah! We're on the point na kilala siya ni Mommy but, magkasama kami hanggang umaga? Is it right? Lalo pa't may driver ako, bakit di ako umuwi!
Tumawa naman siya. "Sige na. Mananahamik nalang ako"
"Open the door, bababa na ko" Ayoko ng pahabain conversation namin. Isa pa, I want to rest ang sakit sakit ng katawan ko. "Ingat ka pauwi" Bumaba na ko at nagsimula maglakad pinaandar naman niya ang sasakyan niya ng mabagal at binuksan ang window nito.
"I'll see you at school, Take care" then he winked at me at pinaandar na nito ng mabilis ang sasakyan. Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi at sandaling natigil sa paglalakad ng biglang may bumusina sa likod ko.
"Shit"
"Miss malaki naman yung Village, pwede ka gumilid nasa gitna ka pa" sinabi naman ng lalaking driver
Panira naman 'tong lalaking to "bullshit" napasigaw nalang ako dahil kinakailangan ko na nga palang umuwi tumakbo ako papunta sa bahay. Nasa gate na ako at pina-practice kung ano ba ang idadahilan ko.
"Mommy uhm magkasama kami ni Ivan, but don't worry he's nice" Hays, masyado namang halata
"Mommy, I was with Ivan nasiraan ako ng sasakyan then he gave me a ride tapos tumambay kaya ngayon lang nakauwi" Well, sasabihin niya bat di nalang ako ihatid mismo sa bahay kung nag insist naman pala na siya maghahatid.
"Ugh! This is bullshit di ko na alam" Napasigaw na lang ako sa inis. Bahala na kung ano masabi papasok na sana ko ng biglang
"Alyssa?" Oh shit! Si Manang!
"Hi Manang" Bat sobrang aga naman niya dito sa may labas
"Inumaga ka yata hija!?" Tanong niya naman habang pinagbuksan ako ng gate.
Nginitian ko lamang ito. "Hinahanap po ba ko ni Mommy?" I asked her.
"Hindi naman, Pero eh nakita ko siya kaninang madaling araw nung ako'y naalimpungatan gising pa siya at nasa opisina niya. Saan ka ba galing?" Jusko, mas nakakaintriga yung tanong ni Manang di ko na nga alam isasagot ko kay Mommy eh.
BINABASA MO ANG
Getting Wild at Night
General FictionSi Ceej matalino, gwapo at mayaman sikat sa school nila. Kaya sino bang hindi maiinlove sa lalaking 'to. Halos lahat ng tanungin ay gusto siya. Until one day may babaeng gustong pasukin ang mundo niya.. Si Alyssa. Alyssa likes him so much. That's wh...