(Ang tunay na kaligayahan ay makikita kapag kumawala ka sa hawla ng kalungkutan.)
*Shin's POV*
Puting dingding...... Puting damit..... Puting........ Teka! Nasa langit na ba ako? Lintik naman oh! Chapter 3 palang tayo namatay na ako? Oy author! Di to pwede! Di pwede yun!
"Oh tol, musta na? Musta na pakiramdam natin?
Ahhh! Napabuntong hininga ako dun! Nasa ospital lang pala ako. Thanks God.
"Medyo guminhawa na din kahit papaano, pero halos di ko maigalaw katawan ko."
"Ganyan talaga. Bat di ka pala lumaban? Kahit yung lider lang nila ang mabasagan mo ng mukha."
"Di pwede, nangako ako sa bestfriend ko na hindi ako makikipag-away sa mga yun."
"How sweet naman tsong! Bestfriend nga lang ba talaga? Hahaha!"
"Oo gunggung. Oo nga pala, ako pala si Shin Montemayor. Ikaw? Salamat pala sa pagtulong."
"Wala yun. Sayang nga at di ka namin naipagganti. Marwin, Marwin Tamayo. And nice to meet you."
"Namin? Oo nga pala! May kasakasama ka diba? Asan sila?"
"Ahhhhh! Si Juan Carlos at Emmanuel. Pumasok sila sa mga klase nila, sabi ko ako muna ang magbabantay sayo. Btw, may nagcall sayo kanina. Cecile? Oo Cecile nga. Hinahanap ka. Sabi ko nandito ka sa Williams Genera; Hospital. Siguro papunta na yun. Alalang alala siya.
"Ah si Best. Naku po, wala akong mukhang maihaharap sakanya. Baka magalit siya."
"Bakit naman? Di ka naman lumaban diba? Tsaka maiintindihan ka nun. Sa tingin ko nga may gusto sayo yun. Ayiehhh!"
"Di ako lumaban, gaya ng ipinangako ko sakanya. Gunggung! Di ako magugustuhan nun, bestfriend lang kame! Hastag capslock bestfriend! Sira ulo."
"Oh Chill! Hahahaha! Kutob ko lang naman e."
*TOKTOK*
"Tuloy po."
"Shin? Best?"
"Ooops! Speaking of..... andyan na siya. Ge maiwan ko muna kayo at gutom na gutom na ako."
"Ingat par."
*Cecile's POV*
Eto na papasok na ako. Sana naman ayos lang siya. Sana hindi malala ang nangyari sakanya. Sinabihan ko na kase na wag siyang lalaban sa mga yun. Ayan! Yan ang napala mo. Kawawa ka tuloy. Buti nga sayo.
*TOKTOK*
"Tuloy po."
Huh? Sino yun? Di pamilyar ang boses niya. Bahala na, siguro siya yung sumagot sa call ko kanina at siya din ang tumulong kay Best.
"Shin? Best?"
"Ooops! Speaking of..... andyan na siya. Ge maiwan ko muna kayo at gutom na gutom na ako."
Speaking of? Pinag-uusapan ba nila ako?
"Oh Best, dumating kana pala."
"Obvious ba?"
"Sungit! Galit ka?"
"Hindi"