Chapter 6

1 0 0
                                    

Uwian nanaman at syempre naglakad nalang kami pauwi at habang naglalakad kami ay may pinagusapan kami.

James: Renz? Sa tingin mo ba titigilan na ba ako ni Patricia na sabihin akong duwag?

Renzer: Hindi natin alam pero para sa akin mabait naman yon pero di ko lang alam kung bakit pagdating sa iyo ay galit na galit at inis na inis sa iyo.

James: Siguro ay dahil sa nakita nya after many days later na nakikita akong nabubugbog kaya sya nagkaganun sa akin.

Maya maya habang naguusap kami ay nakita namin sina Patricia at Anne na naglalakad pauwi nang biglang may huminto sa tapat nila. Agad kinuha si Patricia at umalis ng mabilis. Nakita nalang namin ni Renzer na umiiyak si Anne.

James: Renzer puntahan natin bebe mo.

Renzer: Sige sige

Biglang lumapit sa amin si Anne para humingi ng tulong sa amin. Hindi ko nalang inaasahan na nakayakap uli habang umiiyak kay Renzer (para silang magnet eh pag may problema ata sya dumidikit nalang agad kay Renzer eh HAHAHA).

Anne: Renzer, James, tulungan nyo naman hanapin si Patricia. Kinuha kasi sya ni Joshua at ang kanyang mga kaibigan nya eh (habang nakayakap kay Renzer)

Renzer: Oo tutulong kami ni James sa paghahanap kay Patricia.

James: Yung bully na iyon di na nakuntento.

Renzer at Anne: Di nakuntento??

James: Eh kasi habang tulog ako ay parang nanliligaw si Joshua kay Patricia kahapon pero tinanggihan naman ni Patricia kaya baka yan ang naging plano nila para makuha ang loob ni Patricia (bwiset uunahan pa ako ng loko na yun ah).

Renzer: Kaya naman pala eh ang talas talaga ng tenga mo eh.

James: Syempre kahit natutulog ako naririnig ko pa rin yung mga nangyayari pag gabi.

Renzer: Edi alam mo rin kagabi na..

James: Oo alam kong madalas kang humilik pag natutulog.

(Sabay tawa namin ni Anne)

Renzer: Very funny HA HA.

James: Eto plano maghiway hiwalay tayo mas maraming station ng pulis sa paghingi ng tulong, mas mapapadali yung paghahanap natin kay Patricia.

(Sumang-ayon agad ang dalawa)

Habang tumatakbo ng palayo ay nakita ko nalang na magkasa silang tumakbo sa iisang direksyon para lang humingi ng tulong sa mga pulis. Agad akong bumalik sa apartment nang gabing iyon ng marinig ko nalang yung boses ni Patricia na humihingi ng tulong. Agad akong pumunta dun at nakarating din ako kung saan ko ito narinig at ang lugar na iyon ay sa may abandonadong lugar. Kaya agad akong pumasok sa loob para iligtas si Patricia. Agad ko rin napatulog yung dalawang kasama ni Joshua na si Karl at Cris. Agad akong umakyat at pag silip ko ay nakatutok kay Patricia ang baril na hawak ni Joshua.

Joshua: Please sagutin mo na ako (pagmamakaawa nya)

Patricia: Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayoko nga sa iyo at lalo na nung kinidnap mo pa ako mas lalong ayoko na sa iyo.

Joshua: Ayaw mo ba talaga? Papatayin nalang kita.

Patricia: Kuya ken tulungan mo ako (paiyak na sinabi).

Joshua: Di ka maririnig nyan dahil akin ka na ngayon at magpakailanman. Sa oras na magkita kami nun ay mamamatay agad sya.

James:(sumigaw) Wews imposible naman yun HAHAHA

Joshua: Sino ka? Magpakita ka?

Patricia: Kuya ken iligtas mo ako.

Agad akong nagpakita sa kanya at nagpakilala.

James: Ako nga pala si Kuya Ken na nagsasabing pakawalan mo sya at harapin mo ako ng 1 on 1.

Joshua: Sinabi mo eh.

Agad nyang ipinutok yung baril sa akin kaya agd akong nakailag. With my adopt of magic and skill of speed kaya ko na syang tapatan kaya nag magic nalang ako ng shuriken at binato kay Joshua na agad nyang ikinagulat pero nakaiwas naman ito. Habang kami ay naglalaban ay mabilis namang tumakbo si Patricia papunta sa akin at bigla talaga nya akong niyakap sa sobra nyang takot at iyak ( yiee kakilig HAHAHA ). Habang nakikipaglaban kami ay agad syang lumabas sa kanyang lungga para ipagpatuloy ang aming laban dahilan bilang sa kanyang pagiging matapang. Babarilin na nya ako subalit napigulan ko naman syang gawin iyon kaya nahulog ang baril nya kaya nagsuntukan nalang kami at syempre napuruhan sya ng sobra (dala ng galit sa pambubully sa akin kaya bugbog sarado sa akin ito) at patuloy laming nagsuntukan hanggang sa bumagsak sya ng duguan at nakatulog. Nang matapos yon ay agad na nagpasalamat sa akin si Patricia. Nang palapit na ako sa kanya..

Patricia: Kuya ken si Joshua nakakatayo pa.

Agad akong lumingon sa kanya at nakita kong hawak nya ang baril nya na para bang di nya sinusuko yung sarili nya para lang makuha talaga yung loob ni Patricia.

Joshua: Ikaw umalis ka kung hindi babarilin ko si Patricia.

Agad ko tinaas yung mga kamay ko dahil nakatutok ang baril nya sa akin. Pinalapit nya ito sa akin tsaka nya ako sinipa ang aking mukha.

Joshua: Ikaw nga talaga si Kuya Ken ang usap usapan sa classroom namin pero eto nakahiga ka kung saan tinatadyakan lamang kita HAHAHA. Kuya ken panoodin mo to si Patricia kung paano ko papatayin sya.

Agad nyang itinutok ang kanyang baril kay Patricia at kanyang sabay na pagputok sa kanya pero habang nangyari iyon ay mabilis pa sa hangin ang takbo ko at nasalo ang balang natanggap ko na dapat kay Patricia nya matatanggap yon. Agad na nagulat si Patricia dahil nakita nya akong duguan at naiyak agad sya dahil sinakripisyo ko ang aking buhay para lang makaligtas sya. Hinang hina na ako nun pero sinubukan ko pa rin na makatayo at yun ang ikinagulat ni Joshua na kahit dalawang bala ang natanggap ko ay kaya ko pa ring makatayo at sa sobrang galit ko naglabas nalang bigla sa kamay ko ang dalawang shuriken sa mga kamay ko at agad na binato kay Joshua at tinamaan sa kanyang braso, balikat at bewang dahilan para mabitawan ang kanyang baril. Agad akong humarap kay Patricia at nakikita kong umiiyak pero agad na rin akong bumagsak dahil naubos na lakas ko para lang matalo si Joshua. Agad din akong napahiga ng bigla at nasalo naman ako ni Patricia at agad nya akong kinausap.

Patricia: (umiiyak) Wag kang mamamatay Kuya ken gusto pa kitang makausap tungkol sa iyo at gusto ko ulit na pasalamatan ka dahil sinakripisyo mo ang buhay mo para lang sa akin.

James: Ok ka lang ba nasaktan ka ba.... Aray ansakit ng likod ko..

Patricia: Dadalhin na kita sa ospital para matanggal na mga bala mo sa likod.

James: Wag ayokong may makakilala sa akin.

Patricia: (nakahawak sa kamay ko) Pero papaano ka ikamamatay mo yan pag di ka nagpagaling?

James:................

Patricia: Please sumagot ka wag mo akong iwan.

Tutal hawal naman nya kamay ko ay agad nalang kami naglaho papunta sa kanyang bahay ni Patricia na ikinagulat nya at mga pamilya nya sa loob.

Mama at Ate: Ano nangyari sayo?

Mama: Nag aalala na kami sa iyo mag uumaga na?

Ate: Sino sya? Bat sya duguan?

Patricia: Mamaya ko na sasabihin ang importante ay mailigtas natin ang buhay ni kuya ken.

Mama at Ate: Sya si kuya ken?

Ate: Ang nagligtas sa iyo?

Patricia: Oo ate kaya please tulungan natin sya.

Agad akong nawalan ngmalay pagkatapos na mangyari iyon (pero nakakarinig pa rin ako kahit walamgmalay).

Pinagtagpo at Muling TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon