Road to Paris

151 1 0
                                    

Members of the student council assisted the participants to a random table with a random partner.

Napansin din kanina ni Yeri na saktong tig-sampu ang boys and girls. So more like boy to girl interaction 'to kaya, handshake and friendly hug lang ang option? Bawal talaga ang kiss? Bawal sunggaban?

Ano ba Yeri ang weird ng iniisip mo! Sabi ng di mo nga makakapartner si Bambam diba? Probability probability ka pa diyan, eh mababa nga ang chance.

Finally, she was guided to sit down to chair, kinapa niya kung nasaan banda ang table at doon siya humarap.

Someone's voice said na pwede na raw tanggalin ang mga blindfolds.

To her surprise, tahimik na tinititigan siya ni Jackson habang nakangiti ng nakakaloko.

"Hi Yeri." He said with a smirk on his face.

"Jackson nakakatakot ka ha." She said nervously with a hint of disappointment on her voice, dahil hindi niya nakapartner si Bambam, kahit na sobrang baba ng possibility. Atleast rest assured na isa sa mga tropa nila ang makakatable niya.

He laughed, "Grabe biro lang! Di ka na mabiro ngayon Banjing!" He jokingly defensed.

"Bakit hindi ka nakablind fold?" Tanong ni Yeri habang hinahanap ang blindfold ni Jackson kung saan.

Napansin niyang hiwa hiwalay ang espasyo ng bawat table sa bawat pair. Tila hinahanap ng mata niya ang kung sino, but Jackson kept on saying things, kaya imbes na maglibot ang mata'y inenjoy na lang niya ang company ng kaibigan.

Medyo maingay rin ang paligid, rinig ang iba't ibang conversation since nasa iisang open area lang sila.

"Di mo ba nakita pangalan ko listahan?"

"Hindi eh. Daming nakalista. Si Seulgi lang nakita ko. I'm guessing pinilit ka ni Pres noh?" Yeri teasingly asked. Parang alam na tama ang hinala niya.

"Ano pa nga ba. Hindi naman ako makahindi don. Plus she said, it'll help them to raise funds since pipilahan din daw ako since I'm the basketball captain. Alam ko namang matinik ako sa chicks." Pabiro niyang sabi habang umiiling iling

"Wow kapal."

"Basher ka ha, pero ayun.. Hindi niya alam, siya lang gusto ko makapair." He said while scratching his head. While Yeri chuckled lightly.

"Haha, obviously. Pero ganon talaga pag nanliligaw. Did you tame the tiger already? Alam mo namang we're all rooting for you. Siya lang naman tong matigas." Inangat ni Jackson ang ulo niya at what Yeri said. Ginanahan ang loob sa sinabi ng dalaga.

"Mukhang matagal pa. Nevertheless, I'll still pursue her." He said confidently.

"Dapat lang! Panindigan mo kaibigan namin noh!" Jackson smiled at her. Kinilig sa pag cheer sa kaniya ng isa sa mga kaibigan ni Irene.

"Ikaw musta? Balita ko kayo na ulit ni Jungkook?" Tanong ni Jackson kay Yeri.

Bahagyang nagulat si Yeri sa sinabi ni Jackson. "Huy hala! Hindi ah! San mo naman nakuha yan?"

"Diba magkasama kayo nanood ng league? Kalat kaya." Yeri was taken aback but still composed herself for a defense.

"Grabe? Hindi ba pwedeng friendly interaction lang. Tsaka wala yun. May iba na kong gusto." She blushed at the fact na inamin na niya kung kanino na may gusto siya. Curious na napamulagat si Jackson at kinulit kulit si Yeri, but Yeri said that's it's a secret and Jackson respected her decision na hindi sabihin sakaniya. After all he isn't a pushy person kung kaya't di na niya pinilit pa na aminin ni Yeri kung sino yun.

"Parang handang handa yung council sa booth na to ah." Tanong ni Yeri habang nilibot muli ang kaniyang mata. Mesmerizing every bit of decoration inside. Kahit ang totoo'y may gusto lang talaga siyang hanapin.

"Kaya nga eh. May photo booth pa nga pagkaexit! Try mo mamaya, libre lang." Jackson said, wiggling his brows.

"Sige sabi mo eh. Pero legit ba talaga na may pakiss-kiss pa? Parang budol naman kasi yung student council."

"Hala, Banjing virgin pa yung lips ko. Reserved for Pressy only." He exclaimed while covering his lips with his left hand.

"Baliw, hindi yon! Mukha kasing pain lang sa mga studyante. Alam mo naman mga SMU students, hubog na hubog sa karupukan."

"Ay True yan sis! Kita mo ko, di naman kasali dito, napainvolve!"

Yeri laughed, she truly enjoyed Jack's company.

"Last one minute!" A student council member announced.

"Nga pala ikaw lang pumunta dito?" Tanong ni Jackson.

"Ah hindi kasama ko si Tukmol."

"Ay oo nga pala! Nakita ko kanina kay Chaeyoung siya natapat!"

Biglang nanlumo si Yeri sa narinig.

"Weh nakita mo?" Sabi niya habang pinipilit ang sarili na wag mawalan ng gana dahil sa narinig na impormasyon.

She's jealous. Alam niya, pero mas ayaw niyang aminin. Ano nga ba kasi ulit yung karapatan niya magselos eh magkaibigan lang sila?

"Oo! Kinikilig na siguro yon, kasama din kasi si Chaeyoung sa list, hindi mo ba nahagilap?" Jackson cheerfully asked while thoughts rushed on Yeri's mind.

Naisip niya rin na kung sabagay, parte ng cheerleading squad si Chaeyoung. Hindi imposible na hindi siya mapasali dito.

"Hindi eh. Tuwang tuwa na siguro yon" She said, pinipilit nalang na ngumiti.

"Asan ba yon? Nakita ko lang kanina sila Bam eh." Jackson said while searching for Bambam through the different pairs across the room.

"30 seconds!"

"Uy 30 secs nalang, ano gusto mo ng kiss?" Tanong ni Jackson na walang ka mali-malisya sa tono

Ngumiti si Yeri at inambahang sasapakin si Jackson. "Sira, I'll take the souvenir noh!"

Binigay ni Jackson sa kaniya ang isang Eiffel Tower na keychain. And instead of doing a courtesy hug, ginawa nila ang secret handshake nilang dalawa.

She bid goodbye at Jackson.

Saktong pagkatayo't talikod niya, she froze, she was caught off guard, she didn't expect the scene in front of her.

Secret Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon