(Ang tunay na sukatan ng pagiging isang lalaki ay hindi sa pisikal na katangian o tapang na kaya niyang ibuga, kundi sa ISANG SALITA na kanyang binitawan at kailanman ay hinding hindi ipagpapapalit sa pride niya.)
*Shin's POV*
Aba?! May nagtext at unknown pa! Hmm.
FROM: 09352220395
Goodmorning Best! :) Pasok ng maaga ah? Walang malelate, nakakabawas pogi points yan! Ingat! Magbreakfast ka ah?! :)
05:50 Am 06/04/10
Pano niya nalaman number ko? Di ko naman binigay ah? Weird. Ahhhhh! Sa pagkakaalala ko hiniram niya yung phone ko bandang breaktime. Sira talaga tong Bestfriend ko :)
TO: 09352220395
GoodMorning din Best! :) Opo! Actually nagbibihis na ako e. Haha! Ingat ka din. Kita kits :) Kahit ikaw mag breakfast ka or i'll gonna break your neck :p hahahajk. Osya. :)
05:54 Am 06/04/10
Sana makatext ko din si Tam gaya ni best. Hayyy. Sana makita ko ulit siya at sana maging close na kame talaga nga namang nakakabighani ang isang kagaya niya.
*Cecile's POV*
Hayyyy ang love ko nagreply na! Gusto ko ng pumasok para makita ko na siya. Miss ko na talaga siya. Ako kaya? Namimiss niya ako? Siguro hindi, ang siguro naaalala niya lang ako pero di niya ako namimiss. Si Ate Tam ang namimiss at mamahalin niya. Makapasok na nga.
*AT SCHOOL*
Tagal naman ni Best! Sabing wag magpapalate e. Mapapagalitan kame nito.
"Besttttt!!"
"Huh? Sino yun?"
"Sino pa nga ba? Edi ako! Si Shin, ang pogi mong mong bestfriend!"
"Wow ah? Kapal! Self-proclaimed!"
"Oo na! Joke lang naman e, eto naman di mabiro."
Aba at nanapak pa? -_- hahahaha! May pagka budoy talaga tong bestfriend ko. Pero tama naman siya. Pogi nga niya e. Nakaka inlove.
*Shin's POV*
Eto talagang Bestfriend ko hindi mabiro. Alam ko namang panget ako. Pero syempre kailangan mong magtiwala sa sarili mo. Bukod kase sa nanay mo, tanging sarili mo nalang ang siyang maniniwala sayo. Gusto ko siyang tanungin kung kailan nya ako papakilala kay Tam, pero baka sabihin niya nagmamadali ako. Tsaka na! Kapag nakita ko nalang si Tam tsaka ko ipapaalala.
Magugustuhan kaya ako ni Tam? Sana. Di naman ako mukhang masama para di niya ako pagkatiwalaann. Basta gagawin ko ang lahat para maipakita ko sakanya na mahal ko siya at hinding hindi ko siya sasaktan.
*After 3hours*
Grabe ang math, nakakadugo ng utak at nakakapango ng ilong. Di ko kaya ang pressure. Buti pa tong katabi ko chill chill lang. Mukhang matalino pero mukha ding mayabang. Atleast may maibubuga. Hm. Mapuntahan nga si best.