Ellaine's Point of view.
"Make sure nobody from school knows about this, I don't want our section to be disqualified. Maari na kayong umalis, ingat kayo especially ang girls!" Carl, our class president said as all of us in unison stood up hurrying.Alas dies na din kasi ng gabi, pahirapan makahanap ng sasakyan pauwi. Curse those expectations! Hirap talaga kapag maraming matang nagmamatyag sa 'yo. Taon-taon may cheerdance competition ang paaralan namin, lahat ng sections kasali. Being in the first bracket, we can't let our performance be below average, kailangang mas lamang pasa iba.
Dali-dali akong lumabas mula sa yamaning bahay ni Carl kasama si Feby, my bestfriend. May kung ano-ano siyang sinabi habang naglalakad kami palabas ng subdivision pero panay chat at text ako kay Alec na sundoin niya na ako.
"Sana all may jowa!" Bulyaw nito sa akin.
Wala akong nagawa kun'di itago ang cellphone na hawak-hawak ko at ibinaling ang atensyon sa kanya.
"Kung sinagot mo nasi Adam may jowa ka narin sana!"
"Ayoko ko nga! Gusto ko may thrill, pahihirapan ko muna siya." Parang demonyong tumawa si Feby na ikinailing ko, "Sabay na tayong umuwi Els!"
"Hindi na Febs, magpapasundo nalang ako dito kay Alec."
"Tah! Dati rati sabay tayong umuuwi, simula ng nagkajowa ka kinalimutan mo na akooo!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Sige na please, libre ko pamasahe mo!"
Nakita kong nanghihintay sa kabilang kanto ang manliligaw ni Feby kaya't sumenyas akong lumapit siya. He brought along his fancy motorbike. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa siyang sagotin ni Feby.
"Take good care of Feby, Adam." Bilin ko dito noong nakalapit na ang lalaki.
"I will." Ngiti niya. He has that Mikee vibes, mas gwapo pa nga eh. "Let's go, Feby?"
"Ella, paano mo 'to nagawa sa akin?! How could you betray me!" Tumawa na lamang ako't sinenyasan ang manliligaw nito na ihatid na siya.
Paarte-arte pa ang gaga. Kahit mahina lang ang pagmamaneho ni Adam parang octupos siyang kumapit dito noong umalis na sila.
Muli kong tinext si Alec, nagchat din ako sa kanya pero hindi man lang ako pinansin kahit na active ang facebook status niya. Pinabayaan ko nalang ito't naghintay, ayokong isipin niyang possessive akong babae. Wrong move ang tawagan at kulitin siya.
Lumipas na ang bente minutos pero wala pa din akong natatanggap na reply kaya't napagpasyahan ko na lamang magcommute pauwi. Habang nasa byahe iniisip ko kung ano ang tamang gawin. Magagalit ba ako o pabayaan ko nalang? Ito kasi ang unang pagkakataon inignore niya ang mga messages ko. May nangyari kaya?
Kainis!
It's my first time being in a relationship and I don't want to ruin it by making possessive and aggressive decisions. Sa aming dalawa ako ang walang experience habang siya maraming babae nang dumaaan sa buhay niya. I don't want to be one of his ex-lovers, hindi pa nga kami umabot ng isang buwan.
--
Dumating ako sa bahay na walang gana, I tried to sleep but I couldn't I'm still foolishly waiting for his reply. Hindi ko na namalayang nagbabad na pala ako surfing the internet.
Febs sent a message.
: Ells, nakita mo 'yong balita?!
: Anong balita Feb?:Naaksidente si Alec!
: Ano?! Hindi nakakatuwa Febs, umayos ka nga!
Feby sent a link.
After clicking the link it redirected to a news page stating a car accident occurred, nakaheadline doon ang pangalan ni Alec. Sinubukan kong kumalma sa oras na 'to, kaya pala hindi niya nasagot mga texts ko!
:Nabasa mo na El?
:Alam mo kung saang hospital siya sinugod?
: Sandali, tatanong ko kay Dad. Stay calm El, walang mangyayaring masama kay Alec.
Minutes pasts but Feby still hasn't replied, puno ng kaba at pag-alala ang dibdib ko sa mga oras na 'to.
:Febs, ano na update? Hindi ako mapakali!
: Nasa San Sebastian Hospital balita ni Dad Els.
: Thank you! Offline na muna ako.
: Don't tell me pupunta ka!
:Papano naman kung oo?
: Nababaliw kana Els!
Hindi na ako nagreply sa message ni Feby at nagmadaling nagbihis. Maingat akong lumabas sa kwarto sinusiguradong walang makakarinig sa aking bawat hakbang. Dad would totally ground me for weeks if he found out I'm leaving in a middle of a night just for a boy.
Lakad takbo ang ginawa ko upang hindi magising ang kapitbahay namin habang palabas ako sa compound. Halos paliparin ko na ang taxi kakapadali kay Manong at hatiin ang dagat ng sasakyang pumipigil sa aking makapiling si Alec.
Kainis ng traffic!
Hindi ko na hiningi kay Manong ang sukli ko sa pagmamadali. May nabangga pa nga akong matanda habang papasok sa hospital pero hindi na ako nag-abalang tulongan itong makatayo. Hingal akong nakarating sa reception, wirdong tumingin sa akin ang Nurse.
"Miss, saan nakaconfine si Alexander Justin Roa?"
"Room 36 miss, ano an—"
Hindi pa natapos ang sasabihin ng Nurse ay mabilis na akong tumakbo. I was running like a mad woman and I didn't care what people would think of me. Para akong baliw na napangiti, sheems ganito pala kapag may lovelife! This feels like I'm the protagonist of a movie, hahamakin ang laha- sandali ano nga kasunod no'n?!
"Room 34!" My eyes widened, sa wakas malapit na ako. "Nandito na ako Alec!"
Nagmadali akong pumasok sa loob ng silid, ni hindi na ako kumatok. Natigil ang lahat ng tao ng kwartong aking pinasokan, awkwardness filled the air and it slowly suffocated me. Halos maiyak akong makita ang walang malay na mukha ni Alec, kapansin-pansin ang mga bendang nakapulupot sa kanya. May nagbabantay sa kanyang tatlong babae.
"Who are you?" A woman full of authority asked.
"Ako p-po aang girlfriend n-ni Alec."
"Ikaw?!" Sagot niya sa hindi makapaniwalang tuno.
"Opo..."
"How dare you show up matapos mong gawin sa anak ko! You shameless bitch!"
"Ano pong ibig mong s-sabihin?" Nagugulohan kong tanong.
Mas lumala ang kaba sa dibdib ko dahil sa nakakamatay titig na ibinibigay sa akin ng Mama ni Alec. Naiwan akong estatwa, hindi na alam ang gagawin basta ang alam ko ay dapat hindi masira ang imahe ko sa kanya.
"Huwag ka ng magmaang-maangan! Alam ko ang mga tulad mo, gold digger!"
"Gold d-digger?"
"Eh ano pa ba? You don't deserve my son."
Nanliit ako sa aking sarili, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya I'm in a verge of crying. Our conversation was short yet informative, she totally doesn't want me for her son.
"Get her out of here!"
Lumapit sa akin ang isa sa mga babae't sinamahan akong lumabas mula sa silid.
"Miss, hindi maganda ang mood ngayon ni Ms. Roa umalis nalang po kayo."
I left feeling empty. It happened too fast, I didn't even had the chance to explain myself.
--
BINABASA MO ANG
How You Lost The Girl
HumorIsang typical na high schooler si Ellaine Faye Martinez na ngangarap maramdaman ang sensinasyong tinatawag nilang kilig. Hindi naman siya nabigo dahil isang taon bago tumapak sa kolehiyo si Ellaine, dumating ang matagal niyang inaasam. Si Alec, ang...