(Bago ka magsalita, makinig ka muna. Dahil Hindi ka matututong magsalita Kung Hindi ka nakinig ng tama).
•Emman's POV•
Nasan kaya si Maw? May goodnews pa naman ako sakanya. Gusto ko kase sa personal ko sabihin gusto ko makita yung expression niya. Yung kasing nagkaka-crush saken kilala niya daw yung babaeng tinutukoy ni Maw. Syempre sinigurado ko muna. And guess what!? Same building Lang pala sila ni Maw! Sinilip ko Nung isang araw. Sabi ko Kay Juan magpapraktis ako with the team pero Ang Totoo nagpasama ako Kay Nika yung nagkaka-crush Saken, nagpasama ako sa room ni Keily Alcantara. Yan Ang name Nung hinahanap ni Maw. Ang liit niya pala. Dati kasing classmate ni Nika si Kei sa High school kaya yun. Buti nalang mabait Ang Diyos. Kaya nga hinahanap ko si Maw ngayon. Nasan na kaya yung mokong na yun? Mukhang late nanaman.
•Marwin's POV•
Hanggang ngayon ba naman wala paring nakakakilala sa kanya. Gusto ko ng sumuko pero ayaw kong di ko siya makilala. Pagkatapos ng test pupunta akong WGH. Magcacut ulit ako ng class. Ngayon Lang naman e. Pero late nanaman ako!!!!! Ulit ulit nalang.
"Bye ma! Pasok na Po ako".
Takbo Maw! Takbo Lang! Sipag Mong magpuyat Ang tamad Mong gumising ng maaga. Teka..... Parang pamilyar yang line na yan ah. Nagamit ko na Ata sa chapter 5.
Oo na eto na. Takbo!"Mawwwwwwwwww!".
Ano nanaman?! Parang chapter5 nga Lang oh!
"Ano? Late na ako oh! Kita nalang tayo bukas busy ako ngayong araw".
"Pero Maw may sasabihin ako! Importante! Yung babaeng hinahanap mo......".
Bago siya magsalita ay kumaripas na ako sa pagtakbo.
"Bukas nalang yan!! Late na ako!".
Late na nga gusto pa akong kausapin. Emman talaga o. Tsaka na men. Sensya talaga.
"Yes Mr. Tamayo! Late ka nanaman? Di na ako magugulat. Nakakasawa kang sermonan".
Salamat naman at umaabot ako. Bahala ka dyan Prof Basta ako late LANG di naman bagsak.
"Ok ok. Simulan na Ang test.
FAST FORWARD GUYS!
Ang hirap talaga ng test. Minor na minor feeling major. Oooops. Si Unknown girl pupuntahan ko pa.
Habang tumatakbo ako sa corridor, may napansin akong babae... Parang pamilyar. Bumwelo ako ng takbo. Nakakadalawang hakbang palang ako nang biglang may nakabanggaan nanaman akong babae. Talaga nga naman oh! Malapit ako sa bungguan kapag malapit na yung babaeng hinahanap ko. Pero atleast nalaman kong dito rin siya nag-aaral. Kakamadali ko para malapitan si unknown girl, Hindi ko na natulungan yung babaeng nakabungguan ko. Dalidali kong nilapitan si unknown girl.
"Missss!"
Nung hinawakan ko yung braso niya Dahil gustong gusto ko talagang makita Ang mukha niya. Napaharap siya saken.
"Yes? Bakit?".
Bat wala. Wala siyang nunal. Tsaka iba. Ibang iba yung itsura. Di niya kamukha. Hindi siya Hinding Hindi.
"Sorry miss akala ko kase kilala kita. Sorry.".
"Ow it's ok".
Nanghihinayang ako. Mali pala ako. Hindi pala siya yun. At mukhang Mali rin ako na dito siya nag-aaral. Nakakabigat sa kalooban.
Nakatingin ako sa sahig habang naglalakad sa corridor. Napapaisip Kung susuko na ba ako sa pag hahanap sa kanya. Gusto ko pang ituloy Ang kaso Walang pag-Asa para Mahanap ko siya. Nakakapang......
"Mawwwwwwww! May sasabihin ako".
May naririnig akong tumatawag Saken pero di ko magawang lumingon para sakanya. Pero kilala ko siya, si Emman. May sasabihin daw. Pero wala. Wala akong ganang makinig. Naiisip ko din yung nakabungguan ko kanina, ni di man Lang ako nakahingi ng sorry Nung nabunggo ko siya, di ko nga natulungan sa kakamadali. Panigurado galit yun.
"Mawwwwwww! Si unknown girl di na siya unknown! Kilala ko na siya!".
Ano daw??? Di na unknown si unknown girl? Ano? Napalingon ako. Mukhang nagtataka ngunit mas namumugaga sa mukha ko Ang pagkasabik.
"Ano Emman?! Paki-ulit? Inuunahan na kita ah! Badtrip ako, pass muna ako sa trip trip na yan".
"Kilala ko na yung hinahanap mo pre. Keily Alcantara. Dito siya nag-aaral. At Ang nakakagago dun, same building Lang Kayo men!".
Ano daw? Same campus and same building? Keily Alcantara?
"Tara men puntahan natin".
"Tara! Naks! Ngiti! Isara mo muna yang bibig mo, kita ko na yung Utak o".
"Oo na Mamaya kana mag joke".
Tadhana nga naman o. Mapaglaro pero mabait. Gusto ko na siyang makita.
"Saan ba dito Emman?".
"Chill ka Lang men..... Eto dito! Pero wala ng Tao".
"Ok na yan atleast alam ko yung room niya. Apat na room Lang pala Ang pagitan namin".
"Naks! 4. Forever".
"Sana pre! Hahahaha. Nga pala! Bat ngayon mo Lang sinabi? Sira ulo ka no?".
"Ikaw pala Ang sira e! Kanina pa dapat umaga! Ang kaso nagmamadali ka nga Diba?".
"Eh bat di mo ako pinilit? Bat di mo agad sinabi para huminto ako sa pagtakbo".
"Hayyy nako pre agad kang tumakbo Nung sasabihin ko na. Huwag kana magalit, Ang importante kilala mo na siya at alam mo na yung room niya Diba Diba?".
"Sabagay pre. Salamat talaga. Parang gusto ko ng pumasok bukas. Aagahan ko tas hanggang gabi ako dito. Di ko alam sched niya e".
"Goodluck pre! Wish you all the best!".
"Di pa Kame ikakasal men! Atat!".
Pagkatapos ng kalungkutan eto ako ngayon tumatawa at masaya salamat Po Amang nasa langit. Mahal na mahal Po kita.