Ellaine's Point of view.
"Alec..." Sabi niya't malakas na tumawa, halos mangilabot ako tawa niyang parang baliw. "Sige but before that, ano bang meron sa inyo?"
"Boyfriend ko siya."
"So tama nga ako, you're one of his btches!" Bulalas niya't nag-init ang dugo ko.
"I'm not a bitch! ANO BANG ALAM MO!"
"Pero sa KANYA hindi! What I know?! Alam ko ang lahat dahil isa rin ako sa mga pinaglaroan niya gaya mo." Pabalik niyang sigaw, hindi nagpatinag.
Ramdam ko ang galit mula sa kanya. Sa pagkakataong ito hindi ako puwedeng magpasindak at matakot, I need to be fearless in order to know the truth.
"Pinaglaroan? Ano ba talagang nangyayari?"
"Ako ang dahilan ng pagka-aksidente ni Alec..."
"Bakit mo 'yon ginagawa?! Wala bang silbi ang buhay ng isang tao para sa 'yo!" Halos magwala ako't makipagsabunotan ulit sa kanya pero tamang gawin 'yon.
"Kaya nga hindi na ako tumakbo sa responsibilidad ko sa 'yo, hindi na makakaya ng konsensya ko." Maluha-luha niyang sabi, I could feel the sincerity of it.
"Ano man 'yang dahilan mo kahit kailan hindi magiging sapat 'yon."
"I know pero sumusobra na siya!"
"Sapat bang dahilan 'yon para maospital siya! Mamatay tao ka!" Hindi na ako nakapagtimpi't nahampas ko na ang lamesa.
"Hindi ko siya pinatay! Alam kong mali pero I did what I did, that jerk deserves it. Dapat maramdaman niya din ang sakit na nararamdaman ko, naming lahat!"
"Ano bang kasalanan ni Alec? Sabihin mo na kasi para maintindihan ko!" Para kaming sirang-plakang pabalik-balik.
"Pinagsabay niya tayo! Tayong lahat!" Sigaw niya na hindi ko na ikinagulat, I already had a feeling but I didn't want to hurt myself.
Tinatagan ko ang sarili ko, ngayong narinig ko mismo sa kanya mas lalo akong naniniwala sa mga sinasabi niya. Hindi naman siguro ako lolokohin ni Alec hindi ba? Alam kong mahal niya ako! Alam kong sapat na ako para hindi siya magloko, 'di ba?
"Alam mo imbes na humingi siya ng tawad tinawanan niya ako. His enjoying himself while all of us suffers every second being paraniod of everything he does!"
"..."
"You don't believe me? Bahala kang magpakatanga sa kanya!" Sinubukan kong kumalma't hindi sumigaw pabalik sa kanya.
"Kailangan ko ng pruweba, I trust him! Tsaka gusto kong malaman ang side ni Alec, alam kong may ibang paliwanag..."
"Proof?" Inilabas niya ang phone niya't ipinakita ang iba't-ibang litratong may kasamang ibang babae si Alec. Mga litratong masaya siyang tumatawa't ngumingiti, kahalikan niya pa ang iba. "Kulang pa ba 'to?!"
Naiiyak siya sa galit na kahit ako mismo ay gano'n din, kusa nalang silang umagos. May parte pa din sa aking ayaw maniwala, iba siya sa Alec na nagustohan ko. He was different from those handsome dudes, he wasn't arrogant which I loved about him. Ni hindi pumasok sa isip kung kaya niyang magsabay-sabay ng babae, malayong-malayo sa palabirong lalaking kumuha ng atensyon ko. Baka siguro 'yon lang ang ipinakita niyang ugali sa akin, he's a playboy and he knows how to get what he wants even if it's changing who he is.
"Don't you think that it's ironic how we didn't even see of him as a playboy kahit na lampas sampu niya tayong pinagsasabay." She said sarcastically.
"Gano'n karami?! Gago siya!"
BINABASA MO ANG
How You Lost The Girl
HumorIsang typical na high schooler si Ellaine Faye Martinez na ngangarap maramdaman ang sensinasyong tinatawag nilang kilig. Hindi naman siya nabigo dahil isang taon bago tumapak sa kolehiyo si Ellaine, dumating ang matagal niyang inaasam. Si Alec, ang...