Sunday araw ng pagpapahinga ko at syempre ako ang nagluluto sa tanghali at si Renzer ay nanonood ng tv. Habang nagluluto ay biglang may kumatok.
Patricia: Tao po!
James: Renz pakibuksan naman yung pinto.
Renzer: Nandyan na. (Binuksan yung pinto). Oh ikaw pala Patricia pano mo nalaman yung bahay namin?
Patricia: Nagtanong tanong lang ako sa mga kapitbahay nyo. Si James nga pala andyan?
Renzer: Oo andun sa kusina nagluluto.
Patricia: Nagluluto? Diba sabi ko sayo na aalagaan mo si James at may sugat sya.
Renzer: Eh yun nga ginawa ko eh sabi nya ok lang daw yon medyo di naman daw masakit kaya sya na nagluto tsaka baka di nya magustuhan luto ko pag ako nagluto.
Patricia: Eh bat si James ang nagluluto?
James: May hatian kami kasi dito. Ako yung nagluluto at naghuhugas ng pinggan samantala naman ay sya ang nagbabayad ng renta ng bahay, naglilinis ng bahay at naglalaba.
Patricia: James ikaw pala yan. Kamusta na sugat mo?
James: Ok lang ako maayos na sugat ko.
Patricia: Sya nga pala Renzer, pede mo ba kaming iwan ni James may bagay lang naman kaming pag uusapan.
Renzer: Ah James nasa ibaba lang ako ha kung kailangan mo ako. Alam mo naman eh lagi akong nakatambay pag walang ginagawa.
Agad syang umalis. Kami nalang dalawa ni Patricia sa may salas namin.
James: Bakit ka nga pala napadaan dito?
Patricia: Pumunta kasi ako para kamustahin ka tsaka tungkol sa sugat mo kung okay na yan.
James:Yun lang para lang makapunta dito?
Patricia: May atraso ka pa sa akin.
James: Wala akong kasalanan sa iyo.
Patricia: Kasalanan wala pero atraso meron. Kahapon yung sinasabi mong goodnight kiss.
James: Oh eh napakiramdam ko lang naman yon eh tsaka diba wala akong malay nun?
Patricia: Oh eto ang tanong ko sa iyo. May narinig ka ba sa mga sinabi ko nung bago ako mag goodnight kiss?
James: Wala.
Patricia: Yung totoo.
James: Wala nga.
Patricia:(dinali yung sugat nya) Yung totoo may narinig ka ba nung araw na iyon?
James: Ow..Ow..Ow masakit sinabi ko naman na wala eh paki explain naman sa akin yung mga sinabi mo nung araw na iyon (palusot na sinabi habang nasa kamay nya yung sugat ko)
Patricia: Di mo nga alam. O sige aalis na ako.
James: Sasamahan na kita sa may labasan.
Sa labasan
James: Oh paano Patricia paalam.
Patricia: (hinalikan sa mukha ni James) Bye.
James: (kinilig)(nakatanggap uli ng goodbye kiss).
Di ko nalang namalayan na nasa tapat si Renzer kaya alam kong nakita ni Renzer yung paghalik sa akin ni Patricia sa pisngi.
Renzer: Sana all!
James: Nakita mo talaga yun?
Renzer: Oo as in sa harap ko pa eh nasa tapat nyo lang ako eh dun lang nakatambay.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo at Muling Tinadhana
RandomThis is my first story at sana magustuhan nyo po itong istorya na ito. I hope na maging interesado kayo sa storya na ito. Sorry nalang po if ever na makakita kayo ng typos or maling grammar at kung maari po sana na i follow ako if ever na interesado...