-----
AlyssaHindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nilapitan ng lalaking 'yun, at ang kapal pa ng mukha. Hinalikan pa ko sa pisngi. Bumalik na lang ako sa sa table kung saan nandun ang Mommy ko. Parang gusto ko ng umuwi. I don't belong here. Duh! Lalo na 'yung mga friends ng mommy ko parang hindi pa makapaniwala na anak niya ko. Nakakainsulto.
"Oh bakit ang tagal mo?" Takang tanong ng mommy ko ng tumabi ako sa kanya. Tanong mo dun sa lalaking lumapit sa akin kanina nakakairita siya.
"Ah-- wala po, nag ayos lang po" I answered. Nakakaboring! Walang kausap.
"Mommy, lalabas lang po ako saglit, maganda kasi 'yung view outside, Pi-picturan ko lang" Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso ko.
"Stay here. Magsisimula na 'yung event. I'm sure mag-eenjoy ka" Then she smiled. Sus, pano ko mag-eenjoy? Anong alam ko sa mga business business na 'yan?
"Hello good evening everyone, Tonight is the 6th annual event of the Daily Business Club of the Philippines. There goes our beautiful and handsome Presidents in different companies in our country. So ayan po sila, Nag-eenjoy po ba kayo? So before we proceed to event, First, Let us taste the best food that Krimcee hotel prepared for us. Para may energy ang ating mga mahal na presidente sa kanilang speech mamaya"
Napatingin ako ng magsalita ang emcee. Hindi ako nag-eenjoy. Tsss. Sila lang naman nagkakaintindihan sa ganyan eh, Buti na lang kainan na. Kakain na lang ako. Dapat talaga hindi na lang ako sumama.
Ng mag-serve na ng pagkain sa bawat table. May isang upuan ang ibinakante ng friend ni mommy. At sinabi nito na "we have to wait for him" sino naman kaya? Pagkatapos ko kumain, i checked my phone kung may text or call. Pero sad life talaga. Walang nakakaalala sakin. Well, sanay naman na.
"Ayan na siya" masiglang ani ng friend ni mommy. "Take a sit hijo" tinago ko ang phone ko muli sa bag at naibaling ang tingin sa lalaking kaharap ko. My eyes got widened, 'yung lalaking nanggugulo sakin kanina pa e siya pala ang hinihintay namin.
"Len, this is my son. Ivan. Ivan this is your tita Len" pakilala ng kaibigan ni Mommy sakanila. Masigla namang nag-response ang mommy ko sakanya. "Oh, by the way. Ivan, this is my Daughter Alyssa. Alyssa this is Ivan" iniaabot sa akin ng lalaki ang kamay niya. Pero tulad kanina, hindi ko pa rin ito tinatanggap. Tinignan naman ako ng Mommy ko at pinanlalakihan ako ng mata and she mouthed. "Alyssa" simbolo na sundin ko ang utos niya. Kaya naman iniabot ko ang kamay niya. At nginitian siya ng tipid at ang loko, kulang nalang mapunta sa tenga ang ngiti niya at ayaw pang bitawan ang kamay ko.
Nagsalitang muli ang emcee. This time tinawag isa-isa ang President ng kumpanya para mag-speech at talakayin yung mga plans nila and objectives para makahatak ng investors. I'm so bored, i wanna go home. I picked up my phone and pretend that i'm texting someone.
"Boring?" Tanong sa akin ng lalaking tumabi bigla sa akin.
"It's none of your business, okay?" I answered.
"Alam mo, wala naman akong ginawang masama sayo para pagsungitan mo ko" then he looked at me with no reaction, alam mo yun nakakakosensya.
"I'm just not interested talking to someone i don't know personally, okay na?" I said sarcastically. Nakakaubos ng sense of humor ang lalaking 'to.
"That's why, nagpapakilala nga diba. Nirereject mo naman ako ng nirereject. Hindi naman siguro masama to be friend with you" Then he smiled. And i smiled back.
"Okay. Sorry kanina, hindi lang kasi ako sanay makipag-usap sa tao. Akala ko kasi--"
"Manti-trip ako? Mang-aasar?" Putol niya sa sasabihin ko. "Alam mo Alyssa, kung pupunuin mo ng negativity 'yang utak mo, walang mangyayari" Wait kakilala lang namin, pero bakit nababasa niya laman ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Getting Wild at Night
General FictionSi Ceej matalino, gwapo at mayaman sikat sa school nila. Kaya sino bang hindi maiinlove sa lalaking 'to. Halos lahat ng tanungin ay gusto siya. Until one day may babaeng gustong pasukin ang mundo niya.. Si Alyssa. Alyssa likes him so much. That's wh...