CHAPTER ELEVEN/UNSI/11

2 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw hindi na kami nagkita ni nag-usap ni Kyla. It's unspoken, we cut our ties and it made me sad. Akala ko talaga magkaibigan na kami, magkasangga sa mga mangyayari. I guess I'm too naive, bakit nga ba kami maging magkaibigan? Eh natural lang namang magsiraan kami't kamuhian ang isa't-isa dahil iisang tao ang mahal namin pero hindi ‘yon ang gusto ko.

“Si Alec ba ‘to o si Theo?” Tanong ni Feby.

Napansin niya sigurong wala akong gana makipag-usap. Kanina pa siya putak ng putak diyan habang ako naman walang paki.

“Sana nga.”

“May new boylet ka Els?!”

“Tigilan mo nga ako Feby.” Walang ganang sagot ko't inayos ang pagkaka-upo.

“Huwag mong sabihin nabagsak ka kaka-absent mo?”

“Isa din ‘yan sa problema ko.”

“Bakit ka ba kasi umaabsent? Sino bang kasama mo?”

Hindi ko naman pwedeng sabihin umabsent ako kasama ang girlfriend ni Alec para tulongan ang isa pang girlfriend ni Alec, paniguradong pagtatawanan niya ako.

“Wala.”

“Anong wala, nag-aalala ako sa ‘yo Els. Anong meron?” Alalang tanong niya.

“It's complicated.”

“Makikinig ako.”

“Huwag na.”

“Bahala ka, may group activity pala ulit tayo Els. Nasa groupo ka nila wannabe cool kid Zhyra, good luck.”

Sa mga oras ngayon dapat nagpapanic ako dahil kasama ko sila pero wala akong naramdamang emosyon.

“Gusto kitang tulongan Els pero kung gusto mong mapag-isa G. Maghihintay lang ako sa tawag mo, we can talk this out. Aalis na ako dahil magpre-prepare na din kami para sa activies.”  Habilin ni Feby bago tuloyang umalis, naiwan akong nagmukmuk dito.

Maginhawa na sana sa pakiramdam ang ME time ko pero may sasagabal talaga sa buhay mo. It's the GC, panay mention sila sa akin at blackmail na bahala na daw ako sa buhay ko. Hindi pwedeng lumiban ako ngayon lalo na't baka pagchimissan naman ako, may grade din akong kailangan ipasa. Kaasar.

Lethargicly I stood up and headed my way, papunta ako ngayon sa bahay nila Zhyra. Marami-raming beses na din kaming nakapunta dito ni Feby dahil sa mga ganitong projects at hindi naging maganda ang experience namin. Pagdating ko ro‘n mapanghusga nila akong tiningnan, ngumiti nalang ako.

Paimportante talaga.”

“Kala niya ikinaganda niya ang sad girl look niya, ew!”

“Bida-bida.”

“Good at nakonsenya ka Ellaine, timplahan mo kami ng juice para may silbi ka naman.” Bungad ni Zyhra sa akin.

“Sandali.”

“Just make sure wala kang mabrebreak jan, our stuff are expensive!” Nagtawanan naman ang mga hunghang na umiidolo kay Zhyra.

Inis akong pumunta sa kusina nila, hindi ito ang unang beses na nagtimpla ako ng juice para kanila. Kung tutuosin baka mas matagal pa akong namalagi dito sa kusina nila kaysa bruhildang ‘yan!

“Feeling mayaman! Juice lang naman afford.”

“Ang mahal na kaya ng juice ngayon.” Walang gana akong tumingin sa kanya habang tumawa siya sa sariling joke niya. “Tulongan na kita.”

“Bumalik kana do'n kaya ko na ‘to.”

“Hindi, tutulongan na kita.”

Hindi ba siya titigil?! Kainis talaga ang lalaking 'to!

How You Lost The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon