Chapter 11

130 4 1
                                        

Ilang linggo na rin ang nakalipas na mas lalo naging abala ang lahat sa paghahanda sa nalalapit na petsa ng kasal. Habang umiiksi ang araw mas lalong nangangamba si Veronica dahil rito. She really wanted so badly to stop the wedding pero tila may humihila sa kanyang tigilan ang kahibangan sa sarili. Dahil sa konsensya sa masamang balak, minabuti na lang niyang isipin ang kasiyahan ng kanyang kaibigan kaysa sa sarili.

"I'm glad you're here hija helping Lance and Andrea with their wedding kahit na marami ka naiwang trabaho sa kompanya. " saad ng Ina ni Lance kasabay hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa. Napatingin naman si Veronica roon at tipid ningitian ito.

Lance's mother is really supportive with their friendship ever since she can remember. Inakala nga nito dati nililigawan siya ng binata dahil kailan man hindi nagkaroon ng babaeng kaibigan ang anak. Kahit na hindi nangyari iyon kahit gustuhin niya man naging magkasundo ang dalawa. She really loves Veronica whenever she's around kagustuhan magkaroon ng babaeng anak kaso hindi matupad ang kahilingan dahil sa kundisyon. Kaya laking tuwa nito ng dumating si Veronica sa kanila na itinuturing na rin nilang parang anak.

"Anything for him, anything to make him happy Tita." Ngiting tumango ito sa kanya.

Pagkatapos ang masayang pagkikita ng dalawa dumiretso ito sa jewelry shop pagmamayari ng matalik nitong kaibigan na si Kimberlee. Pagpasok nito sumalubong ang ilang mga staff sa kanya kasabay binata at ningitian ito.

"Hello Ma'am, do you have something in mind to the jewelry you liked? I can help you with it." Magalang na offer ng isang staff sa kanya. Ngiting umiling naman si Veronica.

"I'm here to meet Ms. Alonzo," anya niya. Bigla naman nagulat ang kanyang kausap.

"You must be Ms. Sanchez?" Tanong nito. Tumango naman si Veronica sa kanya. Hinatid siya kaagad sa opisina ng kaibigan at nagpasalamat rito. Bago ito pumasok kumatok muna ito sa pintuan nang marinig ang boses ng kaibigan saka lamang ito pumasok sa loob.

Bumungad sa kanyang harapan ang kaibigan nitong nakaupo habang may hawak ito isang magnifying glass at maingat sinusuri ang mga alahas sa kanyang harapan, hindi man binigyang pansin ang tao sa harapan nito.

Pekeng umubo si Veronica baka sakaling lumingon ang kaibigan abala sa ginagawa.

"Put it on the side Nora, I'll just sign the papers later." Hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga hawak nitong alahas. Shock written all over the face of Veronica. Ganito na lang ba ka busy ang kaibigan na hindi man lang kayang lumilingon sa kausap?

"Napakabusy naman ni boss Kimberlee," she said just to get the attention of her friend. Gulat naman itong lumingon sa kanya.

"My gash you're here na pala, I thought mamaya ka pang alas kwatro." Mabilis naman ito lumapit sa kanyang at nakipag beso.

"Really Kim pati ba naman oras hindi mo na rin na mamalayan?" Anya nito. Napatingin naman ang kanyang kaibigan sa kanyang relo at napasapo sa kanyang noo.

"Baka nalipasan ka ng gutom hindi namalayan ang oras Kim. Even though you are busy you should never forget to take care of yourself." Pagalala nitong saad sa kaibigan.

"Hindi naman Ver, nagkataon lang na abala ako ngayon. Irerelease ko na kasi itong mga bagong disenyo sa susunod na buwan." Napatingin si Veronica sa lamesa kung saad nakapatong ang mga alahas pa balik sa kanya tila hindi ito interisado.

Sweet ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon