Chapter 7

2 0 0
                                    

Agad akong dinala sa kwarto para magamot ako. Ang Ate ni Patricia ang naggamot sa akin. Habang ginagawa nya sa akin yon ay nagkukwento si Patricia tungkol sa nangyari kanina lamang at naintindihan naman ng Mama nya at ang Ate nya kaya ipinagpatuloy nya sa panggagamot ko.

Ate: Grabe talaga naging injured ng crush mo oh akalain mong dalawang bala lang eh nabuhay pa.

Patricia: Shh... Wag kang maingay Ate baka marinig ka nyan eh

Ate: Di yan nawalan na ng malay eh at konting pahinga lang ang kailangan malakas na ulit sya.

Patricia: Maraming salamat talaga Ate ah. Kahit konti lang ang alam mo sa panggagamot ay napabuti mo na si Kuya ken.

Ate: Basta para sa crush mo andito lang ako para sa iyo.

Patricia: Ma, si Ate oh nang-aasar.

Mama: HAHAHA pero buti nalang dumating sya kung hindi ikaw ang nasa ospital at diba sinabi mo na ang kumidnap sa iyo ay kaklase mo pa? Irereport ko iyon.

Patricia: Ma, ako nalang po ang bahala sa kanya. Sure na takot na sya sa akin dahil niligtas nanaman ako ni kuya ken.

Ate: Yung kumidnap ba sa iyo yung taong pumupunta dito para lang manligaw??

Patricia: Oo sya nga mismo.

Ate: Pag nakita ko talaga pagmumukha nya ulit eh paaalisin ko agad yon at di ka ulit saktan. Oh sya aalis muna ako at matutulog na ako antok na ako eh. Sya nga pala Patricia eto tissue alam kong duguan na yung bibig o ilong nyan dahil sa mga injured na natanggap nya kung pede ikaw nalang ang gumawa?

Patricia: Oo naman ate.

Ate: Ikaw muna assistant ko ah alagaan mo yan

Patricia: Opo Ate..

Umalis na ang Ate nya para makatulog na sya. Ang Mama nya at si Patricia ang natira sa kanyang kwarto. Tinanggal ni Patricia yung bandana ko sa noo para makahiga ako ng maayos. Nang sumunod nyang tanggalin ang mask ko ay agad syang napaluha dahil sa nakita nya.

Mama: Anak, anong problema bat ka umiiyak?

Patricia: (paiyak na napapaluha) Ma, eh kaklase ko po ito eh.

Mama: Paanong nangyari yon.

Patricia: Ma, andami kong kasalanan sa kanya. Marami na akong nasabi sa kanya na masasakit na salita.

Mama: Sino ba talaga sya?

Patricia: Ma, sya nga pala si James na nagpanggap bilang Kuya Ken. Si James yung kinukwentuhan ko sa iyo na may duwag kaming kaklase dahil lagi syang binubugbog kaya sa tuwing nakikita ko sya ay sinasabihan ko sya ng duwag pero bat ganun bat sya pa?

Mama: Alam mo anak may mga bagay talagang di naman kailangang ilabas ang kakayahan. Siguro kaya sya di lumalaban dahil diba sabi mo nasa loob kayo ng campus? Syempre di talaga lalaban yon kasi alam nya may rules at policy dun sa loob ng campus.

Patricia: Pero Ma? Andami kong kasalanan sa kanya paano ko naman makakabawi sa pagkakamali ko lalo na na sinasabihan ko pa ng duwag sa harap pa ng mga kaklase ko. Nagsisisi talaga ako sa mga ginawa ko.

Mama: Tutal crush mo naman sya bat di mo gawin bukas bumawi ka, mag sorry ka sa lahat ng kasalanan mo pero tandaan mo na ito ang kasabihang "Don't judge the book by its cover" lagi mo yan tatandaan.

Patricia: Opo Ma salamat po sa payo mo hayaan nyo po at gagawin ko mga payo mo sa akin.

Mama: O sige magpahinga na kayo at alagaan mo sya ha?

Patricia: Opo Ma, tulog na kami.

Agad umalis ang Mama ni Patricia at kaming dalawa nalang sa iisang kwarto (pakiramdam ko kinikilig na ako sana wag mahalata yung blush ko)

Pinagtagpo at Muling TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon