How To Find Your TRUE LOVE?

223 4 4
                                    

CHAPTER 1: "My First Day"

(Pano haharapin ang panibagong bukas? Wag pansinin ang mga taong mapangutya at parating manalig sa itaas.)

*Shin's POV*

     Hi ako nga pala si Shin, Shin Montemayor. Galing akong Cebu city, kailangan naming lumipat ng Manila para dito makapag aral ng kolehiyo. Di kagwapuhang binata pero mabait, may pagkamakulit, mahilig magsulat ng mga tula, at may mataas at makinang na pangarap. Gusto kong makalathala ng libro patungkol sa pagpapakita sa reyalidad ng buhay at nais kong maging tanyag na rapper at maging kabilang sa mga Fliptop artist ng bansa. Syempre pinapangarap ko din maging matagumpay, magkaroon ng maraming pera at makapiling ang babaeng mamahalin ko at mamahalin ako hanggang sa aming pagtanda, yung tipong kahit "gurang" na kame eh nagpapalitan parin kame ng "I Love You". Sana makita at makilala ko na siya. :'>

     Oo nga pala, 1st day of school na bukas. Medyo kinakabahan ang lolo niyo. Bago bago lang kase ako dito sa Manila. Di ko alam kung ano at sino ang madadatnan ko dun. Basta! Bahala na. Sana magkaroon ako ng mababait at astig na mga kaibigan. .

     Maging sa pagligo, pagkain at paglalakad ay iniisip ko talaga ang magiging kahihinatnan ko sa campus. Halos 10 minuto na nga akong nakatayo sa tabi ng gate, tila akong isang daga na kumukuha ng keso ngunit may nagbabantang pusa sa may tabi. Talagang nakakakaba! Ganito pala ang pakiramdam kapag unang araw ng klase. Pero speaking of daga! Kanina pa naglilgalig ang mga daga ko sa dibdib -_- Eto na talaga papasok na ako.

     Ang dami pala talagang tao dito. May iba't ibang mukha, iba;t ibang galaw, may maarte, may bossy, may cool, may bully at may............. owwwwww!!!!! So cute! Ang ganda niya, para siyang koreana :') Tunay ngang kabighabighani! Sana makilala ko siya.

     Hinahanap ko ang room A-1. Kanina pa ako lakad ng lakad, buti nalang maaga akong pumasok kundi na-late na talaga ako. Ayun!!! Nakita ko na. Pero bat ganun, kinabahan nanaman ako. -_-

"Oh ano pang tinatayo-tayo mo diyan anak, pumarito kana't magpakilala sa buong klase." Wika ni Ma'am Sison nung nakita nya akong nakatayo sa may pintuan.

"Hmmm. I.. I'am Shin Montemayor. I'am 16 years old. I live at stall#69 Kunswelo building, barangay Tibay. Playing Dota, Basketball and Words is my hobby."

     Naku, makalaglag panga yun. Iba parin talaga kapag nasa harap ka ng mga taong di mo pa kilala. Pero mukha naman silang mababait :)

     Habang nagmumuni-muni, syempre di maiiwasan yun kase wala pa akong kakilala dito, likas kase akong mahiyain. May lumapit sakin na isang babae, maganda siya, simple pero mas maganda parin yung nakita kong mukhang koreana. Buti nalang friendly siya. Halos siya lang yung kakwentuhan ko hanggang dismissal. Siya nga pala si Cecile Reyes. Ang kwela-kwela ng babaeng ito! Sarap kausap dahil may sense of humor siya. Sarap niyang kasama para siyang lalaki. hahahaha!

     Naglalakad kame kase nga uwian na, nagkukwentuhan hanggang sa nalingat ako sa grupo ng babae at muli kong nasilayan ang koreanang crush ko. Tinititigan ko siya hanggang sa pinitik ni Cecile ang ilong ko.

"Shin, sinong kumuha ng atensiyon mo at titig na titig ka ata? Para kang tanga! Umaayos ka nga! hahaha!" Pang aasar ni Cecile.

"Di ko pa kilala e, ayun oh! Yung mukhang koreana. Ano kayang pangalan niya?"

"Ahhhhh! Si Ate Tam?"

"Ate? Kaano-ano mo siya?

"Pinsan ko siya, yung mama ko at papa niya ay magkapatid."

"Talaga? Pinsan mo? Pakilala mo ako! :)"

"Sige Best, papakilala kita. Wag ka lang magmadali."

"Best? Sige sige. :) (Sabay yakap)"

"Oo, simula ngayon yan ang tawag ko sayo."

"Hahahahaha! Sige Best, kita kits bukas. Ingat"

*Cecile's POV*

     Umuwi na siya, buti nalang nilapitan ko siya kanina kundi di ko siya makikilala, makakasama at matatawag na "Best" ngayon. Mukha pamo siyang mahiyain pero he's so cute. I hope na makilala ko pa siya ng lubusan. Pero mukhang crush niya ang pinsan ko, pano ba'to? Papakilala ko ba siya? Bahala na ang kaso kase baka magustuhan siya ni ate Tam. hayyyyyyyyy. Ang hirap ng kalagayan ko. :3

     Oo nga no? Di pa pala ako nagpapakilala. Hm. Ako nga pala si Cecile Reyes. 1st year college at pareho kame ng kursong tinetake ng Bestfriend/Crush ko na si Shin Montemayor, BSBA-MARKETING . Cute no? :) Di naman kame mayaman at hindi din kame mahirap, nasa gitna lang kumbaga. Di ako maarte at ayoko ng maarte, di nagpapaganda sa isang babae ang pagiging maarte. Nakakairita kaya yun. -_- Gusto ko ng makita si Best. Gusto ko ng pumasok sa School :)

How To Find Your TRUE LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon