CHAPTER5: Be Positive! (2nd Step)

31 0 0
                                    

(Dapat palaging positibo! Dahil wala ng ibang maniniwala sa sarili mo kundi ikaw mismo!).


•Marwin's POV•

2days ago na Nung
pinost ko sa website ng mga admins.
At ngayon wala paring magandang
resulta. Ni isa wala man Lang naka-
mention na pangalan ng babae. Hayyyyyyyy! Nakakaasar. Mukhang Hindi Kame magkapareho ng school. Makapasok na nga't Mukhang malelate pa ako. Patay nanaman ako Kay Prof Duncil neto.

Takbo Maw. Takbo Lang! Sipag sipag Mong magpuyat ang tamad mo namang gumising ng maaga.

"Mawwwwwwwwww!".

Naku Po. Eto nanaman yung 2 mokong! Bat ko pa nakasalubong.

"Mamaya na mga pre late na ako e. May test pa naman Kame bukas. Kitakits nalang mamayang break".

Sabay karipas sa pagtakbo talagang late na ako e. Hala Bahala na. Kasalanan ko rin e.

Halos 4 na Oras akong nasa loob ng room pero deep inside di ko feel na nasa room nga talaga ako. Wala akong marinig na nagtuturo. Hindi ko marinig yung ingay ng mga kaklase ko. Tanging laman Lang ng Utak ko sa ngayon ay Kung paano ko siya makikita at makikilala.

*KRINGGGGG... KRINGGGG... KRINGGGG..:.*

"Tignan niyo si Maw, ang layo ng tingin".

"Maw. Maw. Maw. Mawwwwwwwwww!!".

"Ano? Kilala mo na ba siya?".

"Anong kilala? Sino? Maw ahh. Lutang na lutang ka mula kanina".

Ay fuck! Break na pala. Buti nalang. Ahahaha.".

"Wala wala. Naghahanda Lang ako para sa test bukas".

"Talagang maghanda ka. Mukhang mahihirapan tayong lahat".

Goodluck Maw. Baka Kung ano anong isagot mo bukas. Makakain na nga. Pupuntahan ko na rin sina Juan.

Nagmamasid ako habang naglalakad Baka kasi andito siya kase dito siya nag-aaral. Baka Lang naman at Sana magkatotooo.

"Mawieeeee! Dito! Upo ka dito".

Eto pala sina Juan. At kasama niya si Tine.

"Oh pre balita? Si Emman pala? Nasan?".

"Ayun busy kakabasketball".

"Ano palang sasabihin niyo kanina?".

"Ewan, si Emman yung may gustong sabihin e. Musta yung Cupid?".

"Eto umaasang may nakakakilala sakanya kahit isa man Lang".

"Tiwala Lang pre at may magandang resulta yan. Malay mo bukas makalawa kilala mo na siya".

"Sana nga e. Salamat talaga pre. Salamat at andyan Kayo parati".

"Ohh chill! Baka magkaiyakan tayo dito. Wala yun pre. Bakit di ka magbakasakali sa WGH? Try mo Baka andun ulit siya. Malay mo naka confine yung isa sa kamag-anak niya kaya siya malungkot. Try mo men".

"Pwede pre. Kaso may test Kame bukas. Pano niyan kelangan kase as soon as posible. Mamaya kase 8 pa yung labasan ko. Bahala na. Pupunta ako Mamaya tsaka bukas".

"Paano na yung test mo?".

"Si Batman na Ang Bahala diyan, magagawan namin ng paraan yan".

"Goodluck pre".

"Ge pre una na ako. May klase pa ako. Si Tine ingatan mo".

"Wa naman!".

Mag cut nalang kaya ako sa klase ko? Pupunta ako ngayon sa WGH.
Isusugal ko muna 'tong klase kong to.

Medyo malapit Lang naman yung WGH pero hingal na hingal na ako. Dahil narin siguro sa kaba. Kaba na Baka wala siya dun. Kaba na Baka andun nga siya pero may boyfriend na pala siya. Think positive Maw.

Hindi ko na namalayan yung Oras mula Nung nakarating na ako. Di ko naman magawang magreview Dahil sa iniisip kong Ito. Mag aalas tres na pero wala parin akong nasilayan na babae, babaeng hinahanap ko. Hanggang nag alas sais at wala parin. Pagtungtong ng alas otso, sa kasamaang palad. Wala parin. Makauwi na nga. Bukas nalang ako magbakasakali. O kaya naman may mag comment na ng pangalan sa pinapost kong status.

How To Find Your TRUE LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon