(Kapag ayaw maraming dahilan, kapag gusto hahanap at hahanap ng maraming paraan).
*Marwin's POV**tak...tak..tak*
Lata.Lata.Lata.Lata nalang ang nakakafeel sa nararamdaman ko. Bawat sipa may lungkot na di maipaliwanag. Nasaan na kaya siya? Malungkot parin ba siya Gaya Nung nakaraang araw na una ko siyang nakita? Hayyyyy. Bakit ko pa kase nakabungguan yung istudyanteng yun e. Malas! Malas! Malas!
Sa kaka-"emo emo" ko at kakasipa sa lata di ko namalayan na nasa likod ko na pala sina Juan at Emman. At di Lang yun! Pinag-uusapan din ako ng mga mokong.
"Emman, tignan mo si Maw parang baliw! Wala namang kausap pero nagsasalita, pakamot-kamot pa ng ulo".
"Oy Maw! Anong trip mo sa lata? Di gumaganti yan uy!! Hahahaha".Aba at tumawa pa Ang mga mokong.
"Di niyo kase naiintindihan Kung anong nararamdaman ko eh".
"Bakit di mo ilabas yang nararamdaman mo? Iputok mo!!!!!".
"Tama ka diyan Pre. What are friends for Kung di naman tayo nagtutulungan sa mga problema natin?".
"Alam mo Maw kahit mapang-Asar Kame Minsan. Minsan Lang naman e tsaka pinapasaya ka Lang naman namin nun!"
Ang drama naman ng mga to.
"Ano kase e. Ganito kase e. Sino kase e....."
"Dana pre malala nga yang nararamdaman mo. Eh ka ng eh natatae kaba? Malayo-layo pa naman cr dito".
"Solid ka men. Kung anong gusto Mong sabihin, sabihin mo na. Naiinip na yung mga readers natin oh! ".
"Nung ano kase. Nung araw na iniwan niyo ako sa ospital. Nung binantayan ko si Shin.".
"Oh napano? Nambibitin ka naman e".
"Tas pumunta ako sa canteen Nung ospital. Habang naghahanap ako ng pwedeng maupan may nakita akong babae....".
"Nak ng!!!! Inlove ata si koya?".
"Oo e. natamaan ako ni kupido".
"Oh bakit di mo Kinuha number o tinanong man Lang yung pangalan?".
"Natorpe siguro to! No Juan?".
"Hindi sa Ganon mga pre. Yun na dapat Gagawin ko e. At di Lang yun yung Gagawin ko. Nung nakita ko siya yung mukha Niya parang balot sa kalungkutan. Problemadong problemado. Itatanong ko Sana Kung may maitutulong ako sa problema niya Ang kaso may nakabungguan akong babae, tinulungan ko siya syempre. Dinampot ko yung mga libro niya tas kalingon ko sa upuan Nung babae, wala na siya. Gusto ko siyang makita nga tsong!!".
"Walang problema men. Tutulungan ka namin. Diba Emman?".
"Copy!".
Buti nalang talaga kahit mapang-trip tong mga to, pagdating naman sa problema ay tulong tulong Kame.
"Maw bat di mo try magpost sa cupid page ng campus?".
"Eh di ko nga alam yung pangalan diba? Tsaka di din natin sure Kung dito din siya nag-aaral".
"Malay natin Diba? Ikaw din. Malay mo itong maliit na chance ay siya pang magtatapo sainyo. Think positive men! Don't give up!".
"Osya osya".
"Tanda mo ba lahat ng suot niya?"
"Oo pre".
"Osya goodluck! Isang bagsak!".
Syempre kauwi ko di na ako nagpatumpiktumpik pa. Agad ko ng pinost sa site ng mga admins para maipost na nila.
--------------------------------
•Sr. Admin Sana mapost Po Ito. Sana po as soon as posible.Advance thankyou Po 😄•.Sana dito nga talaga siya nag-aaral. Sana may nakakakilala sakanya. Sanatulungan niyo ako.
June 21 (Friday, 12:00 noon) naglalakad ako sa Williams General Hospital. Lunch time nun e kaya ko Nasabing 12. Babaeng naka color white na dress may relong kulay pink na nakasuot sa right. Nakaupo sa Sulok ng canteen. May nunal sa right face malapit sa labi. Sana makilala kita at maging kaibigan. At Kung bibigyan man ako ng diyos ng pagkakataon para alagaan ka. Pangako ko sayo di ako kagaya ng iba. Di kita paluluhain, bagkus mamahalin kita ng lubos. Yung pagmamahal na di mo pa naramdaman at Sakin mo Lang mararamdaman. Sana may nakakakilala man Lang sayo.
-Your prince charming (CBA/Lalake)
-------------------------------------