CHAPTER FIFTEEN/KINSE/15

4 0 0
                                    

“Here's your key for room 23 Ma'am, enjoy your stay.”

Kinuha ni Kyla ang susi sa receptionist at tahimik nalang akong sumunod sa kanya. Habang naglalakad kami sobrang ganda at mamahalin tignan ng paligid! Apaka-sosyal, 5 star hotel ata 'tong napuntahan namin! Syempre dahil nakakahiya, pinigilan kong magtanong kay Kyla sa mga bagay-bagay hanggang makarating kami kwarto.

“Sa iisang kama tayo matutulog?” Tanong ko matapos makitang isa lang ang kama, it's a king size bed.

“Any problem with that? Ito nalang 'yong available nila.” Napatango nalang ako't inilapag ang mga dala kong gamit.

“Hurry na diyan Ellaine, we'll eat then magpaparty tayooo!” Nagulat naman ako sa sinabi niyang magpaparty kami, tama bang sumama ako sa babaeng 'to? “Bakit parang you don't want to?”

“Wala.”

“Then let's arat naaaa!”

Dumating ang pagkaing inorder ni Kyla nasa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita. Masarap pero bitin! Kukonti lang ng portions at dahil nilibre lang ako, wala din akong karapatang magreklamo at humingi ng second batch. Kung ganito lagi kaliit kinakain ko hindi na siguro ako tataba pa!

“Maganda ba?”

“Maganda...”

Hindi pa nga kami natatapos kumain pumipili na siya ng susuotin para mamaya. Hindi na ata si Ashley ang ipinunta niya dito kun'di ang party.

“Chill Ellaine, this lakad natin is not all about Alec and ligtas-ligtas that girl laban kay Allyson! Para na din sa sanity natin, it's okay na maging reckless kahit minsan.”

“Sensya na.” Ngumiti ako dahil sa pinarealize niya sa akin, kailangan ko nga talaga siguro mag-enjoy kahit minsan.

“Magchange clothes kana, I'll do my kuloriti muna.”

Lumabas kami sa hotel room na manipis lang ang saplot sa katawan na kahit sobrang lamig ng dalampasigan. Dumaan kami sa mga stalls upang tumingin-tingin at dumiretso nasa sa party na sinasabi ni Kyla.

Kahit sa malayo rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga nagsasayang tao. Napatigil ako, nagdadalawang-isip na sumama kay Kyla. I'm not that party girl, ayoko sa mga ganyang bagay lalo na't malaki ang possibilidad na may ‘di kaaya-ayang mangyari.

“Takot ka ba?”

“Hindi ba ako cool kasama kung oo?”

“Why naman?”

“Hindi ako sanay sa mga ganyan eh, hindi naman sa ayaw ko pero hindi ako comfortably.”

“Nag-ooverthink kalang, walang mangyayaring masama sa ‘yo.” Asar niya pa, kahit anong gawin niya ‘di niya ako mapapasama sa kanya.

“Paano naman kung meron? Hindi natin sila kilala, natatakot ako.”

“Dali na Kyla, ang KJ mo talagaaa.”

“Sabihin mo ‘yan kapag may nabuntis sa ating dalawa!” Inis na sigaw ko sa kanya. KJ? HINDI AKO KJ!

“Huwag kang magworry I won't sell you off like those inggiteras gaya ng ginawa nila kay Nanno!”

“Nanno ka diyan.” Peke akong tumawa upang itago ang kabang nararamdaman ko. “Dito lang ako hihintayin kita, may mga projects pa din kasi akong gagawin.”

“Tara, let's libot nalang the area.” Nakangiting sabi ni Kyla at lumihis ng landas.

“Yessss!”

Mabilisan akong tumakbo palayo sa mga nagkakasiyahang tao habang si Kyla ay iling na sumunod sa akin.

“Since ikaw ang nasunod today, ako naman tommorow! Party-partyyy!” Tugon niya upang mapatigil ako.

How You Lost The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon