At biglang nagsimula na ang klase. Dahil malapit na kaming makapagtapos ng pag aaral ay kailangan namin dumaan sa thesis para maka graduate kaya maari kami pumili ng member pero dapat saktong 5 members kada isang grupo. Kaya si Patricia na ang naging leader namin at napili kaming tatlo nina Renzer, ako at Anne. Pero kulang kami ng isa kaya may lumapit sa amin na kung pede syang sumali sa grupo ( si Mary lang pala ito at siguro kaya gusto nyang sumali sa grupo namin dahil sa katalinuhan na rin ni Patricia at Anne ) kaya pumayag naman si Patricia dahil sa kulang kami ng isa. Nang matapos ang klase ay agad kaming nag isip na pwedeng title sa aming pagsasaliksik kaya pinangunahan naman ito ni Patricia kaya agad kaming sumang ayon at dahil wala kaming pasok ng isang linggo dahil may rework sa campus kaya nag plano si Renzer na gumawa nalang ng thesis sa isang tahimik na lugar na tayo lang lima sa iisang lugar.
Ang tinutukoy nya ay ang Beach House na binili pa ng magulang ni Renzer para lang sa kanyang kaarawan (ganyan pag mayaman pati bahay at lupa yun ang nireregalo sa mga mayayaman). Anyway pumayag naman kami at ang kitaan namin ay sa may labas ng campus. At dumating na ang araw na walang pasok kaya naghada agad si Renzer para sunduin yung 3 naming kasama na sina Patricia, Anne at Mary. Naka ready na si Renzer at kumpleto na lahat ng kinakailangan nya kaya agad kaming umalis at sunduin. Nang nakasakay na kami ay dumeretso na kami papunta sa beach house pero bago kami pumunta dun ay nagpa drive tru agad sa Mcdonald's at sya pa talaga ang nanlibre. After nun ay dumeretso kami papuntang beach house. Habang malayo layo pa kami ay gumagawa naman si Patricia habang kami ay nagkukwentuhan at higit sa lahat nakikita ko sina Mary at Anne na hindi sila nagkakasundo sa iisang bagay at lagi nalang sila nag aaway. Pag ako umaawat di naman sila nakikinig pero pagdating kay Renzer todo tahimik.
At last nakarating din kami sa beach house. Pagdating namin dun ang laki ng bahay at may dalawang kwarto kaya magkasama ang mga lalaki at yung isang kwarto naman ay sa mga babae. Pakatapos namin mag ayos ng mga gamit namin ay agad nalang nag plano ng mga babae na magpakasaya muna bago stressed sa paggawa ng thesis kaya agad kami nag sando at short kami ni Renz habang nagbibihis pa sila sa mga banyo kaya naghintay nalang kami malapit sa pool. Unang lumabas si Mary syempre Muse yon kaya nakaka akit tigna (LoL) kaya tulalang tulala kami sa nakita namin. Sumunod namang lumabas si Anne ang secretary syempre para sa akin wala lang yon pero pagdating kay Renzer ay napa Wow sya kay Anne hanggang sa sinundan na nga nya si Anne kaya sinundan nya. Sa sobra nyang kakatitig kay Anne ay ayun (nahulog sa pool) pero niligtas naman agad nito ni Mary (nice lifeguard). At ang huli ay lumabas na si Ms. President este si Patricia. Grabe kita yung kinis ng legs (Wow HAHAHA di ako manyakis noh natulala lang HAHAHA). At nung titingin na sya sa akin ay agad ko syang di pinansin.
Patricia: Oh ano tara na?
James:(natulala) Ang ganda mo pag ganyan suot mo.
Patricia: Salamat. Tara na swimming na tayo.
James: Tara na.
Nagkasiyahan na kami ng buong maghapon. Ang saya namin ni Patricia samantala ay sina Renzer, Anne at Mary ay nakikipaglaro sa isa't isa.
Patricia: Oh kayo dyan? Tama na yan at pagabi na at may thesis pa tayong gagawin.
Renzer: Nandyan na.
Nang nakaupo na sila sa may mga upuan at agad kaming kumain.
Anne: Uy ang sarap naman. Sino nagluto nito?
Patricia: Kaming dalawa ni James.
Mary: Siguro nilagyan nyo toh ng pagmamahal kaya ang sarap.
James: Maybe??
Renzer: Pero mas masarap pa rin magluto ni James.
Patricia: Eh syempre di ka naman marunong magluto eh
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo at Muling Tinadhana
De TodoThis is my first story at sana magustuhan nyo po itong istorya na ito. I hope na maging interesado kayo sa storya na ito. Sorry nalang po if ever na makakita kayo ng typos or maling grammar at kung maari po sana na i follow ako if ever na interesado...