CHAPTER TWELVE/DOSE/12

3 0 0
                                    

“Pa‘no mo ba nakilala si Alec?” Ang kaninang masiglang kwentohan namin ay biglang naging seryoso.

“Alec?” Tumawa siya sa pagbigkas ng pangalan niya. “We meet when my Dad came to his Dad's birthday, I tagged along. Ang bata pa namin no'n.”

“Legit? Kaya naman pala naging kayo.”

“Maybe, our parents both know each other since they were kids so it's likely that we were planned to be with each other.”

“Nagustohan mo ba agad siya?”

“Hindi. I've always wanted to be with those handsome emo guys. I have a thing for deep voices, ang layo-layo niya sa type ko.” Sabi niya't parang may inaalalang tao.

“Deep voices? Bakit?”

“Sexy sila para sa akin, they turn me on.” She said revealing her dirty kinks.

“Turn me on?!”

“Yup, ang layo ng standard ko kay Alec. He's too damn jolly of a person, kaya kailangan kong makisabay sa kanya sa bawat pakulo niya kasi I don't want to disappoint my parents. They want my future to be great and they see Alec in that kaya sinunod ko sila.”

“Oo, Alec is a great person babaero lang.” Biro ko, sabay pa kaming tumawa.

“Hindi ko nga aakalaing magugustohan ko siya over the time kasi kinukulit niya ako lagi but he's too charming for me not to fall. Sadly, ako na ngayon naghahabol sa kanya.” Malungkot niyang sabi na sobrang relate ako, ang hirap.

“I like it when you're serious Kyla, ‘di ka nagcoconyo. Hindi halatang emo kid of a person ka ha, apaka outgoing mo tignan.” Asar ko pa.

“Why kaba may problems sa conyo peeps Ellaine?” Tanong niya upang magtawanan kami. “Ikaw? Anong dahilan mo kaya nagustohan mo si Alec?”

“Ano k-kasi hihihi.”

Nahihiya ako, masyadong mababaw ang rason ko. Hindi ko alam na sobrang lamin pala ng dahilan kaya mahal na mahal ni Kyla si Alec habang ako...

“Ano?”

“I've always wanted a boyfriend at goad ko kasing magkaroon ng boyfriend bago matapos highschool life ko.”

“Seryoso ka?!”

“Oo pero totoong minahal ko si Alec.” I replied giving her assurance, hindi ako aabot sa ganitong punto kung hindi ko siya mahal.

“Until now ba may feelings kapa for him?”

“Mali ba kung ang sagot ko ay Oo Kyla? Kasi kung gano‘n dapat ko na talaga siyang kalimutan.”

“Hindi mali ‘yang nararamdaman mo Ellaine, I've been through that and soon you'll know that it's just a phase. Later on la-laugh ka naman when you see his face.” She said trying her best to comfort me.

“Wag kana nga mag-conyo, sinisira mo ang mood eh!”

“Bahala ka! It's my mouth char. Speaking of that, anong gusto mong gawin sa kanya kapag nagising na siya?”

“Gusto ko ng closure. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawa ang lahat ng ‘to? Kung bakit ba niya talaga ako nilapitan? Nagkagusto ba talaga siya sa akin?” Tanong ko't pareho kaming natahimik.

Ding Dong. Saktong tumunog ang doorbell upang nawala ang awkwardness sa paligid.

Perfect timing!

“Ako na kukuha!” Sambit ko't kumiripas ng takbo sa pintoan.

“Finallyyy! Super gutom na talaga ako.”

Nawala ang ngiti matapos makita ang bulto ng mataray niyang mukha. Hindi ako makagalaw o makareact, tila naoverwhelm ako sa presence niya. Siya ang naghihintay sa labas imbes sa hinihintay naming delivery guy.

How You Lost The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon