Chapter 11

1 0 0
                                    

Nang matapos na ang Valentine's ay nalalapit na ang campus prom namin so ayun nung makita ni Renz sa bulletin board ay nagpa reserve na ng damit para sa amin tsaka nag reserve na rin para sa pang porma. Then the other days ay dumating na ang araw ng campus ball at syempre alam naman natin lahat ay maraming na eexcite sa darating na prom. Nang araw palang nin (at syempre hindi gabi HAHAHA) ay nag aayos kami at nag practice din kami kung kami man ay mag yaya ng babae para maisayaw at syempre nag aayos din kami ng buhok (para porma) at syempre same yung suot naming pang itaas na tuxedo (pang mayaman eh pero si Renzer na pumili). At dumating na ang gabi. Nag kotse nalang kami para mabilis kaysa naman na maglakad at nakakahiya (baka pag agawan pa kami ng mga babae eh HAHAHA joke). Nasa loob na kami ng campus at syempre nakita na namin yung mga partner namin.

James: Ang ganda naman ng dress mo Patricia.

Patricia: Oh kayo pala yan Renz. Salamat James.

Anne: Bat parang same kayo ng suot?

James: Si Renzer ang pumili nyan sabi nya dapat parehas ang suot para magandang tignan kung tayo mapipili sa king of the night or king of the campus night kay prepared kami.

Renzer: Ang gaganda ng gown nyo pero mas maganda si Anne.

Anne: (blush) Hmmp.. gusto mo atang masampal sa mukha eh.

Renzer: Ay wag nalang pala si Patricia na pala maganda at ikaw na talaga pinaka cute sa lahat ng babae sa campus natin (saby ngiti).

Anne: (blush) sira ka talaga kahit kailan.

James: Patricia promise ang ganda mo talaga kaya bagay talaga sayong tawagin na binibini ng gabi.

Patricia: (blush) Kinuha mo ata yung salitang binibini kay Kuya ken eh.

Renzer: Guys upo na tayo baka mawalan pa tayo ng upuan eh.

Anne: Tara na guys.

Pumwesto na kami sa may gilid. Nag umpisa na ang prom sa opening remarks, messeges then may mga kumakanta rin sa may stage. After nun ay dinner time dun kami kumain siguro maganda napili ng school na mag cacatering sa amin para sa prom. Pagkatapos ng dinner ay sayawan na at syempre partner partner muna bago yung talagang party. Syempre agad niyaya ni Renzer si Anne para sumayaw kaya di na agad ito tinanggihan at sumayaw ng mabagal. At ako naman niyaya ko naman si Patricia para sumayaw sa gitna at syempre pang love song ang mga kanta. Sumasayaw na kami sa gitna at nagkatitigan na kami dahil ito na ang pangalawang beses na nakasayaw ko sya sa prom.

James: Alam mo ngayon lang ulit ako nakasayaw ng babae since elementary lang ang una at huling kasayaw ko nun.

Patricia: Bakit naman? Hindi ka ba nakasayaw nung highschool ka palang?

James: Hindi na eh yung elementary crush talaga ang last na kasayaw ko kasi pagtungtong ko ng highschool tas meron pang pa prom tulad nito naiisip ko nalang yung crush ko kaya hindi ko nalang nayaya kaya hindi na nagiging masaya ang mga gabi na iyon.

Patricia: Eh bat mo ako niyaya ng sayaw ngayon?

James: Ah eh lakas ng loob??

Patricia: Sa bagay kasi ako dati kung sino sino na nakakasayaw ko eh at nakakapagod na rin pag may lalaking nakakasayaw. Ah James tara picture tayo para may remebrance ka.

James: O sige (para magkaalaman na yung pinagkaiba ng noon at ngayon).

Patricia:(nagpapic)

James: Patingin.

Patricia:(di pinakita) patingin muna.

James: Ang alin?

Patricia: Yung pinakita mong pic sa Papa at Mama ko.

Pinagtagpo at Muling TinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon