Nang maayos na ang kalagayan ko ay pinauwi nalang nila ako. Lagi ko nalang ginagawa at tinatanggap yung mga bugbog at sakit dahil sa mga bully na iyon. Lagi din ako ipinagtatanggol ni Renzer sa mga nambubully sa akin at higit sa lahat lagi nalang ako sinasabihan ni Patricia ng duwag kapag nakikita nya akong binubugbog sa harap nya. 4 na linggo na tinanggap ang mga suntok, tulak at tadyak. Hanggang may nangyari nung gabi na iyon. Nagpasya ako na lumabas saglit nung gabi na iyon at naiwan si Renzer sa bahay para magbantay. Habang naglalakad ako lagi ko pa rin naiisip tungkol sa pagbubugbog sa akin at yung sinasabihan nila akong duwag. Nung mga oras na iyon may naririnig akong malakas na boses. Sumilip ako bandang kanto at nakita kong inaaway yung matanda. Alam ko sa sarili ko yung pakiramdam na iyon kaya agad ko syang tinulungan kahit ikabugbog ko pa. Nung nakaalis na yung umaaway sa kanya ay nagpasalamat sya sa akin dahil gusto nila akong pagnakawan ng pera kahit wala syang dalang pera. Naawa ako sa kanya kaya naghanap ako ng karinderya sa labas. Ako na rin ang nagbayad dahil alam kong nagugutom na ang matanda. Umupo na kami at nagsimulang kumain. Natapos na naming kumain at nag usap.
Matanda: Maraming salamat uli sa pagligtas mo sa akin at sa pagkain na ito. Matagal na kasi na hindi kumakain dahil sa walang dalang pera.
James: James nalang po itawag nyo sa akin lolo at tsaka walang anuman po iyon dahil naawa po kasi ako sa iyo at dahil alam ko rin yung mga pakiramdam na ginagawa sa iyo kaya hindi nalang ako nag dalawang isip na tulungan ka.
Matanda: Alam mo ikaw lang yung taong mabait at may ginintuang puso kahit nakikita kong hindi ka marunong makipaglaban.
James: Paano nyo po nalaman na hindi po akong marunong makipaglaban??
Matanda: Alam mo kasi na napapadaan din kasi ako sa lugar na pinapasukan mo at lagi kang nabubugbog at alam kong may mabuti kang puso kahit hindi mo kayang ipaglaban yung sarili mo.
James: Tama po kayo lolo hindi nga po ako marunong makipaglaban kaya sinasabihan nalang nila akong duwag.
Matanda: Kaya may ibibigay ako sayo na para lang talaga sayo kaso nga lang di ka maniwala sa mga sasabihin ko.
James: Naku wag na po. Ok lang po sa akin na makatulong kasya sa makatanggap ng anumang halaga.
Matanda: Tanggapin mo nalang at isipin na bigay ko yan para sa iyo.
James: Ano po ba iyon?
Matanda: Bibigyan kita ng kapangyarihan na kayang pagalawin ang mga bagay bagay (pabulong na sinabi)
James: Pagpapagalaw ng isang bagay? Diba ang tawag dun ay telekenetik power?
Matanda: Mismo. At gusto kong ibigay sayo at dapat gagamitin mo lang ito kapag kinakailangan at hindi mo pede ipaalam na may ganto kang kapangyarihan maliban nalang kung may pinagkakatiwalaan. Ilabas mo ang isang kamay mo para maibigay ko ang kapangyarihan para lamang sa iyo.
Inilabas ko ang kaliwang kamay ko. Nang mailabas ko na ito nilagay ni lolo sa ilalim ng kamay ko ang kaliwang kamay samantala nakapatong naman ang kanang kamay sa aking kamay at sinabayan ang kanyang mga katagang salita. Matapos mangyari iyon ay bigla nalang sya nagsabi...
James: Parang normal lang po yung katawan ko at wala namang pinagbago.
Matanda: Magsisimulang kumalat ang kapangyarihan mo ngayon at bukas naman ay magagamit mo nang tama kahit paggising mo ay subukan mong pagalawin yung mga bagay na nasa paligid mo. At paalala nga pala na nag aadopt ito sa iyo kahit hindi mo ginagamit ang kapangyarihan mo at para hindi talaga mahalata ang kapangyarihan mo wag na wag sumobra ng galit sa taong ayaw mo na talaga sa kanya dahil kung hindi ay magwawala ang kapangyarihan ng telekenetik powers mo baka masaktan mo lahat ng nakikita mo.
James: Edi para palang supernatural na po pala ako. Kasi sabi nyo po na maaring mag adopt kahit di nagagamit.
Matanda: Kaya ingatan mo yan at kung maari sana ay mag aral ka maging isang magician para humasa ang paggamit ng kapangyarihan na iyan.
James: Maraming salamat po sa ibigay nyo po sa akin at gagamitin ko po ng tama ang aking kapangyarihan.
Matanda: Sige gawin mo kung ano ang nararapat. At sya nga pala yung coin purse mo ata nahulog kanina nakalimutan kong sabihin eh
James: (kinapkap sa pantalon) Oo nga wala nga dito.
Nang makita ko sa ibaba at makuha ang coin purse ko ay kakausapin ko pa sana si lolo nang biglang nawala ang matanda kaya umuwi na agad ako sa apartment ko.
Renzer: Oh James andyan ka na pala bat antagal mo namang umuwi tara na tulog na tayo maaga pa pasok natin.
James: Oo sunod na ako dyan.
Pagkagising ng umaga ay maaga pa kaya natutulog pa si Renzer sa kanyang hinihigaan kaya agad ko syang ginising (para di ako harangan at ma bugbog nanaman ako).
James: Oy gising na malalate na tayo.
Renzer: Susunod na ako.
James: O sige mauuna na ako sa banyo matagal ka naman dyan eh.
Renzer: Sige sige
Agad naman ako dumiretso sa banyo. Tumingin ako sa salamin para makita ko yung mga pasa ko sa mukha. Nang makita ko ito ay bigla nalang ako nanibago na para bang nawala lahat ng mga sugat at pasa. Kaya agad ko sinubukan yung telekenetik power para alamin kung totoo ang sinabi ni lolo. Kaya sinubukan kong tignan at isipin na palutangin ang toothbrush at toothpaste kaya ito ay lumutang at kinuha agad para makapag sipilyo na. Nang makita ko mga iyon ay namangha talaga ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kapangyarihan. At siguro tama rin ang sinabi ni lolo na nag aadopt ito kahit di ginagamit ang kapangyarihan ko.
Renzer: Tol tapos ka na ba dyan??
James: (nabigla) Oo pre kakatapos ko lang
At umalis na ako sa banyo para maligo na si Renzer. After nyang maligo ay sabay kaming kumain at umalis. Pagpasok namin sa campus hinarangan nanaman ako ng mga bully sa harap ng classroom at sinimulan na bugbugin ako syempre nasaktan pa rin ako at syempre di ko magagamit yung kapangyarihan ko dahil nangako akong gagamitin ko lang to sa mabuti at lalo talaga na hindi ko magagamit dahil andaming nanonood sa pagbubugbog sa akin. Matapos ng pagbugbog sa akin syempre sasabihan nanaman ako ni Patricia na duwag at syempre masakit para sa akin yon kahit tinitiis ko lahat ng sakit at tumatagos talaga sa puso ko yung salitang "duwag". Tumunog na ang bell kaya magkaklase na at papasok na yung teacher namin at syempre puro pasa nanaman ako.
Renzer: Tol may extrang ballpen ka ba dyan??
James: Check ko lang sa bulsa.
Sinubukan kong i try kung may adopt na bago uli kaya pinasok ko yung mga bulsa ko kung may ballpen (kahit cellphone lang at wallet na nasa bulsa ko). Pag suksok ko sa bulsa may nakuha akong ballpen at bagong bago pa (siguro bagong adopt uli ito gamit ang isip ko) kaya agad ko itong binigay kay Renzer yung extrang ballpen (kahit wala naman talaga) at nagpasalamat sya sa akin. Uwian nanaman at sabay kaming umuwi. Pagdating sa kwarto ay agad akong tumingin sa salamin at nawala ulit ang aking mga bugbog at pasa. Nung pababa na ako sa mismong apartment ay parang nagtaka agad si Renzer kaya agad ko syang tinanong..
James: May problema ba??
Renzer: Diba bugbog sarado ka kaninang umaga? Paano nawala mga pasa mo sa mukha??
James: Ah nilagyan ko lang ng kaunting pulbos sa mukha para di masyadong halata paglalabas ng apartment.
Renzer: Ah kala ko nagpagamot ka kaya nawala agad yung mga pasa mo.
James: Wala pa akong pera pampagamot sa mukha.
Renzer: Basta if you need me andito lang ako pahihiramin kita agad ng pera.
James: Tol ok na sa akin toh tsaka ok na rin sa akin na ikaw yung nagbabayad ng renta eh HAHAHA.
Renzer: Pero masmasarap ka pa rin magluto.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo at Muling Tinadhana
LosoweThis is my first story at sana magustuhan nyo po itong istorya na ito. I hope na maging interesado kayo sa storya na ito. Sorry nalang po if ever na makakita kayo ng typos or maling grammar at kung maari po sana na i follow ako if ever na interesado...